[ Krystel's POV ]
"So how are you bestfriend?"
Pagtatanong ko kay Danica habang nakahiga na kami sa kama ko.Dito kasi siya titira sa bahay para may kasama ako.Isa pa wala din naman siyang kasama sa bahay nila kasi nasa China yung parents niya
"Okay na okay ,ikaw?"
"Mas okay pa sayo hahaha"
Sabay pa kaming napatawa.
"Ano nga pala yung nangyari bakit biglaan ang pagalis mo noon?"
"Biglaan kasi yung pagalis namin.Isang araw nakaimpake nalang yung mga gamit ko at papunta na kami ng China kaya hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos.Siguro naman na received mo yung text ko noon bago umalis?"
pagpapaliwanag niya.
"Bakit di mo ako tinawagan?"
Napaiwas siya ng tingin sa akin.
"Pakiramdam ko kasi galit ka sa akin noon at hindi tayo okay"
Yeah parang ganon na nga.Bago kasi siya umalis hindi kami okay.Talagang iniiwasan ko siya noon,galit ako sa mga panahong iyon kasi pakiramdam ko napagtaksilan ako.Masama ang loob ko sa kanya kaya hindi ko siya magawang kausapin.
"Kahit na,dapat nagpaalam ka man lang sa akin ng maayos.Para kaya akong tanga na hanap ng hanap sayo.Kung di lang sinabi ni Zowin baka nabaliw na ako."
"Sorry ha?kung ano man ang nagawa ko sayo na ikinagalit mo sorry.Di bale na babawi ako."
Nginitian ko nalang siya.Matagal na din naman yun,at nakalimutan ko na nga ata.
"Sorry din bhes.Ang mahalaga naman ngayon ay okay na tayo.Pero paano kayo nagcumunicate noon?Kamusta na kayo?Kayo pa ba?"tanong ko sa kanya
"Ha?"
Anong ha? naman pinagsasabi nito?
"Si ----"
"Haha sabi ko na nga ba eh ! Bhes for your information certified NBSB ako"
"Ha?"
Anong pinagsasabi niyang NBSB eh rinig na rinig ko nga siya noon kung paano siya nagtapat ng nararamdaman niya sa kanya.Yung totoo pinagloloko ba ako nito?
"Kaloka ka,sinong kami?Hilo wala pa akong na bbf"
"Talaga?"
"Haha wala"
"Nevermind,kailan ka papasok?"
Pagiiba ko ng topic.Mukhang na miss understood na naman ako.Tiningnan naman ako ni Danica ng isang nakakalokong tingin.
Nakakapagtaka,pero bakit siya nag tapat sa kanya noon?Alam niya yung secret ko noon kaya sigurado ako na nagsisinungaling lang siya.Hindi ako naniniwala na hindi naging sila.Di bale na matagal na naman yon.
"Kaya pala,namiss understood ka lang doon bhes.Don't worry akong bahala"
"A-anong pinagsasabi m-mo?"
Ako naman ang napaiwas ng tingin sa kanya.Ano na naman kaya ang plinaplano nito?
"Nagtanong pa eh alam naman ang sisanabi ko.Pero siya parin ba?"
Natigilan ako sa sinabi niya.Nawala bigla yun mga ngiti ko.Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinilit na ibahin ang topic.
"So sa section ko ka papasok?"
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...