WE

19 2 4
                                    

Here's another update mga friendships ko. sana po magustuhan nyo ang handog kong update ^_^ Keep on reading at sabay sabay nating subaybayan ang Tandem ng bawat karakter sa storyang Kismet. (linyang pang-radyo hahaha) Enjoy reading Guys

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Hime? hime wake up”

Ito ang naririnig ko ng paulit-ulit at sa sobrang daming beses ko na syang naririnig nakukulili na ang ear drums ko. Bakit ba kasi nakilimutan kong i-off ang dakila kong alarm clock today? Wala namang pasok ah, oo na oo na gigising na nga po eh.

“AAAAHHHHHHHHHHHHHHHH” palakang kokak naman oo. “mom dad ano bayan kailangan ba talagang ilapit nyo pagmumuka sa akin?”

Sige tawa pa kayo, ang laki din ng sapak ng mga magulang ko noh, ganito sila lagi pag wala akong pasok. Actually parang ritual na yata nila ito eh. Ang gulatin ako at pagkatapos pagtatawanan nila ako.

“Anak naman pano kasi ilang beses ng tumunog alarm clock mo at ayaw mo pa gumising dyan.” Sabi ni mommy habang hinahawi ang kurtina ng kwarto ko.

“Mommy nakalimutan ko lang naman i-off yung alarm clock ko eh, tsaka isa pa wala naman tayong pupuntahan diba”

Napansin ko na parang naka-get up silang dalawa, pero yung tipong parang mga teen ager lang na lalabas. Oo tama ang attire nila eh yung tipong nakapambahay lang at ready-ing ready na umalis magpalit lang ng sapatos. Teka ano bang date today? Tinignan ko yung virtual calendar ko at syempre.

“Mommy bakit di nyo po agad sinabi sa akin? Naman kasi eh, ikaw naman daddy ano ginagawa mo dyan i-warm up mo na yung kotse half an hour aalis na tayo.” Oh diba utusan lang daw ba ang mga magulang

“That’s my princess, oh sya halika ka na sweetheart at baka yung half an hour ng anak natin eh maging isang oras.” Sabi ni daddy habang nakangiti.

Anong meron ngayong araw na ito? Ngayon ang araw na aalis kami para bisitahin ang puntod ng kuya ko. Yup, hindi ka nagkakamali ng nabasa i have an older brother though im still 10 years old nung makasama namin sya. After what happened to my brother our life never returned to normal. Si kuya ko ang nag-iisa kong defender at bestfriend malaki man ang agwat ng edad namin ay sobrang close kami kaya nga lumaki akong may pagka-lalaking kumilos dahil sa kanya. At sila mommy at daddy naman they tried their best to keep his memories alive dahil yung mga pangarap na ginusto ni kuya noon na syang pinagpapatuloy ko ay sinuportahan nila.

“Kuya i know naman na you’re always watching us from there and i know na nakikita mo lahat ang nangyari sa akin nung mawala ka na. Alam mo naman ako diba mayabang lang ako dati kasi kasama kita pero nung nawala ka ayun bumalik lahat ng pangbu-bully sa akin. Pero syempre hindi ako nagpatalo sa kanila lumaban ako hanggang sa makilala nila ako as Saddist Girl. Hahaha yan ang tawag nila sa akin kuya, sana hindi ka magalit dahil alam kong masama ang pumatol sa mga bully pero syempre ginagawa ko rin ito para maprotektahan ka at sila mommy at daddy.” Natawa ako sa harap ng salamin dahil parang feeling ko nasa likod ko lang sya at nakikinig sa lahat ng sinabi ko.

I heard a soft knock on my door

“Andyan na po ako” and i left my room with a happy mood dahil makikita ulit namin si kuya

Walang traffic kaya mabilis kaming nakarating sa puntod ni kuya pero bakit parang may tao na? Hmmmm teka familiar ata sa akin yung tshirt na yun ah. Sandali lang ha teka si si si... humarap sya tapos syempre ako naman na mukang tanga lang eh tumakbo papunta sa kanya

“Kuya Rich!!!!”

“Yow kamusta na ang saddist girl ko” tapos nun pi-nat nya yung ulo ko.

“Hindi ako saddist noh” sabay pout ko sa kanya

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon