Kabanata 58

5.1K 80 7
                                    


Krylle's POV:

Papunta pa lang kami sa bahay ni Rodolfo Santillan dahil ayon daw sa mga police ay nasa likod daw ng bahay nito ang bodega na pinagkulungan nito sa apo at sa anak ko. Kaya naman nung nalaman namin yun ay nagmadali na din akong nagbihis at umalis na.

Hindi talaga ako mapakali dahil baka may mangyare sa kanila. Ayokong mawala ang isa sa amin dahil pag meron ay hindi ko talaga mapapatawad ang gumawa nun.

"Wife relax ka lang dahil maliligtas natin sila, okay?"

"Paano ako magrerelax nito Hubby yung dalawang apo at anak natin ay nasa bingit ng kamatayan."

"Wag ka ngang ganyan..At wag kang mag-isip ng kung anu-ano dahil magiging ligtas sila basta dalian lang natin."

"Okay.." yan lang talaga ang nasagot ko sa asawa ko dahil hindi parin mawala ang kaba sa dibdib ko. At ngayon ko lang talaga ito naramdaman sa tanang buhay ko.

"Tara na wife alis na tayo at nandito na yung ibang police na kasama natin papunta doon." tumango naman ako at naglakad na rin papuntang kotse.

"Ready kana ba?" hindi naman ako napasagot sa tanong ng asawa ko.

"Kung hindi ka pa ready wife dito kana lang sa bahay at iuuwi ko ang dalawang apo at anak natin ng buhay dito."

"No, gusto ko sumama hubby at gusto kong masaksihan na kinuha ng mga police si Rodolfo Santillan." tumango naman ito at inistart ang engine ng sasakyan.

Nagbabyahe pa lang kami papunta doon ay ang lakas talaga ng kaba sa dibdib ko at hindi ko iyon mapigilan kaya napapainom ako ng tubig.

Alam kong napapansin iyon ng asawa ko kaya hinawakan nito ang kamay ko na sobrang lamig.

"Sabi ko naman sayo wife na doon ka na lang sa bahay."

"Hubby masama ang kutob ko ngayon eh..parang may masamang mangyayare.." agad ko namang sabi sa kanya kaya naman napakunot ito ng noo.

"Sabi ko naman sayo diba? Wag na wag mong sasabihin yang kataga na yan wife" galit nitong sabi sa akin kaya ako naman ay napatahimik na lang.

Ilang minuto rin ang byahe namin at nakarating na din kami sa bahay nila ni Rodolfo Santillan at nagkanya-kanyang position na ang mga police at pinasok nila ang gate na iyon pero ako namn ay nasa kotse lang dahil ayaw namn ako palabasin ni ni Jero sa sasakyan.

Kaya nag-antay na lang ako sa kotse. Habang nandoon ako sa loob ay hindi ko talaga naririnig ang putukan sa labas kaya naman nagtaka ako kaya napalabas ako sa kotse.

Nang makalabas ako ay napag-isipan kong pumasok doon sa gate at nakita ko na lang ang dalawang apo ko na bitbit ng dalawang lalaki kaya naman ay napatakbo ako doon sa mga police.

Tatakbo pa sana ako ng makaramdaman ako ng kamay na humawak sa braso ko kaya naman napatingin ako sa humawak sa akin.

Nung makita ko iyon ay nakita kong umiling ang asawa ko.

"Wife, alam mo bang delikado ang gagawin mo pag hindi kita napigilan." galit nitong sabi sa akin kaya naman napaiyak ako.

"I'm so sorry hubby."

"Wag mong ipahamak ang sarili mo at hindi magugustuhan ni Khloe yan Krylle tandaan mo yan."

"Sorry na hubby, nakita ko kasi yung dalawang apo natin na hinahawakan ng dalawang lalaki."

"Wag kang gagalaw tumayo ka lang dyan."

Nakita naman namin na tumayo ang dalawang lalaki at bitbit ang baril nila sa isang kamay.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon