My Ultimate Crush

4 1 1
                                    

Alas-3 na naman ng hapon. Mabilis akong babangon sa pagkakahiga ko. Hindi din ako makatulog, nag-aabang ako na sana pabilis ang oras at ito na nga. Sumilip ako sa pinto namin at tinitignan kung malapit na siya dumaan. Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko at kinikilig na naman ang katawang lupa ko. Kung kanina gusto ko pabilisin ang oras para mag alas-3 agad, ngayon gusto ko patigilin o pabagalin kahit saglit lang. Gusto kong makabisado ang bawat detalye na meron sakanya. Sumilip ulit ako at nakita ko na siyang papalapit ng papalapit hanggang sa sinarado ko ang pinto at sumilip sa maliit na butas na nakita ko. Grabe ang bilis ng kabog ng puso ko, parang gusto ng sunggaban siya. Lumabas na ako at tinanaw siyang papalayo na sa akin. Hindi niya alam na sa pagdaan niya, may nakukumpleto siyang araw na masaya :) Buong linggong kumpleto ako, dahil araw-araw ko siyang nakikita.

"See you in school." bulong ko sa isip ko. :) Hindi naman ako stalker, sadyang mabait lang ang tadhana para sa aming dalawa. Paano ko ba nalaman na dumadaan ang crush ko samin? Nung inutusan akong bumili ng tinapay ng nanay ko. Natanaw ko siyang nagpapaturo ng math sa isang bahay, na medyo malapit samin. Akala ko nga namamalik mata lang ako, pero pagbalik ko. Siya na talaga ang Mr. Toaster ko. Biruin mo yun dahil sa tinapay, may everyday :) Kaya simula nun ako na umaako pag may iuutos si mama.

Paano ko siya naging crush? Kakulitan ko siya nung Grade 4 kami. Lagi kaming nag-lalandian este nag-haharutan. Akala ko nga sa paglipas ng panahon magiging bff kami, kaso matalino siya kaya nagkahiwalay kami. Break ba gud! :3 Charaught! Kaya simula noon hanggang tanaw na lang ako sakanya. Tulad na lang nung Valentines Day, hindi ko na matandaan kung anong grade namin noon. Nung uwian na, inisip ko na hintayin siya at iabot ang gift ko sakanya. Lakas ng kaba ko, nag iisip ako ng plano kung paano ko siya masasabayang mag lakad. Kung kunwari ay mag bubungguan kami o doon ako sa iskinita dadaan at boom makakasalubong ko siya. Hahahaha. Ang ganda na sana ng naisip kong idea kaso hindi ko naman yun ginawa. Nakita ko siya na pauwi na, yung pag-hihintay ko sakanya ay nauwi sa wala. Ang hirap pala na hanggang tingin na lang ang kaya mong gawin sa dating kalandian mo sa klassrum.

Hanggang sa malapit na kami grumaduate. Grade 6 na kami nun at yung room namin ay halos magkatabi lang, may times na parang iniiwasan niya na ako o ang feeling ko lang talaga. Palagi naman akong maaga pumasok kaya naghihintay pa ako sa bench, hindi ko alam na maaga din siya pumapasok kasama mga kaklase niya. Pero nung natuklasan niya siguro na maaga ako pumapasok nun, nagpapalate na siya. Ayos lang naman sakin yun kasi kahit na late siya pumasok nasusulyapan ko parin siya kasi di ba bago magsimula ang klase magpipray muna at magpa-Panatang Makabayan, sakto siya lagi sa time na yun kaya bawal pa siyang pumasok sa room nila at tambay pogi muna sa pinto. Dahil dun nakakalibre sulyap ako sa maamo niyang mukha, pero ito pang isa sabihin niyo nga kung napaka feelingera ko na. Kasi naman lagi din siyang tumitingin sa room namin, tinitignan niya din ata ako. "Haaaay! My Mr. Toaster!" lagi kong binabanggit pag andyan na siya.

Ang isang tao hindi nawawalan ng regrets at sa point na yun hindi nauubusan ng What ifs!

Katulad ko na lang; Kung nagpatuloy kaya kaming mag kaibigan, yun bang kahit anong section namin nag babatian parin kami sa isa't isa siguro swerte ko kasi bestfriend ko ang crush ko! Kahit hindi niya na malaman na crush ko siya, okay lang basta friends kami. Atleast super close, di ba.

Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon na bumalik sa nakaraan, yun ay kasama ko siya at sisiguraduhin kong magiging kami este magiging friends ba. Hahahhhaha. May nakaranas na rin naman nito siguro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TobbyToaster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon