The Deeds

32 0 0
                                    

Third person’s POV

Its been a week since naganap ang meeting ng buong council at ang engkwentro nila Leander at Yuuka, at dahil na rin sa character na gaganapan ng dalawa ay madalas silang makitang magkasama pero hindi naman sila nagpapansinan.

“Wow its a rare sight na makita mong magkasama ang two most popular people together. The Casanova King at ang Sadist Queen bagay sila sa isa’t isa.” Saad nung isang estudyante na nadaan nila

“Sa lahat ba naman ng mga magiging magkapartner sila pa sigurado ako laging nag-aaway yang dalawang yan.” Sulsol naman nung isa.

“Try mo kayang maging at ease para naman hindi puro negative ang tingin sayo ng mga studyante dito sa academy.” Untag ni Leander kay Yuuka

“Hindi ko gagawin yan just to please them, sila ang mag-adjust sa ugali ko dahil bago pa sila dumating dito ay ganyan na ang reputasyon ko.” Malamig pa sa yelong tugon ni Yuuka

Nagkibit balikat na lang si Leander sa naging sagot ni Yuuka at sabay silang pumasok sa classroom, sinalubong agad sila nila Celes ng isang matalim na tingin lalo na kay Yuuka. Hindi naman nagpatinag si Yuuka sa ginawang pagtitig sa kanya ni Celes bagkus ay nilapitan pa nya ito at saka binigyan ng isang mahinang tapik sa pisngi.

“Hindi mo ako madadala sa ganyang klaseng tingin Celes. Kung may gusto kang gawin sa akin dapat ginagawa mo na agad dahil kung hindi baka maunahan pa kita.” Bulong ni Yuuka

“You really pissed me off Landev, how dare you to call me on my first name? And for your information im not doing anything because you’re with him.” Ganti ni Celes

“Oh him? You like that guy he’s all yours im not interested anyway. The person i love is gone  and its all because of you.”  Yuuka said in an angry voice

“Celes enough, don’t start anything stupid. The class is about to start so go to your seat now.” Pigil ni Leander sa akmang paghablot ni Celes sa braso ni Yuuka

Walang nagawa si Celes kungdi ang sundin ang sinabi sa kanya kaya padabog syang bumalik sa kanyang upuan at ganun na rin si Leander. Sa isa’t kalhating oras ng kanilang klase ay walang ginawa si Leander kungdi pagmasdan si Yuuka at magisip ng kung ano anong paraan kung pano nya makikilala ng lubusan ang babae. Lingid sa kanyang kaalaman ay pinagmamasdan din sya ng kanyang kaibigan na si Josh at ng kaklase nyang si Celes bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang iniisip na pawang sila lang ang nakaka-alam. Bago matapos ang klase ay may inabot na papel si Josh sa kaibigan nagtataka man ay binuksan ito ni Leander.

“Ang hirap maging hopia ano. Ikaw naman kasi eh bakit kaya hindi mo na lang diretsahin katulad na lang nung ginawa mo dati “Miss pwede bang manligaw?” at least magagawa mo syang kulitin at asarin dib a. Malay mo magkaroon ka ng chance.”

Tumayo ito at lumapit sa kaibigan na ngayon ay nakangiti sa kanya at pasipol sipol pa “So ano ang ibig sabihin nito?” tanong nya sa kaibigan

“Alam kong mas kilala ka ng kakambal ko pero ako nakikita ko lahat dahil lagi tayong magkasama.  Just use your talent as a Casanova with her sigurado ako magiging kayo ni Landev.” Anito sa kaibigan

“Josh she’s different hindi sya katulad ng ibang mga babae na pwede kong gawing fling kung kalian ko gusto. And besides she already have love someone.” Malumanay na sagot ni Leander

“Alam mo kung ang tinutukoy mo ay ang lalaking mahal nya hindi mo sya problema dahil matagal na syang wala.” Segunda ni Josh

“Kahit na, hindi ko mapapalitan ang lalaking yon. Gusto kong umasa dahil gusto kong makita kung pano sya pag masaya kung ano sya pag nalulungkot sya. Gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam na pinahahalagahan ka ng isang katulad nya.” Sinserong saad nito sa kaibigan na ngayon ay nakatitig sa kinaroroonan ni Yuuka

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon