CHAPTER 11

6.2K 104 2
                                    

=========================
Eksena bago ang chapter 11 hihi. Sorry, matagal update. huhu ngarag lang sa school, thank you sa votes @ThePermanentRain, @MZ_SAPORCO05, @tonton1989, @idle8086, @XxJinexX, @viancaAZTIG11 , @yhonamarie, @fortsteph, @gree_min24, @iellemar , @JLLimbo_Nuriko, @kayeindy_ , @rawr26
=========================

-CHAPTER 11-

 

“Okay ka lang?”

Nag-angat ako ng paningin sa lalaking nakabunggo ko pero nakapikit pa rin ako. Kinakabahan ako! Juice colored sana hindi siya ‘to! Hingang malalim! Wooh! Unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko.

“Phew.” Nakahinga ako ng maluwag! Yes! Hindi si Kristoff. Buti na lang talaga! Naku, pero magkaamoy talaga silang dalawa kaya kinabahan ako. Lalala. Makaka-ihi na rin ako sawakas!

Nginitian ko ‘yung lalaki “Hehe. Sorry nagmamadali kasi ako. Bye!” saka ko siya nilagpasan at patakbong pumunta sa comfort room. Kung hindi lang ako naiihi makikipag-kilala pa sana ako kaya lang waa sasabog na talaga ang pantog ko!

Dali-dali akong pumasok sa loob ng cubicle. Pinunasan ko muna iyong toilet bowl baka mamaya magkaron pa ng bulate ang pwet ko. Nonononono. Hihihi. Pagtapos kong ilabas ang kanina ko pang pinipigil na wiwi, napatigil ako saglit sa mga narinig kong chismax. Makikinig muna ako saglit.

“Hindi mo manlang ba is-share sa akin kung paano kayo naging magkapatid ni Timmy?”

 

Ohh. Si babaitang Kenneth lang pala. Tss. Makikichismax muna ako sakanila.

“Is it necessary? What matters is nakita ko na siya ulit, sawakas.” Nakita ulit? Hmm. Curious na talaga ako sa relasyon nilang dalawa ni Tim. Paano sila naging magkapatid? Ang weird. Eh ang daddy ni Emerald at ang mommy ni Tim ay ang currently magjowa ngayon. So, paano napasok sa usapan itong si Meganyuun? Aysssssh nakakapagod naman mag-isip.

Nang maramdaman kong nakalabas na sila ng comfort room, saka ako umeskapo. Labas labas din pag may time. Phew. Nasaan na kaya si bestfriend? Naglakad-lakad ako para makakita ng gwapo. Hihihi ang landi talaga.

Napatigil ako nang may makita akong naglalampungan. Live show na ituuu. Pumwesto ako sa isang madilim na parte ng club. Kitang-kita ko ang pakikipaghalikan ni Timbog kay Meganyun.

Dug.dug.dug

Ouch. ‘Di ba dapat masaya ako dahil nababaling na sa iba ang atensyon ni Tim? Pero bakit biglang nanikip ang dibdib ko. I’m sure hindi dahil sa lumalaki ito, kundi waaa nagseselos ba ako? No no no. Hindi pwede. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko nang hapitin ni Tim si Megan sa beywang. Hinaplos-haplos niya pa ang pwet. Aysus manyak talaga!

Oh God. Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak ako? For this guy? I mean, woah english. I uhh, mahal ko na ba si Tim? Sa maiksing panahon? Aaminin ko crush ko siya noon, diba? Pero ngayon? Na magkakaanak na kami, lumalim ba ang pagtingin ko sakanya? Hinaplos ko ang tiyan ko. No, baby ‘wag kang mag-alala. Kaya naman kitang buhayin kahit wala kang daddy. Hayaan mo na siya, sabi ko naman sayo, ang gagong katulad niya eh walang pag-asang mag-bago.

Painful Desires (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon