Kaizer's POV:Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil gusto kong ipagluto ang tatlong bata. Kaya naman bumababa na ako para magluto.
Alam kong gising na din ngayon si Manang Doris kaya tutulungan ko na lang sya.
Pagkadating ko sa baba ay naamoy ko ang paborito ko kaya nagmadali akong pumunta sa kusina.
"Manang Doris Good Morning po." pagkabati ko ay nagulat pa ito kaya naman ay napatawa ako.
"Good Morning Sir, bat ang aga mo pa nagising?" nagtatakang tanong nito sa akin.
"Manang ipagluluto ko lang po yung tatlong bata." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Mabuti naman.."
Kaya nag-uusap lang kami ni Manang Doris habang nagluluto pero may hindi akong inaasahan na tanong nya.
"Sir, wag nyo pong mamasamain." kaya nung sabihin nya iyon ay napatingin ako sa kanya.
"Ano po iyon Manang sabihin nyo lang po sa akin."
"Sir, ano po ninyo ang dalawang bata?" agad nitong tanong sa akin.
Kaya naman nung sabihin nya iyon sa akin ay tumingin ako kay Manang Doris at ngumiti.
"Manang sila po yung totoo kong anak sa dati kong asawa."
"May asawa na kayo sir?" tumango naman ako.
"Kaya manang kailangan kong bumawi ngayon sa dalawa."
"Tama yan hijo, pero nasaan ang mommy ng mga anak mo?" agad naman bumalik sa akin ang lungkot na dapat hindi ko na maisip ngayong araw.
"Nasa hospital po Manang nasa critical na kondisyon kaya ako muna ang magbabantay sa dalawa habang nasa ICU pa sya. Madami na po akong kasalanan sa Ex Wife ko kaya isusukli ko po yun sa mga anak namin."
"Ang lungkot naman ng love story nyo hijo."
"Oo nga po Manang, pero ang saya ko dahil hindi nawala ang mga bata sa kanya."
"Manang may sasabihin po pala ako sayo."
"Ano iyon hijo?"
"Aalis po kasi kaming tatlo at pwede po bang ikaw muna ang mag-alaga kay Danica habang wala po ako."
"Oo naman pwede iyon, pero hindi mo ba isasama si Danica sa lakad nyo?" umiling naman ako.
"Manang kailangan po ako ng dalawa. Kung isasama ko pa po si Danica ay baka hindi ko na intindihin yung dalawang anak ko."
"Sige hijo ako ng bahala kay Danica at iuuwi ko na lang sya sa probinsya namin. Kung gusto mo, doon ko na rin sya papaaralin." tumango naman ako at nagpasalamat sa kanya.
"Sige, kailan ba ang alis nyong tatlo at saan kayo pupunta?"
"Bukas na po ang alis namin Manang at pupunta po kami sa US." tumango-tango naman ito.
"Pero hijo kausapin mo muna si Danica bago mo sya iwan sa akin at alam mong ikaw kinilalang ama ng batang iyon."
"Opo manang salamat po talaga, kukunin ko rin po sayo si Danica pagmakabalik na po kami dito sa Pilipinas." tumango naman si Manang at bumalik ang tingin nya sa niluluto nya.
"Manang aakyat lang po ako at titingnan ko po ang tatlo kong gising na po sila."
"Sige, ako ng bahala dito."
Umakyat na ako papunta sa kwarto ng dalawang kambal at pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko na lang na gising na si Kairon kaya naman ay lumapit ako sa kanya at kinausap ito.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020