DIANNE'S POV
NAtapos ang weekend ko ng punong puno ng alalahanin dahil sa nangyari sa photo shoot.
Normal na araw uli sa pagpasok ng school. Ganon pa rin naglalakad ako habang kumakain ng toasted bread, late na naman kasi ako nagising. Hindi pa ako ganun nakakalapit sa school ng makita ang dami ng tao sa labas nito. Hala? anong meron? Nasa likuran lamang ako ng mga taao, hindi ako makasingit para pumasok sa loob. Kinalabit ko ang isang lalaki para magtanong."Ano pong meron?" tanong ko rito. Kaagad na humarap ito sa akin habang palinga linga ang tingin sa gate ng school. May patayan bang naganap? "May krimen po ba o ano?"
"Mas malala pa roon!" gigil na sabi ng lalakig napagtanungan ko. May hawak yang recorder. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ng mabuti yung mga taong nasa paligid. "Nabalitaan namin na dito nag aaral yung rumored girlfriend ng isang teen superstar na si Aj Evans. Do you know her? We would like to conduct an interview with her. Kailangan naming kompirmahin kung sya nga!"
Napanganga ako sa sinabi nito at paunti unting umatras. Umiling iling lamang ako rito bilang pagtanggi. Nagtataka naman nya akong tiningnan at nanlaki ng kanyang mga mata ng mamukhaan ako. Mas lalong naging malala ang kalagayan ko ngayon. Kaagad akong tumakbo palayo, sana bukas yung back gate.
"AH!? IKAW YUN! IKAW YUNG BABAENG NASA PICTURE DIN NA KUMALAT DATI"
Oo na! Ako nga iyong babaeng pinagtripan ng tandhana. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Kasunuran ko naman sila. Daig pa ang nagkazombie apocalypse! Humanda ka talaga sa akin Ash Jan! Sobra mong pinapahirapan ang buhay ko!
Nakarating na akong sa back gate. Pilit kong inakalabog ang gate na iyon dahil hindi ko ito mabukas. Tae! Nakalock iyon mula sa loob. Napalingon ako sa kantong nilikuhan ko ng mapansin na tumatakbo nna palapit ang mga press.
"AHHH! TULONG! BUKSAN NYO YUNG PINTO!" sigaw ko habang kinakalbog ang gate. Please sana mayy makarinig! ayoo maharap sa mga ganyan. Lumingon ako ng makita naa malaapit lapit na sila sa akin. "TUL---"
"Tara!"
Biglang may nagbukas ng gate at hinila ako paloob. Nabunggo pa ako sa dibdib nya sa sobrang lakas ng pagkakahila nito. Kaagad nyang sinarado ang gate at nilock ito. Mahingal hingal pa ako habang hawak ito sa damit ny.
"Sayang!"
"iinterviewhin lang naman eh"
"Hayaan mo na abangan na lang natin sa susunod"
Rinig naming usapan mula sa labas ng gate. Sabay nun ang unti unting paglayo ng ingay nila. Mukhang wala na sila sa tapat nung gate.
"Dianne? yung damit ko" sabi ng lalaki. Mahigpit kasi akong nakahawak sa damit nito na halos makusot na iyon. Kaagad kong binitwan ng mapansin iyon.
"Ah! sorry, kilala mo ko?" tanong ko agad sa kanya. Tumango naman ito. Isang lalaki na nakasalamin at medyo gloomy ang aura. Pamilyar sya sa akin pero hindi ko maalala.
"oo kaklase mo ako" sabi nito. Hinawakan nya ang kamay at iniharap nya sa akin. Saka ko lang naramdaman ang hapdi. Nagkaroon pala ako ng sugat sa palad. "Naramdaman ko yung pagsabit ng kamay mo sa belt ko, sorry"
"Ah, hindi, wala yun. Sorry pala naabala ka pa kanina" sabi ko roon at kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Napatingin lang ito sa akin. "Sino ka nga pala? hindi ko malala yung pangalan mo"
"Arthur, Art na lang" pakilala nito at bahagyang ngumiti. Ngumiti lang din ako at tumango tango. Ang bait naman ng taong to. Kaklase ko pala to, sa tagal ko na ring nag aaral dito wala pa rin akong masyadong kilala since si Sara lang talaga ang kinakausap ko rito.
"Sige, Art nice to meet you. Tsaka thank you uli sa pagsagip kanina" sabi ko rito at tumalikod.
Sana dumami pa yung mga taong tulad nun. kahit ang sama ng araw ko ngayon naging balanse naman ng mameet ko si Art. Naglakad lakad ako habang palinga linga sa paligid ng building. baka may manugod na naman sa akin eh. Kaagad ako nagtago sa likod ng makita na may padaan na mga babae di kalayuan sa pinagtataguan ko lang.
BINABASA MO ANG
Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)
RomanceSi Ash Jan Evans na kilala sa screen name na AJ Evans ang dumating sa buhay ni Dianne na isang pangkaraniwan lang na tao. Nang dahil sa ka pilyohan ni AJ hindi lang career ang nagulo nya kundi pati na rin ang buhay ni Dianne. Ano kaya ang nagpa spec...