Arrow 1.0

667 6 0
                                    

© Copyright 2020. All Rights Reserved.

Date Created: 24 August 2014
Date Published: 07 March 2020
Genre: Fantasy/ Action/ Romance

This is a work of fiction. Any names, characters, stories or events are fictitious, unless otherwise stated. Any similarity to real persons, living or dead, or incidents are purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.

3s' Note: If you have stumbled upon this story by chance or by choice, thank you in advance. I appreciate your view, much more your read, vote, and insight. Mwa.

This story is flawed. Read at your own risk. Any suggestions, corrections, and critiques are very much welcome. Enjoy!

FIRST: THE LAST DAY OF NORMALITY

Ai

"Sh*t! Sila na talaga?"

"Yeah..." 'yong totoo? Anong planeta na ba ang narating ng utak ni Wendy at nawala na ata sa Earth? Kanina n'ya pa ako paulit-ulit na tinatanong n'yan eh. Parang sirang plaka.

"Nakakagulat naman kasi. Biruin mo, naging sila pa. Eh halos isumpa na nga nila ang isa't-isa, perfect haters kung baga," she's right. Perfect haters, sagad kung mag-away, aso't pusa, lahat na ng pwedeng itawag sa kanila. Si Night ang pinaka-bully, walang hiyang lalaki na napakahangin ngunit 'di makakaila ang kaguwapuhan nito. Si Meg naman ang pinaka-malditang, walang kwentang, loka-lokang babae na napaka-perfectionist at nuknukan ng arte ngunit pinagpala naman sa kagandahan. 'Di ba? Sobrang layo ng mga ugali nila. Sila 'yong tipo ng tao na ultimo butil ng bigas, pag-aawayan.

"Eh perfect haters turns into perfect lovers nga sabi ni google."

"Kyaaah! Nang dahil d'yan sa sinabi mo mas kinikilig tuloy ako sa dalawang 'yon! 'Yon 'yon eh! ANO BA!"

"Sorry naman, biglang nagpop-out sa utak ko eh."

"Oh. My. Geee!!!" Tae. Bestfriend ko ba talaga si Wendy Cruz? Nakalunok na naman ata ng mic. Mabuti na lang at wala ng gaanong tao sa locker area, kun'di makakakuha na naman kami ng atensyon ng marami dahil sa lakas ng boses n'ya.

"Paking tape! Ilang microphone ba nilanlan mo?"

"Eto naman kinikilig lang 'yong tao." Kapag kinikilig dapat sumisigaw talaga nang malakas?

"Kinikilig ka ba talaga? O nagwawala na?"

"Whatever." At talagang siya pa ang may ganang irapan ako ha. "Sige na, pupunta na muna ako sa floor ng aking labidoo na si Yoshi at baka nagtatampo na 'yon."

"Spell ASA Wendy. May girlfriend na kaya 'yong tao. Huwag kang malandi ha?" pagpapaalala ko sa kaniya. Talagang pinagdiinan ko ang salitang ASA.

"Imaginin mo na lang na ako yung girlfriend n'ya."

Imagination...

"Hi, honey, I baked some cakes for you. Want some?"

"No, Yoshi, baby, your body is enough to taste." She bit her lower lip then winked at him seductively. It was her first step on how to turn the ever hot Yoshi Rivera on.

End of imagination...

Bigla kong naibato kay Wendy ang notebook na kakakuha ko lang sa locker.

"Bwisit ka Wendy! Dinudumihan mo ang utak ko. Yuck! Yuck! Hindi bagay. Nakakadiri, eww."

"Parang t*nga naman, Ai. Joke lang 'yon, okay. Joke. Impossibleng mangyari 'yon 'cause I'm so sexy..." Huminto s'ya sa pagsasalita, pinaraan n'ya ng palad ang kurbang bewang at saka taas noong inilihis nang marahan ang ulo n'ya. Mayro'n din ako n'yan 'no. "...and he doesn't deserve it despite the fact na I love abs and everything about boys. Walang connect 'yon. Pero Ai, isa akong pervert na hindi p'wede sa inosente. Hahaha!"

"Tumigil ka na nga! Nakakatuyo ng utak at nakakadugo ng ilong 'yang mga pinagsasabi mo. Alis na! Alis!" I jokingly shooed her away.

"Leche ka! Makaalis na nga talaga."

"'K bye. Huwag ka nang magpakita sa'kin, nakakasura 'yang pagmumukha mo."

"Kahit anong mangyari, Ai, makikita at makikita mo ang maganda kong pagmumukha. Hahaha!" Ibabato ko na rin sana sa kanya 'yong history book nang mabilis 'tong umalis.

Kapal talaga ng apog ng babaeng 'yon.

Cupid on Duty (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon