Chapter 2: Abduction

48 1 0
                                    

Nang makarating sa hari ang pagdating ng apat na prinsipe kinagabihan ay agad itong nagpahanda ng kasiyahan sa loob ng palasyo at ang lahat ng pamilyang kabilang sa noble families ay imbitado.

"Goodmorning ladies and gentlemen! Today, we are honoured to have the opportunity to meet the Princes of Barcel, Wales, and Adora to our home..." Masayang wika ng hari habang katabi nito ang apat na prinsipe sa kanyang kaliwa.

Nagkaroon nang bulungan ng mga tao dahil sa pagpakilala iyon ng hari.

"...You heard it right, this man beside me is the current crowning prince of Isidore's lineage, due of personal reasons ay ngayon lamang nagpakita sa publiko si Prince Leonidas." pagpapatuloy ng hari.

Umabante ang naturang prinsipe at magalang na nagpakilala sa madla, "Good evening."

Ang pagtataka ng mga tao ay agad rin naglaho at napalitan ng admirasyon lalo na sa mga maiden na naririto.

"Kung ganyan kagwapo ay talagang tatanggapin ko na!"

"Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na ito ng hindi ko nakakausap ang prinsipe!"

"Paunahan na lang tayo!"

Napailing na lamang ako sa kaharutan ng mga ito.

"...Hindi ko na patatagalin pa ito dahil alam kong sabik na rin kayong makilala ang ating mga panauhin. Princes, please enjoy the party." Ngumiti ang hari sa apat bago bumaba kasama ang reyna upang makihalubilo sa mga tao.

Sa pagtatapos ng maikling speech ng hari ay hindi na pinalampas ng mga noble families ang pagkakataon upang makausap ang apat na prinsipe. Ilan naman sa knights, kasama na ako ay nakabantay upang protektahan ang royalties.

Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid at nagmamasid ng lumitaw sa harap ko ang basong may laman na wine, nang tignan ko kung kanino ito galing ay isang nobleman ang bumungad sakin.

"Wine para sa magandang binibini." usal nito.

"Hindi ako umiinom." seryosong sambit ko.

"Wine lamang ito, tanggapin mo na."

"Pasensya na ginoo ngunit ayoko talaga."

"Arte mo naman."

Hindi nagpatinag ang lalaki. Walang sabing kinuha ang kamay ko at inilagay ang kopita sa mga pagitan nito.

"There. Hindi naman mahirap diba?" maangas na sambit nito. Kaunting pasensya havana, anak ng Marquess yan.

"Bakit napaka-ilap mo, Lady Havana?" usal ng lalaki habang hindi pa rin umaalis sa tabi ko at sumisimsim sa kanyang inumin. Hindi ko naman ito inimikan at Itinuon na lamang sa pagtingin sa ibang mga bisita ang aking ginawa.

"Sagutin mo ko." walang sabing hinablot nito ang aking braso upang mapaharap ako sa kanya.

"viscount, bitawan mo po ako. Mahiya ka sa inaasal mo nasa loob ka ng palasyo." tugon ko.

"Hindi ba't kabastusan rin ang hindi pag-entertain ng bisita?"

"Anong klaseng entertain ba ang gusto mo?"

The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon