Nag pahinga ako sa park dito sa aming subdivision
Ginagawa ko ang aking morning routine na mag jogging bawat umaga, nakasanayan ko na kasi
Kasalukuyan ako nag pupunas ng pawis ng may tumawag sakin sa di kalayuan
"Ice?"
"Oh, ate terannza ikaw pala"
Si ate terannza ay pinsan ko sa side ng mama ko. Siya ang laging nag papayo sa aking mga gagawin
Maganda din si ate tera chinita, matangkad, petite ang kanyang katawan at ang kanyang curly hair ang nag palago sa kanyang appearance
Matagal ko na siyang di nakikita kasi nag tungo siya sa Texas upang asikasuhin ang mangilan nilang business at ngayon lang siya nakabalik
"Uy ice, nakikinig kaba?" Panggugulo nya sa pag iisip ko
"Sorry ate kailangan ko nang umuwi may pasok pako next time nalang" sabi ko nalang
"Ok see you around ice!" Anya
Nag simula nakong mag jog pabalik ng aming bahay
Nang makarating ako sa bahay nakasalubong ko si manang na nag tatapon ng basura kaya tinulungan ko na ito
"Manang tulungan napo kita"
"Naku itong bata talaga na to, ako na at maligo kana doon nang makapasok kana" anya
"Nakupo manang ayus lang saglit lang din naman iyan"
Di na sya kumontra kasi di rin naman ako mag papatalo
Katapos namin mag tapon ng basura ni manang ay nag tungo ako sa kusina para uminom ng tubig at kumuha nadin ako ng tinapay
Nang matapos ako umakyat nako sa kwarto ko upang maligo
Simple lang buhay namin nakakakain ng tatlong beses sa isang araw nakukuha ang mga kailangan at paminsan minsan ang mga luho
Binuksan ko ang shower at pinaagos ang malamig na tubig sa aking katawan
Binilisan ko lang ang pag ligo ko dahil baka malate nanaman ako
Nang matapos nako mag ayos ay nag punta nako sa garahe at nakita ko si daddy na nag lilinis ng kotse niya
"Oh ice! Aalis kana? Hatid na kita sa school" sabi ni dad habang nag pupunas na ng kotse
"Ayus lang dad mag momotor nalang ako malapit lang din naman ang school"
"Ganon ba o sige ingat nalang ice"
"Opo dad kayo din alis nako"
At yun iniwan ko na si daddy dinala ko na ang akin motor at bumyahe na tungo sa school
-
Nang makarating ako sa school nakita ko yung kaklase kong laging nakatungo
Ano kasi pangalan non tiara? Tara? Tiera? Hay ewan basta sya si medina
Di ko na siya pinag tuonan ng pansin at nag park nako ng maayos. nang maialis ko na ang helmet ko may narinig akong ingay.
Kalingon ko dito nakita ko si medina na nakatayo sa gitna ng tatlong lalaki
Ano ba ginagawa nya dun di naman siguro niya kaibigan kasi ang iinit ng mga tingin nila sakanya
At tsaka ano bang paki ko?
Lilihis na sana ako ng tingin nang makita kong sinampal ng malakas si medina
Putok labi nya dahil sa lakas ng impact. Hinawakan sya ng dalawang lalaki upang di sya matumba
Lumapit ako ng konti para marinig pinag uusapan nila
"Yan napapala ng mga nag papakabayani! Sa susunod wag kang haharang sa harap namin!" Malakas na sigaw sakanya ng lalaking nasa harap nya
Nanatili siyang nakatungo habang hawak parin siya ng natirang dalawang lalaki
"Iwan na natin yan lang kwenta" sabi ng parang leader nila
Binitawan na sya at tsaka sila nawala sa paningin ko
Lalapitan ko na sana si medina nang bigla siyang nag salita mahina lang pero sakto lang na marinig at kilabutan ako
"Kayo ang nag kamali ng binangga, wag kayong lalabas sa lungga nang kayo lang nag iisa dahil sisiguraduhin kong malambot ang hihigaan niyong kabaong pag nag kataon" bulong niya sa kanyang sarili
Lumapit nako sa kabila ng kilabot ko at inabutan sya ng panyo, tinignan nya muna ito ng matagal bago tinanggap at pinunasan ang putok niyang labi
"Bat di ka lumaban?" Takang tanong ko gayong may kalakasan naman siya sa kanyang itsura
"Dahil lahat ng bagay nagaganap sa tamang oras at di pa oras ng mga yon!" Gigil na tugon nito
"As you say so" tugon ko
Patungo nako sa daan papunta sa room ng bigla niya akong tawagin
"Alveres, wag kang susulpot sa mga kaganapang hindi ka kabilang o kabagay dahil kahit anong oras maaari kang malagutan ng hininga nang dimo namamalayan"
Nilamig ako sa boses nya, pero imbis na pansinin di ko na sya nilingon at nag patuloy nako
Nang makarating ako sa room sinalubong ako ni torrence ang babaeng kaibigan ko na mula grade schools
Pinagkakamalan nakong bakla kasi sya nalang lagi kong kasama kung di naman ako pag kakamalan bakla girlfriend ko daw siya
Mga tao ngayon puro na issue, lahat nalang pinakikialaman
"Hey ice byernes Santo?" Mapang asar na tanong nya sakin
"Fuck off rence" dry na sagot ko sakanya
Tumawa lang sya at umupo na sa upuan nya
Si torrence at di gaano kaganda at pandak kung tutuosin
I think her hight is only 4'8? And her skin is flawless, she is a meztisa type with her long straight hair, her nose is small yet pointed and her eyes are mesmerizing and lastly she has her thin lips
Kalog siya madalas at ako nalang ang nahihiya sa tuwing tumatawa ang babaeng to
Yung tawa nya kasi kala mo baboy na dumidighay
Naputol ang pagiisip ko nang biglang pumasok si medina na sobrang dilim ng aura
Lahat nag si tahimik hanggang sa dumating si ms. Gomez at nag umpisa na ang klase
Hindi ko natuon pansin ko sa klase kasi di ko mapigilan mapatingin sakanya
Hanggang sa natapos ang morning shift namin at lalabas na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko nang pagkahigpit
Dinala o mas mabuting tawaging kinaladkad ako nito papunta sa fire exit nang matigan koto ay nakilala ko ang dilim ng kaniyang aura
Si medina
"Stop all the bullshit things in your mind! Don't you dare dip your nose on other people's business. Wala kang mapapala at ikaw lang din masasaktan. Wag mo nadin pangarapin makilala ang kahit anong anggulo sa pagkatao ko dahil baka pag sisihan mo lang sa huli! And last stay still like your normal days don't get curious" madiing wika nya at iniwan akong naka tanga sa fire exit
Habang pinag mamasdan ang likod niya ay di ko maipag kailang gusto kong malaman pagkatao niya. Subalit mas lamang na ang takot at kilabot ko sakanya
Paano ko gagawin ang gusto niya?
-itscrllynn
YOU ARE READING
Night of the students
Romansathe first day i saw her made me stunned by the way she smiles -gabrel iceiah alverez