Chapter 1: Pingpong

111 6 0
                                    

"tok! tok! tok!"

Kala nyo tunog ng katok sa pinto?
Nagkakamali kayo! tunog yan ng bawat talbog ng bola sa lamesa ng aming guro. Bawat talbog na nakakairita sa aking tenga ang syang lagi ko naririnig sa tuwing wala kami guro. Agad akong tumayo at lumapit sa mga naglalaro.

"Oh, Chris naglalaro nanaman kayo?!"  pagtatanong ko na may halong pagtataray.

"wag mo kaming patigilin plss.. Zein plss?" Sagut sakin ni Chris. "oo nga, minsan na nga lng kami naglalaro ih." pangangatwiran pa ni Aj.

"Hay naku! umalis nga kau dyan! Tabe tabe!" pag papalayas ko sa kanila.

"oh?!!!" gulat na gulat na sambit ni Kim.

"Anong akala nyo? patitigilin ko kayo? ganun ba ha?" pagtatanong ko sa kanila, habang di ko mapigil ang labis na pagtawa. "Mga sira! sasali lng ako anu ba!" sambit ko sa kanila

Di pa kami nagsisimula ay agad na akong humalakhak ng kay lakas lakas.
"Ito nanaman si Zein, tawa nanaman ng tawa." Sambit ni Aj kila Chris.
"Oo nga! mabuti sana kung matino tawa nya, eh parang kabayong kinakatay kung makahalakhak!" Dagdag pa ni Dan.

I found happiness with these guys! Maraming nagsasabi na kababaing tao ko tas sa mga lalaki ako nakikipag laro. Pero, ewan ko di ko rin alam kung bakit mas nagiging masaya ako kapag sila yung mga kasama ko.

"hmm... Zein?" mahinhing pagtawag sa akin ni Kim.
"ohh?" agad kong isinagot sa kanya.
Halos ilang minuto pa ang nakalipas bago muling magsalita si Kim.
"P-paano kung nalaman mong may gusto sayo Dan?" uutal nyang pag tatanong sa akin.
"Sa akin?! may gusto si Dan?! HAHAHAHA! Eh anak turing ko dyan ih! Tas magugustuhan nya ko?! Ediwuw! HAHAHAHAH." pag bibiro kong sagot sa kanya. Alam kong imposibleng magustuhan ako ni Dan. Bakit? eh syempre mas matanda ko dun ih. And super bata ng itsura nya.

"Pero seryoso, paano kung di anak turing mo sa kanya? Ano gagawin mo?" Dugtong pa ni Kim.

"Wala! wala kong gagawin."  sinagot ko sa kanya.
"bakit? Bakit wala kang gagawin?" dugtong nya pa. Sa mga oras na iyon takang taka na ko bakit nya ba ko tinatanong ng ganun.
"eh syempre, sa dami ng nagkakagusto sa akin nasanay na ko aba!" Pangangatwiran ko sa kanya.

"HAHAHHAHA!" malakas na pagtawa ko habang naglalaro kami. Tumawa nalang ako para maiba na yung usapan. Nakakailang kaya! Pero deep inside, takang taka na ko sa mga pinatatatanong ni Kim. Kaya naiisip ko, paano nga? what if may gusto nga ang isa sa kanila sa akin? Natanong ko ang sarili ko, Paano kung totoo nga eh? kaibigan turing ko sa kanila. At para sa akin wala ng hihigit sa pagmamahal ko sa kanila biglang kaibigan.

"Andyan na si Sir!!!" nakakabinging sigaw ni Lee mula sa pintuan. Agad agad naman naming dinamot ang bolang nahulog sa sahig at kinuha ang mga bimpong ginamit namin para maging net. Yan! Yan, ang araw araw naming pinag gagagawa sa mga buhay namin. Nakasanayan na namin ang magkagulo sa room. Pilot section kami, pero kung ikukumpra kami sa lower sections, mas malala kami. Napakataas ng expectations samin ng mga teachers, kaya everytime na napakagugulo namin, patay! get ready para mapagalitan!

"Ano? may nanalo na ba? sinong champion?" pambungad na tanong sa amin ng adviser namin. "HAHAHAHAH!" san mang sulok ng aming room makakarinig ka ng nakakabulahaw na tawanan. Grabe! nanlaki ang mga mata ko ng tinanong sa amin yun ni Sir! patay alam nyang nagkakaroon ng olympics sa room araw araw HAHAHHA.

“Ay, sir! Wala pa po, semifinals pa lang po.” pabirong tugon ni Chris. “Bukas pa po ang championship!”

Sa ‘di ko mawaring dahilan, automatic na umaabot sa langit ang aking mga labi tuwing naririnig ko ang boses ni Chris. I don’t know kung nahuhulog na ba talaga ako sa kaniya o sadyang nadadala niya lang ako sa bawat buka ng bibig niya na may birong inihahayag.

Pero kung ako ang tatanungin? ‘Di malabong magkagusto ako sakaniya kahit na sabihing kaibigan lang ang turingan namin.

“Pssst!” rinig ko mula sa aking likuran habang nagdidiscuss si sir. Ngunit hindi ko iyon pinansin at mas itinuon ko na lang ang aking atensyon sa lesson.

“Pssst!”

“Haist! Nanaman? Sino ba kasi iyon?!” pabulong kong tanong sa aking sarili.

Lumingon ako ngunit wala namang nakatingin sa akin. Wala ring tumatawag.

“Hoy, sino ‘yon?” tanong ko kay Eline.

“Ha? Ang alin?” nagtataka niyang tanong.

“Yong kanina pang sumisitsit?” tugon ko.

“Ewan ko. Wala namang sumisitsit sayo eh.” tanging sagot niya.

Agad naman akong humarap muli sa pisara. Kainis kasi!

“Bwiset yon ah! Pinagmumukha akong timang.” mahinang anito ko sa aking sarili. “Isa pang tawag non kakaltukan ko na siya.”

Sa ‘di ko inaasahan, tinawag niya na ako sa aking pangalan.

“Zein!”

“Sino ba kasi ‘yon?!” tanong ko sa mga kaklase kong malapit saking puwesto. Mabilis kong inikot ang aking katawan paharap sa likod na may halong pagdadabog.

Ngunit mali ang inakala ko na makakaltukan ko ang taong ‘yon. Nagtagpo ang mga mata namin ni Chris paglingon ko. Napakaganda ng mga mata niya na tila hinihipnotismo ako. I felt so happy during that time, kitang-kita sa aking mukha na nahihirapan na ako sa pagpipigil ng ngiti.

And then, Chris smiled at me. blangkong blangko ang itsura ko ng mga oras na yun, at gustong gusto ko nang sumigaw that moment!!

Yan! yan ang naaalala ko bago pa akong tuluyang...


TILL I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon