Chapter 4

17 1 0
                                    

Kent's POV

3 Y E A R S L A T E R

"Kent pare! Tara na! Umuwi na tayo. Lasing ka na!"

"Hindi ako lasing!"

Sigaw ko dito sa kakambal kong si kaizer. Kurt Kaizer siya ako naman, Kent Kaizer.

"Pwede ba? Magmove on ka na!"

Iniwan ko na lang siyang mag-isa sa inis ko! Move on? Pano ko kakalimutan ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng higit pa sa sarili ko?

It's been three years since I lost her. Ang sakit! Kahit nagmukha akong tanga dahil hindi niya ko sinipot sa araw ng kasal namin, mahal na mahal ko pa'din siya. Si jenica.

"Iniwan ka na nga, pinagmukha ka pang tanga, mahal mo pa'din."

Napatingin ako sa kakambal ko, sinundan pala ako ng damuho na'to?! Tsk!

"Shut up! Just mind your own lovelife!"

Bigla naman siyang napaiwas ng tingin sa sinabi ko, EX nga pala niya si kaye na bestfriend ko.

*Flashback*

3 YEARS AGO

"Goodafternoon sir, galing po kanina yung fiance niyo dito."

Bungad agad sa'kin ng secretary ko pagka galing ko sa meeting. I just took a sip of my coffee and rest myself. Napatingin ako sa couch at napansin kong may nakabalot dun.Lumapit ako sa may nakita ako nakasulat sa maliit na papel. "Happy Anniversary."

"Oh crap!"

I just shout to myself. How could I forget this day? Anniversary pala namin ngayon! Masyado kasi akong busy sa business at sa pag-aasikaso ng kasal namin, bukas na kasi yun.

Napaupo ako sa couch at tumango at sinisisi ang sarili ko. I reach for my phone to call her pero walang sumasagot. Uggh! Asan na ba siya?

Tinignan ko na lang yung nakabalot na regalo at binuksan iyon. Namangha ako dahil sa larawan na nakita ko. Iginuhit niya ang mukha ko, I think it's a stolen one, at tsaka naka uniform pa'ko dito. College pa ata ako nito eh.

"Happy anniversary babe, ito yung unang araw na nagkita tayo. Naaalala mo pa? Yung pinulot mo yung panyo ko. Hindi na siguro. Hahaha. Anw, I loveyou.. Hindi na'ko makapahintay sa araw ng kasal natin. Mahal na mahal kita."

Nung nabasa ko yung sulat niya. Ewan ko ba. Imbis na kiligin ako eh bigla akong kinabahan. Pumunta muna ako ng kwarto, kakagawa lang nito. Ngayon kasi ang araw ng uwi ng kakambal kong si kurt. Dati kasi lagi kaming magkasama sa galaan, inuman at pangbababae. Pero nahinto na simula nung nakilala ko si Jenica. Pero yung kakambal ko ganun pa'din, he became worst at dumating pa sa point na itinakwil siya ni dad. Binigyan siya ng isang pagkakataon, at iyon ay ang ipakasal sila ni jenica pero hindi siya pumyag and i'm really thankful sa desisyon niya dahil kung hindi nangyari yun, hindi kami magkakaroon ng pagkakataon ni jenica. Hanggang ngayon hindi pa'din maayos ang relasyon ni kurt at dad. Kaya dito ko siya pinatuloy sa office ko, hindi naman pwedeng sa condo ko dahil malalaman nila dad.

Pagpasok ko nakita ko si kurt, WTF?!!

"Hoy!"

Sigaw ko at pinaghahampas ko siya ng unan! Tsk! Ano bang sumapi sa isip nito?!! He's naked while sleeping at nakabukas pa ang pinto.

"For pete's sake kurt! Nagpunta dito ang fiance ko! At nakabukas pa yung pinto!"

Agad naman siyang bumangon at nagulat, mukhang may hinahanap ang loko!

"T-Teka! Asan si kaye??!!"

Sigaw niya na parang nawawala. HAHAHAHA! Nakakatawa yung itsura niya ngayon, ang sarap kuhanan ng picture. Kaso wag na. Para ko na'ring niloko ang sarili ko, magkamukhang-magkamukha kasi kami, may braces lang siya ako wala.

"Magkasama kami! We just have...."

"Ano?"

Tanong ko sa kanya. Obvious naman na kung ano yung ginawa nila. Playboy talaga 'to! Pati kaibigan ko tinatalo! Tsk.

"We made love..."

Nakakaloko 'to ah!

"LOVE????!!! Naks naman tol! Inlove ka na no?"

Inakbayan ko siya saka pinalo-palo ang ulo niya pero ngiting aso pa'din siya! HAHAHA! Ganyan din ako nung narealize ko na mahal ko na si jenica.

"I-I think so.."

"Teka! Maiba ko! Nakita mo ba si jenica?"

"Nahh! We never met."

Walang pakialam niyang sabi. Oo nga pala hindi alam ni jenica na may kakambal ako dahil ayaw sabihin ni dad sa pamilya nila na may kapatid ako. Kahihiyan daw kasi si kurt sa pamilya. Pero para sa'kin hindi.

''Nagpunta kaya siya dito kanina!"

"Nope! Kaming dalawa lang kaya ni kaye dito kanina."

"Ewan ko sa'yo! Useless naman yang memorya mo. Magbihis ka na nga!"

Sigaw ko at iniwan siya para hanapin si jenica. Asan na ba siya? Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko siya ma-contact.

Nagpunta ko sa bahay nila pero mas lalo lang akong nabaliw dahil wala na yung mga damit niya sa cabinet niya. Asan ka na ba?! Jenica?

*End of flashback*

And that's how it ended. Tinungga ko yung alak na iniinom ko at saka pumukit para alalahanin lahat ng nangyari, kahit masakit inaalala ko pa'din.. Mahal naman niya ko ah, pero bakit niya ko iniwan?

Kahit alam kong wala na siya, itinuloy ko pa'din ang kasal. Umaasa kasi ako na darating siya pero nagmukha akong tanga kakaasa at kakahintay na bumalik siya. Lumunok ako para pigilan ang mga luha ko. Hanggang ngayon ang dami pa'ding tanong sa isip ko, bakit niya ba'ko iniwan? Am I not good enough for her? Ginawa ko lahat ng makakaya ko noon para magbago at alisin ang pagiging playboy at nagawa ko naman. Saan ba'ko nagkulang?

*sighs*

I really love her to the point that I almost killed myself pero nabuhay pa'din ako. Siguro kaya Niya ko binuhay dahil may ibang babaeng nakalaan para sa'kin? Just this once, hayaan Niya muna kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. After this, I will move on.

The Cold-hearted One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon