SARA'S POV
Since walang klase, makikita mo lang ako kung saan saan habang lumulukso. Ang totoo nyan kanina ko pa hinahanap si Dianne. Daig pa ang kabuti kung san san sumisipot. Nagtanong naman ako sa iilang mga kaklase namin hindi naman daw nila alam kung san yun. Pumasok ba sya? Napahinto ako. Kinalikot ko ang phone ko, tawagan ko na nga napapagod na akong maghanap.Calling Dianne...
*Tooooooth *tooooth *tooooh~
Parang nasa malapit lang yung nagriring na phone. Napatingin ako sa hall ng mapansin na may ilang mga babae ng nakasilip sa clinic. Akala mo may sinisilip silang naghuhubad na lalaki, meron ba? Pasilip nga rin! kaagad akong lumapit sa mga naglalampungang mga babae. Habang palapit ako ng palapit, palakas ng palakas yung naririnig kong ring ng phone. anguusap usap ang mga iyonnhabang lihim na nakasilip sa taong nasa clinic.
"Look at her! talaga hindi nya iniiwan sa tabi nya si Aj!"
"Yeah right! hindi tuloy tayo nagkakaroon ng chance na kausapin sya"
"Ang landi talaga! nangigigill ako pag naikita sya!"
"Sino ba yung kinaiinisan nyo?" tanong ko sa mga ito. Hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makasilip dahil sakop nila halos lahat ng pwedeng silipan sa medyo nakabukas na libro. hanggang sa binigyan nila ako ng daan para makasilip. Si Diannne at Aj nandito pala.
"Si Dianne lang naman!" inis na sambit ng isang babae. Galit akong lumingon at pinagtitig ang mga iyon.
"Inaaway nyo ba ang bestfriend ko? Kase kung inaaway nyo sya, hindi akong magdadalawang isip na gawin to?" tanong ko sa mga ito. Mga nag atrasan sila sa mga pwesto nila. May kinuha akong bagay sa bag ko para maumpisahan ko ng gawin iyon. Nanlalaking ang mga mata na nakatingin ang mga ito sa dinudukot ko sa bag.
"GOSH MAY KUTSILYO SYA! TAKBO!" sigaw ng isang babae at tumakbo silang lahat paalis. Kutsilyo? Kaagad kong inilabas iyon. Grabe naman kaoOA mag isip. Hindi naman kutsilyo yung hawak ko eh!
"kayo naman? susulatan ko lang naman kayo sa mukha gamit ang lipstick ko eh! Kala nyo saa akin pumapatay ng tao?" inis kong sambit.
Kaagad kong binuksan ang pinto ng clinic at pumasok sa loob. Kitang kita ko an pilit na pag aalis ng kamay nya kay Aj para kunin ang nagriring nya na phone sa kabilang lamesa. Nakangiti akong nakatingin sa dalawa. Hayyy! Dalaga na ang friend ko.
"Anong mukha yan, Sara? hindi kami newly wed" inis na sabi nito. Itinuro nya ang phone nya. "May kanina pang tumatwag dyan eh passuyo nga?"
"No need! Ako lang iyon" nakangiti kong sabi. Kumuha ako ng upuan at lumapit sa dalawa. Mataimtim na natutulog si Aj habang yakap nito ang kamay ni Dianne na nakabenda. Ihhhhh! Sa totoo lang pigil na pigil ako sa kakiligan para sa dalawa kasi pag nahalata iyon ni Dianne. Magagalt sya sa akin. "Hindi mo naman sinabi na ganyan na kayo kaclose!"
"Shhhh~ Hinaan mo lang yung boses mo, atsaka hindi kami ganun kaclose no? tingnan mo nga ito? nasa NO-CHOICE situation lang ako" paliwanag nya. Halos bawat salita nagbabago bago ang expression ng mukha nya. It means gigil na gigil sya nyan but I feel it naman na close na talaga sila. Sino naman ang magsasabi na hindi eh nababalitaan na nga namin na 'sila' na.
"...but look at this" sabi ko rito at inilabas ko ang phone ko. Iniabot ko sa kanya ito habang nakabrowse iyon sa isang online article about sa dalawa. Nanlaki ang mga mata nya na halos makurot nya si Aj.
"D-Dianne yung kinukurot mo si Aj" bulong ko rito.
"Mmmmmm" kamuntikan lang ito magising at hinigpitan pa lalo ang hawak nito kay Dianne. Ginawa nyang unan angkamay ito.
"opps! nanggigil ako sorry" sabi nito at ibinalik sa akin ang phone. Napabuntong hininga iitong humarap sa akin. "Sara, we're fake lovers"
"ha?" gulat kong tanong nito. Ano? totoo ba? Base kasi sa mga balita lang sila na talaga eh. Fake lovers lang pala, sayang kala ko nagkakamabutihan na ang dalawang to. Nalungkot naman ako sa narinig.
BINABASA MO ANG
Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)
عاطفيةSi Ash Jan Evans na kilala sa screen name na AJ Evans ang dumating sa buhay ni Dianne na isang pangkaraniwan lang na tao. Nang dahil sa ka pilyohan ni AJ hindi lang career ang nagulo nya kundi pati na rin ang buhay ni Dianne. Ano kaya ang nagpa spec...