Kabanata 61

5.7K 82 17
                                    


Kaizer's POV:

It's been 3 years na nandito parin kami sa US. Parang ayaw na ngang umuwi ni Kaira dahil madami na daw syang kaibigan dito sa US.

Pero hindi pupwede na nandito lang kami kaya uuwi kami sa bakasyon. Ewan ko ba parang may kulang sa akin kaya uuwi ako sa pilipinas.

Matagal na rin na wala akong balita kay Khloe. Pati na rin sila ni Karen at Direck kong nakakausap ko sa tawag ay iniiba nila ang topic. Kung hindi man ay papatayin nila ang tawag para tapos na ang usapan.

Kaya naman ay nagtataka ako na baka may iniiwasan silang sabihin sa akin.

Maganda na rin ang buhay namin dito sa US at pinapunta ko rin si Danica dito para na rin makasama ni Kairon at Kaira sa pag-aaral. Noon ay galit pa ito sa akin dahil iniwan ko daw sya. Pero ng hindi kalaunan ay napatawad din ako ng batang iyon dahil na din hindi nya matiis ang gwapo nyang Tatay diba?

Habang nagluluto ako ng makakain ay bigla ko na lang narinig ang bunganga ng dalawang prinsesa ko kaya naman ay napangiti na lang ako.

"Daddy we're home!!!!!" sigaw nilang dalawa basta talaga magsama ang dalawang iyon ay sobrang ingay ng bahay.

Alam na din ni Danica na hindi ko sya tunay na anak pero para sa akin ay anak ko sya dahil ako na nag-alaga sa kanya simula pa nung sanggol pa sya. Kaya naman nagpapasalamat ako kahit na may tampo pa yun sa akin ng konti ay inintindi nya parin ito.

"Daddy anong niluluto mo?" agad naman na tanong sa akin ni Danica.

"Yung paborito nyong tatlo." nakita ko naman na nagtaka ang dalawa.

"May paborito po ba kami Dad?" sabay na tanong ng dalawa at tumango naman ako.

"Oo diba? kaya niluluto ko ngayon."

"By the way asan si Kairon?" agad kong tanong pero nasa niluluto ko ang paningin ko.

"Sabi nya sa amin Dad manliligaw daw sya diba ate Danica." rinig kong sabi ni Kaira.

"What?!!!!!!!!!!" agad ko namang sigaw kaya napatakip ng tenga ang dalawa.

"Aray, Dad wag kanaman sumigaw dahil mabibingi kami ng sister ko." maarteng sabi ni Danica.

"Hay naku, ewan ko sa inyong dalawa. Magbihis na nga kayo doon at bumaba kayo para kumain ng meryenda."

"Masusunod po boss." sabay na sabi ng dalawa at napangiti ako.

Mga ilang minuto rin ang antay ko sa dalawa kaya naman ay hindi ko muna inihanda ang pagkain nila para medyo mainit pa itong kainin.

Habang nakaupo ako sa sala ay bumukas ang pinto at ang bungad nun ay si Kairon at ang kaibigan nyang si Lucas.

Si Lucas ay isang Half American and Half Filipino kaya nakakaintindi din ito ng tagalog pagkausapin mo.

"Hi Tito Kaizer." agad na bati sa akin ni Lucas.

"Hello Hijo." pabalik kong bati.

"Bro upo ka muna dyan magbibihis lang ako." pagpapaalam ni Kairon kay Lucas.

"Teka lang Kairon." kaya naman napatingin sa akin ang anak ko.

"Ano po yun Dad."

"Sabi ng mga kapatid mo ay nanliligaw ka daw?" ng sabihin ko iyon ay bigla na lang nabulunan ng laway silang dalawa.

"Haysst, lagot talaga kayo sa akin." rinig kong sabi ni Kairon.

"By the way may sasabihin ako sa inyo mamaya kaya kailangan kumpleto tayo sa hapagkainan, okay?" tumango namn ito at naglakad na papunta sa taas.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon