"Hindi ba't masyado pang maaga para uminom?"
Winaksi ko ang tingin ko mula sa pugon saka sumulyap sa pinagmulan ng boses. Sa likuran ko ay nakatayo si Renata sa gitna ng pintuan, nakasuot pa rin ng damit-pantulog. Nakatunghay ang kanyang maayos at hanggang-balikat niyang buhok sa maliit niyang mukha. Siya'y mukhang kagigising pa lamang.
Binaba ko ang baso ng alak sa sidetable, saka nagtalukbong ng kumot.
"Nakatulog ka po ba nang maayos?" tanong ulit ni Renata. Humakbang siya at umupo sa karpet sa aking tabi, niyakap ang kanyang mga binti.
Ngumiti ako sa kanya. "Oo, ang himbing nga ng tulog ko. Salamat pala, Ren, pinahiram mo sa akin ang damit mo. Nahihiya tuloy ako, d'on ka pa natulog sa kuwarto ko."
"Naku, wala 'yon, Ate." Tumawa siya nang mahina at napailing. "Ako nga po ang nahihiya sa'yo kasi wala man lang aircon o electric fan ang kuwarto."
"Hindi ko na kailangan ng aircon kung palaging ganito kaginaw ang panahon. Balot ang buong katawan ko ng kumot kagabi."
Tumingala't at ngumiti lamang siya nang mahina. Inunat niya ang mga braso niya palapit sa pugon at hindi na muling nagsalita.
Lumipat ang tingin ko sa analog na orasang nakasakbit sa harapang pader. Alas cingco y media na ng madaling araw. Hindi ko namalayang nangangalahati na pala ang bote ng alak. I hope Renata wouldn't mind of my consuming it. Kanina kasi ay gusto kong magtimpla ng kape. Habang naghalungkat sa kusina, ang bote ng alak ang una kong nakita-marahil kakaunti lamang ang laman ng cabinet- at naisipan ito na lang ang aking titirahin.
Masabi kong nakatulong naman ito dahil bahagyang uminit ang aking katawan. Inalok ko si Renata kaso tumanggi lamang siya.
"Hindi ka ba umiinom?" wika ko bago inubos ang baso sa isang tungga. "Pansin kong ang dami pang ganito sa pantry."
"Ang mga 'yon ang natirang bote ng alak no'ng burol ni Lola. Napadami kasi ang bili namin nito. Akala ko maraming tao ang dadalo." Nakapukos lamang ang tingin niya sa nagbabagang apoy. "Bakit ganito, Ate? Noong buhay pa sina Lolo at Lola, halos araw-araw meron silang bisita. Naniwala akong mga malalapit na kaibigan nila ito, kaso hindi ko nakita ang mga ito o condolence lamang nila no'ng burol ni Lola. Kung hindi ko lang alam, salapi lamang nila ang habol ng mga ito."
"Ando'n ba sila Tito Nicholas noong mga panahon na 'yon?"
Tumango ito nang mahina, pero nahuli ko itong nakasimangot. "Tinulungan nila ako sa pag-asikaso sa mga papeles at sa libing ni Lola."
"Kung gan'on, meron pa rin tayong utang na loob sa kanila. Kung anuman ang hindi pagkaunawaan nila ni Lola, gusto lang nilang makabawi rito."
Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Iniba na lamang ang topic, at kapansin-pasin ay sadyang pagsigla ang boses niya. "Sa tingin mo, Ate, paano natin pagandahin 'tong bahay? Kamakailan lang kasi ay nakatanggap ako ng text message, merong dalawang college student na interesadong mag-boarding rito.
"Bago ka pa man merong sasabihin, kinilatis na ito ng isa rin nating tenant. Isang babae't isang lalaki na nag-aaral umano sa kabilang bayan. Hindi malinaw ang dahilan kung bakit gustuhin nilang tumira rito, pero malaking halaga ang inalok nila. Wala akong maisip na dahilan para tumanggi."
"Saang kolehiyo?"
"Alfaro University."
"Magkano?"
"Bawat isa sa kanila, limang libo kada buwan."
Kumunot ang noo ko at napahipo ng baba. "Hindi ko alam, Ren. Hindi ba sila suspicious para sa'yo? No offence, pero ba't naman nila gustuhing tumira rito? Sampung kilometro ang distansya mula Alfaro at Remedios. Kailangan pa nilang gumising nang maaga para magbiyahe papunta sa uni nila.
BINABASA MO ANG
Reverie
Mystery / ThrillerHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...