"¡Alto, o disparo!"(Stop now or we will shoot you!)
Tagaktak na ang pawis ni Ximena. Nanlalambot na rin ang mga tuhod niya at nanginginig na ang mga kalamnan pero patuloy pa rin siya sa mabilis na pagtakbo. Hindi siya tumigil kahit alam niyang hinahabol na siya ng hukbong sandatahan mula sa Inamorta Palace. Humigpit ang pagkakayakap niya sa libro na parang doon nakasalalay ang buong buhay niya. Ngayon higit kailanman niya mas kailangan mag-ingat.
She couldn't afford to be arrested. At least not right now. Natatakot si Ximena. Ngayon pa lang siya sumuway sa batas ng Xochitl. She had tried to be a good citizen all her life. Pero hindi na niya kayang patuloy na maging mabuti ngayon,lalo na't buhay ng kaniyang ina ang nakasalalay roon. Pero anumang consequence ng ginawa niya ay nakahanda siyang pagbayaran iyon.
Kusa siyang susuko. Pero sa mga susunod na araw pa. Napahinto si Ximena sa pagtakbo. Napakaraming higanteng rebulto ang sumalubong sa kaniya. Tensiyonadong napalunok siya. Napakadali lang siyang nakapasok sa Inamorta Palace,ang oldest palace na matatagpuan sa Xochitl. It was a restricted area. Bawal ang mga gaya niya sa lugar na iyon. Ang hari lang ang may kakayahang pumasok doon na bihira lang nitong gawin.
Walang guwardiyang makikitang nagbabantay sa paligid ng Inamorta Palace. Wala rin naman kasing sinuman sa mga mamamayan doon ang magtatangkang pumasok doon kahit pa sa palasyong iyon nakatago ang lahat ng yaman ng buong Xochitl. Treasures that were thousands years old were there.
Pero kahit nagugutom o naghihinakos sa buhay ang isang tao ay hindi iyon papasukin ang palasyo. Because that place was filled with witches who died a long time ago. Ang mga espiritu ng mga iyon,ayon sa usap-usapan,tagapagbantay sa mga kayamanan. Ibang klase raw kung magalit ang mga iyon.
Nalaman din ni Ximena na mga black witches ang nasa Inamorta Palace,mga witches na hindi mata-matahimik kaya hindi nakaalis ang kakaluwa neto sa mundo. They had committed huge crime. At bilang kaparusahan ng mga nakatataas ay ikinulong ang mga ito sa Inamorta Palace.
And the only way they could achieve salvation was by guarding Xochitl's wealth. Iyon ang ibinigay na kondisyon sa mga ito. Kung hanggang kailan iyon ay hindi na nila alam.
Ang mga sinaunang tao raw na naglakas-loob na pumasok sa Inamorta Palace ay ilang araw lang nabuhay. Ang iba ay iilang oras lang. At lahat ng iyon ay namatay sa malagim na kamatayan. Pero nakahanda si Ximena na harapin ang galit ng mga manggagaway,pati na ang parusa ng mga ito,maisalba lang niya ang kaniyang ina.
Ngayon ang pag-alis ng Xochitl nang buhay ang nagpapahirap sa kaniya nang husto. Nakapwesto na parang maze ang mga rebulto ay bigla na lang gumalaw ang mga iyon. They were intentionally blocking her way.
Pati mga sundalo ay nawala rin kanina. Bigla na lang sumulpot ang mga iyon sa likuran niya pagkatapos niyang makuha ang libro. And they were scary. They looked like long-dead creatures awakened from their sleep. Makaluma na ang mga gamit at suot ng mga ito na gaya ng suot ng mga sundalo noong unang panahon. And they stank. Ang mga mukha ng mga ito ay naaagnas na.
Shit!
Nanlamig si Ximena nang marinig ang mga yabag na papalapit sa kaniya. Anumang gawin niya ay hindi na siya makalusot sa mga rebulto. At wala na siyang sapat na kakayahan para tumalon sa mga iyon,lalo na ang labanan ang mga paparating na sundalo.
BINABASA MO ANG
Bewildered Pirate
FanfictionWallace had a pretty joyful life before. After being heartbroken and broken by both his girlfriend and parents,Wallace moves to a mysterious place just to moved on and forget his pretty rough life. Wallace finds himself in the middle of a world he d...