Chapter 2: Ulan

65 4 0
                                    

Oo, marami tayong maaring gawin pag umuulan. Pwede tayong magtampisaw sa tubig, uminom ng kape habang kasama ang ating minamahal, at syempre di mawawala diyan ang pagpapahinga. So, let's go back to the story...

Nginitian ako ni Chris habang nagkatitigan kaming dalawa, yan ang naalala ko bago ko tuluyang marealize sa sarili ko na nahuhulog na nga ang loob ko sa kanya.

"Oi!" pagtawag ni Chris. "tulala ka dyan?!" dugtong nya pa.
Agad naman akong bumalik sa aking sarili. "Bakit ba?! Ano ba kase yun? nakita mo ng nakikinig ako nangiistorbo ka dyan!" pagtataray ko sa kanya. Tarayan sya! yan lng ang tanging pumasok sa isip ko upang di nya mahalata kung gano ko kasaya nung nagkatagpo kami ng tingin.

"to naman! Kasungit sungit! eh itatanong ko lng namn kung magtratraining ka sa jb mamaya, ano magtratraining ka ba?" yan lng pala ang nais nya sa akin. "Oo! tanging sambit ko sa kanya.

Jb is a badminton court. Pero, sa court na ito marami na ring sport ang humihiram. Like what? Tulad nalang ng Table tennis, which is our sport. And fencing and so on and so on.
Every Tues, Thurs at Sat ay may nakatakdang oras saming mga players ng Table tennis na magtraining sa Jb, kahit na gabi ang time namin dun it's fine! Ang mahalaga ay may bago kaming matutunan. Pero syempre kailangan den mag ingat.

"eh ikaw?!" pabalik kong itinanong kay Chris. Nagulat ako nang di sya agad sumagot, at lumingon sabay tawag kay Josh. "Josh, mag tratraining ka mamaya?" tanong nya. Sa loob loob ko aba! nagrecruit pa talaga!

Agad namang sumagot ng oo si Josh at bumalik sa kanyang ginagawa sa kanyang upuan. "pupunta daw si Josh kaya pupunta ako." tugon ni Chris

oh diba! andame nilang inarte! kung di pupunta yung isa? di naren pupunta yung isa?! HAHAHAH

Balik tayo sa kwento...

Ilang oras den ang lumipas at heto uwian na namin. Agad naman akong nagtungo sa may pinto upang pigilang lumabas sina Chris at Josh.

"opx! opx! opx!" pagmamadali kong sigaw sa kanilang dalawa.
"oh?! anong meron?" sagut ni Josh
"Wag nyong kakalimutang pumunta sa Jb mamaya ah!" pagbibilin ko sa kanila.
"Opo!" Sabay naman nilang sagot pabalik sa akin. Kaya agaran na akong umuwi para maghanda ng gamit. Gamit saan? Syempre gamit sa pagtratraining.

Nang makauwe ako sa bahay,
"oh? 'bat nagmamadali ka? may ka date ka ba?!" pagtatanong sa akin ni mama na may halong pagbibiro.
"Ito naman si mama! nagmamadali lang may kadate na agad?! magaayus pa kase ako ng gamit ma para sa training at ayokong malate noh!"  tanging sambit ko kay mama.

Agad namang tumalikod si mama at nagtungo sa kusina. Syempre nanay ih lagi sa kusina yan.

Kinuha ko agad ang aking sapatos, extrang t-shirt at syempre ang tubigan ko. Ay hala nalimutan ko! Nilagay ko nga ren pala yung raketa ko. agad naman akong nagpalit ng aking damit panglaro.

Habang nagbibihis ako biglang tumunog yung phone ko. Nakita ko sa notif ko na nagchat si Chris.

"Zein, asan ka na aba?! Anong oras na!"

"Hala!" agad akong napasigaw dahil inakala kong late na ako. So, dali dali akong lumabas ng kwarto at sinilip ang aming orasan. Nagulat akong ng makita 4:50 palang pala. Eh 5:30 ah start ng training namin. Etong si Chris masyado akong minamadali. Hayst!

Bumalik ako sa kwarto kinuha yung phone ko. And I replied to Chris.

"Jusmiyo marimar! napakaaga pa masyado kang nagmamadali aba!"

"HAHAHAHA" tanging nireply ni Chris.

Ilang minuto na ang lumipas pero nasa bahay paren ako.

TILL I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon