Stenography(done)

29 1 0
                                    

"Stenography"

Nandito kami ng mga kaibigan ko sa ilalim ng mahogany, may upuan kasi dito kaya naisipan namin na dito magreview dahil may exam kami mamaya sa Foundation of shorthand it's all about stenography na kaming mga Office Administration lang ang makaka intindi or may iba pa?I don't know, so mabalik tayo.

Ang stenography kasi ay parang bumabalik ka sa kinder na nagpapractice pa lang magbasa. Haha, kasi every letters and words ay may corresponding symbols or strokes, kaya medyo mahirap siya lalo pag Hindi mo alam ang symbols for example ang stroke ng A&An is (.)tuldok then ang symbol ng N is (-) dash na maiksi then longer dash naman sa M,so ganyan.

Dahil sa tapos na kami mag review nakaisip ng kalukuhan itong mga kasama ko.

"Dahil wala na tayong ginagawa at nabobored na ako, may maganda akong naisip,haha. This is related to our subject kaya walang KJ..haha" tumatawang sabi ni Mendy.

" Sige ba. Ano sa tingin mo besh Lyne?"maarteng Tanong naman ni Patty sa akin, actually Patrick talaga ang pangalan niya, nagfefeeling babae kasi.
Tumango naman ako, because I'm bored too..

" Siguraduhin niyo lang na hindi tayo makikipagsuntukan huh?" Sang ayon naman ni Emely. Ang mabait sa grupo.haha.

"Ok, so ganito ang gagawin natin." Paliwanag ni Mendy. Natawa naman kami pagkatapos niya ipaliwanag ang gagawin namin.

Ganito kasi ang gusto niyang mangyari, magsusulat daw siya ng shorthand or symbols tapos ipapabasa niya sa lalaki na dadaan at kami daw ang taga translate. Shorthand to longhand means ang symbols ay I translate into words or letters.

Kaya nagsulat siya ng maraming symbols na ang meaning lahat ay "You're Ugly" kaya tatawa tawa namin siyang pinunood habang nagsusulat.

"Ok, tapos na. Haha, lahat ng pipiliin ko na lalaki ay yong may mga girlfriend.haha, tapos pagnagtanong ang lalaki kung ano ang meaning ang isasagot niyo " Your Beautiful " then ibibigay ko na rin tong sulat para ibigay sa mga girlfriend nila.haha. So yun na, ako ng bahala sa ibang gagawin.haha"
Paliwanag niya. Kaya tumawa naman kami at tumango sa mga kalukuhan niya.

Opss, may paparating, gwapo siya huh, matangkad kaya imposebling wala siyang girlfriend. Napansin naman siya ni Mendy, first victim🔎🔍target locked.. haha..

" ayan na guys maghanda kayo, wag kayong magpapahalata, ok?" Sabi niya at nilapitan ang lalaki,sumunod naman kami sa kanya.

" kuya, first year po kami at may subject kami na tungkol sa stenography kaya naisipan naming ipabasa to sa inyo kung talagang kami lang ba ang nakakaintidi nito." Nakangiting sabi niya kay kuyang pogi habang pinapakita ang sinulat niya, HRST ang course niya dahil naka apron pa siya ng black.

" ahh, Hindi ko mabasa yan miss. Ano bang meaning niyan?"kumakamot sa ulong sabi niya. Nilingon naman kami ni Mendy at nginitian ng makahulugan.

" ahh,your Beautiful po ang meaning niyan kuya. May girlfriend po ba kayo??" Sagot ko.

"Oo, may gf ako. Bakit?" Tanong niya pabalik.

" kasi kuya diba Your beautiful ang meaning niyan? Pwede mo pong ipakita sa gf
Niyo yan. Para po ma curious siya at itanong kung anong meaning tapos isasagot niyo " your beautiful " diba nakakakilig yun??" Si Mendy ang sumagot at kinikilig pa kunong sabi niya. Pero tumatawa na yan sa loob niya dahil mukhang na uuto na niya si kuya..haha.

" Oo nga noh. Akin nalang to huh? Salamat sa tips girls and boy. Mauna nako." Nagpaalam na siya. Kaya natatawang hinarap kami ni Mendy. Demonyo talaga. Haha, well ganyan din ako minsan nga lang.

So, ayon mga Lima ang nabiktima namin.

Pumasok na kami sa last subject at sabay sabay na kaming umuwi..

Kinabukan..

Hindi pa man ako nakaka upo sa upoan ko ay may narining akong parang nagwawala sa labas, napatingin ako sa mga kaibigan ko na naunang dumating sa akin pero nagkibit balikat lang sila.

Nagulat nalang kami ng may limang babae ang pumasok at bigla bigla nalang kaming sinugod at sinambunotan kaya sigaw kami ng sigaw, ang may pikamalakas na sigaw ay si Patrick alyas patty.

"O my gosshh,,my smooth hair ahh..let go, let go.." Tili niya..kaya lalong sumigaw ang mga babae sa galit.

" mga litse kayo, niloko niyo ang mga boyfriend namin. Baka kayo ang Ugly at Hindi kami. Akala niyo kayo lang nakakaintindi ng steno?" Sigaw ng babae saka kami binitawan at lumabas ng classroom namin.

Tiningnan naman namin si Mendy ng masama..huhu, siya ang may kasalanan nito eh..

*pero sinakyan niyo naman ang kalukuhan niya* sagot ng mabait kung mind..huhu,kaya nga.

Kaya ang ending nandito kaming magkakaibigan sa guidance my instant pasa at sugat pa kami ng dahil sa steno..huhu..

Office Administration din pala ang course ng dalawang babae at kaibigan nong isa ang dalawa pa kaya naboking kami..huhu..

I will not do it again na talaga..😭😭

Compilation Of One Sh*ts StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon