PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 3
AiTenshi
Feb 4, 2020
Part 85: Bahaghari
Cookie POV
"Hoy mga bakla bakit naman tili lang kayo ng tili diyan? Umalis na tayo dito! Hindi naman kayo masyadong magaganda para umarteng takot na takot no." ang wika ko sabay hila sa mga ito. Sila yung tinatawag na batla o batang bakla na parang inabanduna ng pamilya.
"Huwag poooo! Huwaaaaggg poooo!!" ang takot na sigaw nila noong makita ako.
"Hoy gusto niyo barilin ko nalang kayo? Bakit parang natatakot kayo sa akin? Mukha ba akong halimaw ha? Ha?" galit kong tanong at maya maya ay yumanig na sa paligid dulot ng sagupaan nila papa Bart laban doon sa werewolf na may armor at sina Papa Irano naman laban doon sa Isayas na anak raw ng Diyos.
Yumanig..
"Dito na tayo! Aalis tayo sa lugar na ito mga bakla!!" ang sigaw ko sabay takbo patungo sa isang malaking truck ng sundalo. Agad kong itunulungan ang mga beking bata na umakyat dito. "Sino marunong mag Drive?!" ang tanong ko
"Akiz mwader! Keribels ko na mag drive!" ang sagot ng isang nasa middle age na beklush.
"Okay! Tayo na! Iikot tayo sa siyudad para ipick up at isalba ang beking pag asa ng bayan! Go go go!! Fight fight fight! No one should be ever left behind!" ang wika ko at dito nag start ang truck.
At dahil nga sa beki ang mga naka sakay sa sasakyan ay tinalian nila ito ng iba't ibang kulay, may rainbow flag pa. Umikot kami sa buong siyudad para isalba ang mga beking basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan.
Tuloy pa rin ang pag yanig ng lupa. Sa kada pag lindol ay nag titilian sila, palakasan, pagandahan..
Huminto kami sa gawing dulo ng siyudad kung saan may isang sirang motel, dito ay may nakita kaming mga bortang lalaki na may mga maskara ng baboy, aso at kung ano ano pa. "Mader hintuan mo sila! Sila ang mga bortabels ng twitter!" ang wika ng isang bagets na beki. Kaya naman bumaba ako para puntahan ang mga ito. "Oy mga borta umalis na tayo dito! Mamaya maya lang ay masisira na itong siyudad dahil sa labanan! Sakay na kayo!" ang sigaw ko.
Kumilos ang mga ito, ang iba ay nag lagay pa ng foundation sa mukha saka nag suot ng maskara bago sumakay. Ang iba naman ay nag vivideo ng sirang paligid at pilit isinu-zoom in ang labanan sa di kalayuan kung saan tumilapon si Jorel at Bart sa malayo. "Ay shit, gusto kong mag pa fuck kay Bart! Shit talaga!" ang malanding wika ng isang lalaking may pinaka malaking katawan.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...