PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 3
AiTenshi
Feb 6, 2020
Part 88: Ang Tanging Anak
IRANO POV
"Dalawa lamang kayo, paano kayo nakatitiyak na matatalo ako? Isang nilalang mula sa Super Planet at isang taga pag mana ng sagradong kapangyarihan ni Baal. Nakakatuwang pag masdan na sa ganitong pag kakataon ay mag kakaroon ng matinong katunggali. Sana ay huwag niyo akong bibiguin." ang wika ni Isayas sabay takbo patungon sa amin.
Habang nasa ganoong posisyon ay napansin kong wala na sina Ace at Jorel sa paligid, batid kong lumayo sila habang kalaban ang lobong si Pylo. Si Narding naman ay umalis para labanan si Black Nardo.
"Umiwas ka Irvin!" ang sigaw ni Mirai at noong matauhan ako ay nasa harapan ko na si Isayas hawak ang kanyang pangalawit. Hinihataw niya ito sa aking balikat dahilan para mapahinto ako at maya maya ay agad naging tubig ang aking katawan na gumapang palayo sa kanya.
"Irvin, hindi ka dapat nag iisip ng kung anu ano, ituon mo ang atensiyon mo sa kalaban at sa kanyang sandata!" ang boses ni Mirai
"Pasensiya na, hindi ko lang maiwasang mag isip lalo't wala na ang sibat ko." ang sagot ko naman.
Maya maya ay sumulpot si Nai sa aking harapan at ikinasa ang kanyang dalawang malaking baril. Pinaulanan niya ang kalaban at lahat ng kanyang atake ay asintado. Pero ang nakakapag taka ay hindi ito inatalaban ng bala sa katawan. Nag tatakbo ito palapit sa amin kaya ako naman ang kumilos. Huminga ako ng malalim at bumuga ng tubig na pumigil sa kalaban para makalapit. Agad kong hinila si Super Panget para maka distansiya.
Habang nasa ganoong posisyon ay nakita kong naging dalawa ang sandata ng kalaban. Naalis ang tungkod ng mga ito at tanging pangalawit na talim lang lang ang natira. Hinubog niya sa kanyang kamay ang dalawang talim nito kaya nag iba ang anyo at naging malaking bilog na animo malaking singsing na gawa sa patalim.
Pinakawalan niya ang dalawang sandatang iyon na lumipad sa ere. Kaya naman nag hiwalay kami ng direksyon ni Nai at dito ay pareho kaming hinabol ng mga ito.
Umiikot ng todo at mabilis ang patalim, mabilis rin itong sumunod sa amin at ang lahat ng kanyang madaanan ay nahahati ng mabilis. Sa kabilang banda ay binuhat ni Nai ang isang malaking truck at ibinalibag ito sa sandatang nakasunod sa kanya pero nahati lang ito at tumuloy tuloy pa rin sa kanya. Ako naman ay bumuhat ng isang malaking tank na may makapal na bakal at ito ang pinang harang ko sa aking katawan. Kumaskas ang patalim dito ngunit makalipas ang ilang saglit ay bumigay rin ang bakal ng tangke at muli nanaman akong hinabol.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...