"Job Well done."
Si Stefan ang nalingunan ni Ella na nakasandal sa pinto ng opisina nito. Katatapos lang ng presentation niya sa nakalipas na meeting at naghahanda na siya sa pagkain ng tanghalian kahit ang totoo ay medyo nagdadalawang isip na rin naman siya kung kakain pa dala na rin ng medyo masama ang kaniyang pakiramdam at gusto na lang sana niyang magpahinga kahit saglit.
"Thank you, Sir."
"You were impressive out there. I'm positive you will be a big asset of this company in the long run."
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Ella bilang tugon sa kabaitan ng kaniyang boss. "I wouldn't have done it kung wala po ang tulong niyo, kaya maraming salamat po sa inyo." Ganting pasasalamat niya sa binatang boss.
Ang totoo niyan ay hindi naman dapat siya ang naka-assign na gagawa ng presentation sa katatapos lang na Meeting ng mga boss nila, ngunit si Carmi, ang kanang kamay ni Stefan at head secretary nila sa opisina, ay nadulas sa banyo kaya naman hindi ito makapasok dahil hirap pang lumakad. Siya tuloy ang napili na mag-present niyon na kung tutuusin ay ayaw sana niya dala ng kaba pero sinubukan pa rin niya upang i-challenge ang sarili at ipakita na din sa kaniyang boss na hindi ito nagsisi ng pagkuha sa kaniya.
"Anyway, I'm heading out for lunch with my brothers. Wala naman akong ibang importanteng meeting for today kaya sige, you can take an early out if you want. Nariyan pa naman si Marilou until 6pm." Offer ni Stefan ng sipatin nito ang orasan at mapansin na pasado alas-tres na ng hapon.
"Sige po, Sir. Maraming salamat po." Magalang na tugon niya rito.
Sa kanilang opisina ay meron silang shifting na sinusunod na nagbabago bawat isang buwan. Ang unang shift ay ang 7am-4pm, at ang ikalawa ay ang mga 9am-6pm. Nagkataon na ang oras ng pasok ni Ella sa buwan na ito ay unang shift, at dala ng labis na pagod ay tinanggap na niya ang offer ni Stefan na umuwi ng maaga.
Pagpasok sa elevator ay agad na sumandal si Ella sa likurang bahagi at pumikit. Hindi na niya pinansin pa kung sino-sino ang mga makakasabay niya.
"You look sick." A man's voice whispered into her right ear.
"I am sick." Sagot niya ng walang kagana-gana at hindi iminumulat ang mata. "Kaya kung puwede lang, huwag mo na muna sana akong asarin ngayon, please." Sa boses pa lang nito ay alam na niya kung sino ito.
"Kailan kita inasar?" napakainosente ng boses nito.
"Kanina." She said. "Doon sa presentation. Wala kang ibang ginawa kundi mag-make face ng mag-make face habang nagpipresent ako."
"I was just trying to calm you down and make you feel at ease dahil nakita kong kabado ka."
"Pwes hindi ka nakatulong, Trace."
"It was never my intention to make fun of you."
Pagmulat ni Ella ng kaniyang mata ay napansin niyang walang ibang tao sa elevator bukod sa kanilang dalawa ni Trace. Good. At least walang ibang nakarinig kung gaano niya ka informal kausapin ang binata na isa rin sa matataas na boss ng Hendelson Empire.
"Sana sa susunod maging sensitive ka naman." Paalala niya sa binata.
"I will be." Tugon ni Trace,
Pagtingin ni Ella sa keys ng elevator ay saka lang niya napansin na hindi pala niya napindot ang lobby key button kaya't ang ending ay sa parking lot space siya napadpad.
"Anong floor ka?" nagtatakang tanong ni Trace ng mapansin na hindi siya lumabas sa lobby floor.
"Lobby." Tipid niyang sagot.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...