"Jace."
"What happened to you, Ella?" tanong nito na nakamasid sa paa niyang may benda.
"Huh? Ah, wala ito. Nagkaroon lang ng kaunting aksidente."
"Are you sure, do you want to have further check up or laboratory test?" Gumuhit ang pag-aalala sa guwapo nitong mukha. "Sigurado ka bang wala kang ibang nararamdaman?"
"Huh? Hindi, na." Pinilit niyang ngumiti. "Talagang masama lang ang pakiramdam ko kanina at nalipasan lang ako ng gutom dahil sa presentation kanina. Pero wala ito. Exag lang talaga si Trace. Ewan ko ba dito." aniya sabay siko sa katabing binata.
"What did the doctor said?" agad na tanong ni Jace sa kakambal na si Trace. "Is she going to be alright?"
"I'm—"
"She need some bed rest. A week at most..." sansala ni Trace. "But she'll be alright."
Napasinghap siya nang maramdamang dumampi ang mga kamay ni Trace sa kanyang bewang. Binalingan niya ito at pinanlakihan ng mata, ngunit sa halip na magbawi ng kamay ay hinapit pa siya nito na halos parang payapos na nga kung titignan. Napatanga na lang siya rito.
Talagang inulit pa!
Batid niyang dapat ay nagagalit na siya kay Trace. Dapat ay inuupakan na niya ito sa mukha, sinisikmura at pinupulbos ng uppercut. Pero nanatiling nakatitig lang siya sa nakangiting mukha nito. Hindi niya magawang saktan ito. Ni hindi niya magawang kumilos nang mga sandaing iyon. Ang nakakapagtaka pa, parang ayos lang din na pagmasdan na lang niya ang mukhang iyon na lalong nagiging guwapo sa bawat sandaling lumilipas.
What heck's going on with you Ella, wag mo sabihing nagiging biktima ka na din ng playboy na yan!? reklamo ng kaniyang isipan.
"Hoy, Trace. Nakayapos ka na! Chansing na yan!" sita ng kakambal na si Jace ng mapansin nito ang ikinikilos ni Trace. "Liable for sexual harassment na iyan." dahil sa sinabing iyon ng binata ay mabilis na nagbawi ng kamay si Trace.
"Ella, mukhang nasa maayos na kalagayan ka na nga ngayon." may lamang pang-aasar na saad ni Jace sabay kindat sa kaniya.
"Huh..." Nakangiting mukha na ni Jace ang nalingunan niya.
"You'll be alright now."
"Siyempre," singit ni Trace.
"Ihahatid na kita pauwi." baling ni Jace sa kaniya. "I'll take care of my future wife."
"Ako ang nagdala sa kaniya dito kaya ako rin ang mag-uuwi sa kaniya." seryosong saad ni Trace ng titigan nito ang kakambal na si Jace.
Mabuti na lamang at nag-ring ang cellphone ni Jace kaya't mabilis nawala ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. Ilang sandali nag-excuse ang binata at sa pagbalik nito ay saka nagpaalam sa kanila.
"You're right, ikaw na nga muna ang maghatid sa kaniya pauwi. Tumawag si Kuya Chris regarding some important documents, I need to go be back at the office asap." paliwanag ni Jace sa kanila.
"Alright." simpleng tugon ni Trace sa kapatid.
"Alagaan mo ang future asawa ko ha." bilin ni Jace sa kapatid.
"Hindi mo na kailangang sabihin iyan." Malakas nitong tinapik sa balikat si Jace. "Ako ang bahala sa kanya. Aalagaan ko si Ella."
"I'll call you later, okay. Magpagaling kay Baby girl. Let's sched our dinner date when you're feeling better already."
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...