CHAPTER 24:Untitled

49 9 0
                                    

CHAPTER 24

Nathaniel POV

*Prttt!!*

Pumito ako. "Okay, punta na kayo sa mga pwesto niyo. I'm sure kilala niyo naman siguro yung mga grupo niyo diba??" tanong ko.

"Yess sirr!!" sagot nilang lahat
maliban kay alvarez na mukang may inaalala.

Tinawag ko siya. "Ms.Alvarez.?" napalingon siya saken, mamaya lang ay iniwas niya yung tingin at dali-daling lumapit sa mga grupo niya.

Nagsalubong yung kilay ko at nagtiim bagang na sinundan siya ng tingin.

Fuck! Ano bang problema nong babaeng yun?

Eh ano bang pakealam ko? Siguro dahil nabastusan lang ako sa inasta niya dahil di niya hinintay yung sasabihin kopa. Wag niyong bigyan ng malisya. Bilang guro kailangan talaga ng attention ang isang student.

Nag toss coin pa muna sila kung sino ang unang magserve ng bola.

*Prrttt*

Nag pito ako ulit hudyat na magsisimula na. Do'n napunta ang bola kila salvez. Nakatayo lang ako sa gilid at titignan ang mga galaw nila. Nakatingin ako kay alvarez na halatang kinakabahan.Nasa center siya ngayon, kung hindi siya mag focus sa ginagawa niya ay pwede siyang matamaan.

Nag pito ulit ako. Si salvez ang magseserve ngayon ng bola.Inangat niya yung bola at tinapik ng malakas kaya naman napunta na iyon sa kabilang grupo.

Dahil si alvarez nga ang nasa gitna ay nakuha niya agad eto. Nong una ay hindi niya alam ang gagawin, pero sakalaunan ay nakuha niya agad ang tyempo.

Napangise ako. Mukang maeenjoy ako sa panunuod. Sa lahat ng game. Eto talaga ang pinaka ayaw kung laruin. Mas gugustuhin kopang maging coach ng badminton kaysa ganito.

Nag try akong sumali sa ganitong laro nong high school ako. Pero dahil nga hindi ako magaling ay na injury ako, kaya naman nag quit agad ako ng malaman to ni mama.

Lumipas ang oras at halata nasa mukha ni alvarez na napapagod na. Mataas na ang score nila salvez kaya may parte sa kaloob loban ko na naiinis.Natapos ang first quarter at second quarter at gano'n padin. Nakaka score naman sila pero mas lamang padin ang kila salvez.

"Hyung.." napalingon ako sa gilid ng may tumawag saken.

Agad naman nangunot yung noo ko ng makita ko ang kapatid kung si Kit.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Well, bukod sa may hinahanap akong tao. May ibibigay din ako." he sat on a blank bench.

"Whom?"

Napaangat siya ng tingin at mayabang na pinagkrus ang mga braso. "Interested?"

"Tss! No, umalis kana may ginagawa ako."

"Kailangan kapa naging coach hyung??" naging matunog ang pangungulit ng kapatid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Muli kung binalik ang tingin sa mga naglalaro. "Naipasa mona ba yung project mo?"

"Project?"

Kumunot yung noo ko at napalingon sakanya. "A project.." giit kung ani.

"Painting? Ah y-yeah! Na..Naipasa kona kanina." narinig kung nagbuntong hininga siya.

Diko alam kung sino ang nakakatanda samin. Mas namumukha siyang matanda. dahil bukod sa mature mag isip ay napayakabang pa.

Natural na siguro iyon sa katawan niya.

Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon