Trisha Mae's POV(Trish)...
Today is September 14 at kasalukuyan kaming tahimik na kumakain sa loob ng kwarto ni Shane sa ospital.
"Shane eto pa kainin mo toh."sabi ni Kuya Stan sabay lagay ng gulay sa plato ni Shane.
"Shane eto din kainin mo toh."sabi din ni Dareel sabay lagay ng isang mangkok ng binalatan nyany mansanas.
"Shane eat this. This is your favorite."si Leesa sabay lapag ng isang bowl ng pork steak sa tray ni Shane.
Halata kay Shane na hindi na sya mapakali at mukhang hindi na sya natutuwa.
Kita kong napatingin si Shane sa naglalakad na si Dex na may hawak na isang garapon ng Milkita lollipop.
"Oh."sabi nya saka inilapag ang garapon sa tabi ni Shane at naupo sa gilid ng kama.
"Taena kayong lahat! Chocolate ang gusto ko hindi yang mga binibigay nyo!"sigaw ni Shane sabay tayo at lumapit sakin. "Bigyan mo ko Trish. Pakiusap."
Napatingin ako sa hawak kong dairy milk na chocolate. Kumagat ako ulet saka ngumiti sakanya.
Kita ko ang maiiyak na nyang ekspresyon at pagmamakaawa na bigyan ko na sya.
Kinuha ko yung bag ko saka kinuha ang isang pack ng dairy milk at goya saka iyon binigay kay Shane. Bibigay ko dapat yon sa mga kaibigan ko pero dahil kailangan kong makipag-ayos kay Shane, sige gora na!
"Uyy kami? Di mo bibigyan?!"sabi ni Jasp sabay pout.
"Bakit? Galit ka din ba sakin?"tanong ko pa.
Saglit pa syang nag-isip bago tumango. "Oo galit ako!"
"Edi magalit ka pa!"hirit ko saka tumawa ng malakas kasama ang mga kaibigan ko.
"Waaah! Salamat Trish!"sigaw ni Shane sabay yakap sakin na syang ikinagulat naming lahat.
Kahit ako mismo sa sarili ko ay nagulat dahil sa inasal ni Shane ngayon. Unti unti syang kumalas sa pagkakayakap sakin saka sya tumayo at umupo sa kama nya.
Bumuntong hininga pa sya bago kumuha ng chocolate at kinain iyon. "Hindi ko alam kung maniniwala kayo sakin pero sasabihin ko ang totoo ngayon."
Lahat kami ay nakatutok lang sakanya habang sya naman ay pinagpe-pyestahan yung mga chocolate.
Nang matapos sya sa pang-iinggit samin ay uminom sya ng tubig saka umayos ng upo sa kama nya.
"Nung mga araw na tulog ako, nanaginip ako. Napanaginipan ko ang hinaharap ko. Sa panaginip kong iyon ay kasama ko ang matandang bersiyon ko. Inayos ko ang sarili ko don. Binalikan ko lahat ng masasakit kong ala-ala. Ngayon, okay na ko, I feel much better now dahil sa tanggap ko na ang lahat."litanya ni Shane at nagsimula nang mamuo ang kanyang mga luha.
Muli syang kumuha ng chocolate at saka kinain iyon. Siguro idinadaan nya sa pagkain ang lahat ng sakit na nararamdaman nya.
"Nalaman ko na kahit mag-isa ako noong bata ako, masaya ako kasi nalaman ko na may kakampi at kasama pa ko, ang sarili ko."
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]
Diversos⚜️The Gangster's Princess BOOK 2⚜️ DATE STARTED: February 22, 2020 DATE ENDED: April 19, 2020 Panibagong hamon, panibagong pagsubok. Mga hindi pa natutuklasang bagay noon, malalaman nila ngayon. Ano ba talaga ang totoo sa likod ng mga nangyari noon...