Chapter 53 - Kahit Di Mo Alam

1.8K 108 106
                                    

Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan?'Di ka na babalik sa lilim ng ulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan?
'Di ka na babalik sa lilim ng ulan

xoxo

Seth Kyrie

Naisip niyo ba kung bakit ganun ang Universe?

Na sa milyun-milyong tao sa mundo, magiging malupit siya sayo. Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa ang pagmamalupitan nito?

Bakit sa lahat ng chances na iyon, ni isa walang napunta sa iyo?

Isa lang naman yung chance na hinihingi mo.

Hindi naman milyon - isa lang.

Pero bakit di siya dumating? Bakit may mga bagay na hindi nagtutugma? Mga bagay na di swak sa kung anong gustuhin mo. Bakit ka niya pagtatagpuin at sa huli ay paghihiwalayin at wawasakin, pira-piraso.

Naisip mo ba kung bakit sa milyun-milyong bituin sa kalawakan may mga nagtutugma?

Constellations

Star after star, lines after lines.

May pinagtatagpo, may pinagdurugtong.

Pero bakit ganun? You're not even a part of any constellation. You are once the brightest star in the sky. But now, you're just waiting for your supernova. To be consumed in an endless black uncertainty.

A Year After

February 18, 20xx

The Fort, PH

Nakatayo ako sa harap ng isang gusali, nakatingala. Pinagmasdan ko kung paano lumipas ang oras. Kung paano ang takbo ng panahon. Ang bilis ng mga araw, akalain mong isang taon nanaman ang lumipas. Pinagmamasdan ko ang mga tao na labas pasok sa mga gusali. Yung ingay ng syudad at yung mga sasakyan. Nasa harap ako ngayon ng Baxter Building kung saan naroon ang headquarters ng Mondragon Holdings. Wala lang, ironic lang. Bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito pa ako pinapunta.

Kung nagtuloy-tuloy sana ang residency ko ay isa na akong ganap na surgeon ngayon. Patapos na si Sab sa kanyang residency at naghahanda sa kanyang board certification. Nagbabalak din siyang pumunta ng US para kumuha ng units at para magpa-certify narin dun. Balak din kasi niyang mag-fellowship doon kasama si Lex. Inaaya nga nila ako pero di ako sumasagot, parang nawalan ako ng gana na ipagpatuloy pa ang pagiging doctor. Parang wala naman nang saysay pa. Hanggang ngayon nga ay di parin bumabalik ang dating reflexes ng kaliwa kong kamay. Minsan namamanhid ito at pag sobrang lamig sa Baguio ay talaga namang kumikirot.

At biglang may umiyak.

"Sssssssh, gutom ka na ba? Oh ayaw mo dito? Gusto mo sa Baguio lang? Ako din baby, ayaw ko dito. Masyadong malapit kasi ito sa impyerno"

At talagang nilakasan pa niya ang pag-iyak.

"Ssssh, tahan na. Saglit lang ha, timpla tayo ng gatas mo"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon