PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 3
AiTenshi
Feb 7, 2020
Part 90: Para sa Ama
NARDING POV
Habang lumilipad ay napansin ko na agad ang kakaibang abilidad ng kalaban. "Iyang gate of babylon". Isang mitolohiya na kapag nabuksan mo ang tarangkahang ito ay mag kakaroon ka ng pag kakataong taglayin at gamitin ang natatanging kayamanan ni Gilgamesh. Tumutukoy ito sa kanyang koleksyon ng mga sandata na nakatago sa isang portal." ang wika ni Rashida
"Kung ganoon ay hindi biro ang kalaban nila Irano. Ano ang lagay nila?" tanong ko.
"Sugatan sila, si Irano ay malala ang tama at ganoon rin sila Nai. Bilisan mo dahil igagawad na niya ang panapos na tira!" ang sagot ni Rashida kaya naman mas binilisan ko ang pag lipad na parang gintong liwanag na lamang ang aking katawan.
Noong makarating ako sa karagatan ay nakita ko rin na tumatakbo si Bart. Batid kong isasalba niya sina Nai mula sa pag atakeng iyon. Kaya naman para mapigilan ito ay lumipad ako sa kinaroroonan ng kalaban. Nagulat ito noong sumulpot ako sa kanyang harapan. Nag liwanag ang aking kamay at dinakot ko ang kanyang mukha. Kapwa kaming bumagsak sa karagatan at dito ay nag buno.
Lumubog kami sa tubig na nagpapalitan ng suntok..
Habang nasa ganoong posisyon ay nag liwanag ang kanyang likuran at mula dito ay lumabas nanaman ang tarangkahan. Kaya naman bumitiw ako at dumistansiya sa kanya.
Nag liparan ulit ang mga sandata sa aking harapan kaya naman inipon ko rin ang aking enerhiya sa aking kamao at inihataw ito sa kanyang atake. Dahil sa pwersa ay itinulak ako nito pataas sa ibabaw ng tubig kasama ng iba't ibang uri ng sandata mula sa gate.
Noong maka ahon ay agad akong lumipad sa malaking ahas sa sea wall kung saan binuga nito sina Irano at iba. Matindi ang pinasala ng tatlo at halos walang mapag lagyang sugat ang kanilang mga katawan. Ang pinaka malala ay si Irano na matindi ang tama sa dibdib, tiyan at likuran. Wasak ang kalasag nito at tanging hubad na katawan nalang ang nakabuyayang.
Maya maya ay umangat sa tubig ang kalaban at dito ay nakita kong mabilis na lumipad si Jorel para labanan ito. Sa kanyang likuran ay si Ace na naka suporta. "Narding tulungan mo na sila. Ako na ang bahala sa tatlo na to." ang wika ni Bart sabay buga ng tatlong puting ahas na kasing laki ng daliri. "Kaunting suporta nalang ang kanyang ibigay nito dahil pagod na rin ang katawan ko. Pero mapapag hilom nito ang malalalim na pinsala sa kanilang katawan."
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...