Chapter 33

8 4 0
                                    

Isha Karmela Montes

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na nakita mong naghalikan si ralph at serenity sa bar?"

"Hindi ba ay kababata mo siya?"

Sunod sunod na tanong ni kc at jasmin sa akin habang pauwi na kami at kasalukuyan kaming nasa loob ng hyundai palisade ni sir de vera

Si sir ang nagmamaneho samantalang si berto at brent ay natutulog na
Habang ang dalawang ito naman ay binabatuhan ako ng maraming tanong

"A-ayoko lang na mag-alala pa kayo... at isa pa natatakot ako na baka anong gawin niyo" sagot ko ng hindi tumitingin sa kanila

"We get your point isha... pero kaibigan mo kami open kaming makinig sayo at ipagtanggol ka" tugon ni jasmin at hinawakan ang kamay ko

"At kahit sino pa yang umaway sayo... aawayin din namin!" Sabi naman ni kc sabay suntok sa ere

Napangiti naman ako sa kanila dalawa dahil damang dama ko na sobra nila akong mahal

Kahit pa hindi kami magkakadugo ay para na kaming magkakapatid dahil mahal na mahal namin ang isa't isa

Malas man ako sa pag-ibig, swerte naman ako dahil nagkaroon ako ng mapagmahal, masayahin at totoong mga kaibigan

Nakatulog rin ako sa buong byahe at naalimpungatan lang ako ng pindutin ni brent ang pisngi ko

"Nasa bahay na tayo" sabi niya sabay kusot ng mata

"Thank you po sir d-de vera sa paghatid at tsaka sa pagpapapunta niyo sa amin sa bahay niyo sa baguio" pasasalamat ko kay sir de vera na ngayon ay naka all black outfit at naka cap din na black

Ngumiti siya sa akin at lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi

Napaiwas naman ako ng tingin sa dimples niya dahil may bigla akong naalala sa dimples

"Your always welcome isha... sir adon na lang masyadong formal kapag apelyido" natatawa niyang sabi

"Sige po sir adon... mauuna-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita

"May nagpapabigay pala..." sabi niya sabay abot sa akin ng isang maliit na box na kulay blue

"Sino po?" Nagtataka kong tanong

He smiled." Malalaman mo din... kapag nabuksan mo na...sige na pumasok ka na sa loob ihahatid ko pa ang mga kaibigan mo"

Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan kong nagsasagutan si mama at papa pero tumigil sila ng makitang dumating na kami ni brent

Magtatanong sana ako kung ano ang pinagtatalunan nila pero pinigilan ako ni brent at umiling ito sa akin

Pagkadating ko sa aking kwarto ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame

At dahil wala akong magawa ay napa-upo na lang ako at binuksan ang maliit na kahon at tumambad sa akin ang isang kwintas na may pendant na puso

Pangiti naman ako dahil sa ganda nito pero napansin ko na pwede mabuksan ang pusong pendant kaya dali dali ko itong binuksan

Ang ngiti ko sa labi ko kanina ay biglang naglaho ng makita ko kung sino ang nasa picture sa loob ng heart

Sa kanang bahagi ay ang picture ko noong ending party namin sa finn college.

Sa kaliwa naman ay ang larawan ni ralph... nakabarong siya at kita ang malalim niyang dimple sa kanang pisngi

Ibabalik ko na sana ang kwintas sa kahon pero nakita ko ang papel na nasa loob nito kaya dali dali ko itong binuksan

My FateWhere stories live. Discover now