Chapter 12- Sketch Pad

8 1 0
                                    


Cazpher's POV

Some simple things in life can bring back thousand of emotions. As I sat near the window pane looking for the dark crying skies, my heart was reminiscing the pain.

Sariwa pa ang mga sugat, nandito ako sa malaking puting kwarto nagpapahinga. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako sa masaklap na mundong aking ginagalawan. Tinitignan ko lang ang maulang paligid sa tabi nitong silid. Napakaganda, ngunit napakalungkot.

Pinipigilan ko ang mga luha, ngunit sa tuwing naaalala ko si Mama, si Ashley, si Alliah at ang ginawa sa akin ng demonyong 'yun, umaagos ito kasabay ng malalakas na patak ng ulan. Masyado pa sigurong maaga ang mga pangyayari at hindi pa handa ang puso sa sobrang bigat na nararamdaman nito.

Nakita ko sa labas ng kuwarto si Tito Chan, madalas ko din siyang tinatawag na Papa. Inaako niya kasi ang responsibilidad ni Dad, at tinuturing niya akong para niyang anak. Sa pagkakaalam ko din, ako ang paborito niya sa aming dalawa ni Ashley dahil wala siyang lalaking anak. Malaki ang utang na loob ko kay Tito, lalo nung pinagtatakpan niya ako lagi kay Dad noong madalas ako sa bahay nina Alliah.

Sa lahat ng pagtulong ni Tito Chan, ito lamang ang hindi ko nagustuhan. Sana hinayaan niya na lang kasi akong mamatay. Gusto ko na makasama sina Mama at Ashley, at tumakas sa mundong nandito ang isang Conrad Sebastian. Hindi ko na kayang mabuhay at handa na akong sumuko sa lahat.

Pumasok siya sa kuwarto ko. Natakot ako na baka ibalik niya lang din ako kay Dad, kaya hindi ko napigilan ang saril ko at nagkasagutan kami. Malaki ang galit kong niligtas niya pa ako noon, pero sa mga oras na nakikita ko si Lola Ganda at ang demunyitang si Alex, hindi na din pala masama na binigyan ako ng pangalawang pagkakataon para mabago ko na ang masasakit na yugto ng kahapon.

"Andrama mo na naman Cazpher." sabi ko sa sarili ko.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luhang namumuo sa aking mata. Hindi na dapat ako umiiyak. Hindi na din dapat inaalala ang mga bagay na nangyari na. Kung bakit ba naman kasi sa tuwung umuulan nagau-autoflashback ang lahat. Hindi ako natutuwa kahit napakaganda pagmasdan ang patak ng ulan.

Dumiretso ako sa sala at inabutan si Alex na nanonood ng K-drama. Wala akong naiintindihan sa naririnig ko. Umupo na din ako para manood baka sakaling magustuhan ko.

Tinry ko magfocus sa subtitles at doon sa narration ng kwento pero wala akong maintindihan. Chingchong ka Alex. Nangamot lang ako nang ulo. Gusto ko talaga ilipat yung channel, punyeta. Naiirita ako sa pinapanood niya, ang titinis ng boses nung mga babaeng nagsasalita.

Humiga sya bahagya at kinuha ang kumot. Ilang sandali ay sinipa niya ako.

"Tumabi ka nga!" singhal niya sa akin

"Aray naman."

"Alam mo Cazpher, kung ayaw mo manood umalis ka na lang. Nakakasira ka ng mood"

Hay. Ito na naman siya.

"Wow! hiindi man lang nagsorry. Hindi kase ako fan ng--"

At naramdaman ko ang remote na binato sa ulo ko.

Dadagdag na naman ang bukol sa mukha ko. Punyeta.

"Oo na po! Aalis na, ito na po." 

Galit na naman sakin ang demonyita, kahit wala ako ginagawang masama. Naisip ko na bigyan na lang siya ng peace offering, kahit siya dapat magsorry. Ang galing naman diba? Ako pa dapat manuyo. Kagigil.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Lola at nagpaalam na sasaglit lang ako sa 7-11 para bumili. Pinayagan naman ako ni Lola at nginitian pa ako. Pakiramdam ko tuloy ako na ang paboritong apo ni Lola hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon