Hapon na lahat ng tao ay nasa bahay dahil natatakot kasi sila sa aswang .
Ako nga pala si Alex 17 years old hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng mga matatanda na pag gabi na ay magsisilabasan ang mga kapre,maligno,tikbalang ,aswang at kung ano ano pang mga nilalang na nakakatakot.
Isang araw ay magkakamping na, masayang masaya ako dahil mapapatunayan ko na walang mga aswang.
Lahat ng gamit ko ay hinanda ko na
pero inabot ni mama ang isang maliit na supot ng asin pero hindi ko ito kinuha at tinawanan ko na lang si mama.O ma andiyan na pala ang sundo ko bye ma love you love you to
Pero ang hindi ko alam inilagay pala ni mama ang asin sa bulsa ng bag ko.
Pag dating namin sa lugar na pinag ka sunduan ng mga guro, medyo masukal dito pinahanda na ng mga guro ang mga tent kasma ko nga pala sa tent ang matalik kung kaibigan na si anika,angela at erika sila ay mga matatakotin kaya lagi ko silang tinatakot.Kinausap ko sila na may pupuntahan kami mamaya pag gabi na.
Gabi na tulog na ang mga teacher o tulog na silang lahat tayo na.
Pero hindi ba nakakatakot sabi ni angela.
Oo nga wala pa naman tayong kasamang matanda sabi naman ni
Anika.Baka may aswang sabat naman ni erika.
Ano ba kayo walang aswang tara na sumonod naman sila pumonta kami sa may gubat dala ko ang bag ko at sila naman ay flashlight hinahanap ko kasi ang mga sina sabi nilang mga maligno pero may nakita si erika na malaking aso ng tiningnan ko nakita ko kung totoo pag ka kita ko dito ay nag taka ako dahil sobrang laki ni to kaysa sa normal na aso at pula ang mga mata nito.
Alex hindi nayan aso aswang na ata yan sabi ni erika na nangangatal sa takot.
Tatawa na sana ako pero nakaramdam ako ng takot ng habulin kami ng aso na parang gutom na gutom nagtakbuhan kami sa takot .
BINABASA MO ANG
Horror Story
Horrorito ay kwento lang sakin ng mga kaibigan ko hindi ko alam kong totoo ito o sabi sabi lang sin sa kanila pero kung totoo man ito kayo na ang maghusga