chap.2 (Mingyu?)

2 2 0
                                    

Wonwoo pov.

What’s wrong with him? Nakatingin parin siya sakin na para bang ngayon lang siya nakakita ng tao,agad akong tumayo at kinuha ang bag at mga gamit ko.iniwan ko siya don na naktulala ang weird niya.

ROOM 17

Pagpasok ko sa room wala pang teacher napatingin sakin yung mga classmates ko hindi ko nalang ito pinansin ,pumunta ako sa upuan ko at inayos ang mga gamit ko,kung tatanungin niyo kung may kaibigan ako,wala akong kaibigan sino ba namang gustong makipag kaibigan sakin diba?yung iba takot sakin dahil daw sa ako ang anak ng may ari ng school na to.

Tsaka kung ako ang tatanungin hindi ko rin kailangan ng kaibigan,kaya ko naman kahit wala ako non.

“Class settle down may bago kayong magiging classmate,Mr.Kim”

Hindi ko nalang pinansin ang sinasabi ni sir at yumuko nalang ako para matulog,ganito lagi ang ginagawa ko wala namang sumusuyaw sakin dahil takot silang mawalan ng trabaho tsk walag kwenta.

Mingyu pov .

“Mama!! asan na yung medyas ko?!”

“Nasa drawer mo yun inayos ko kahapon”

“Ma wala naman?”

“Naku Mingyu pag yan nakita ko kukutusan talaga kitang bata ka!”

Ganito palagi ang eksena namin ni mama tuwing umaga pero normal nalang samin ang magsigawan.

“Ang anak ko binata na wag kang magpapasaway sa school ha?”

Mag ta transfer ako sa Pledis University ngayong araw,medyo kinakabahan ako dahil first time ko mag transfer.

“Syempre ma good boy ata tong anak niyo at pogi pa hehe”sabay pogi pose,napataw nalang si mama,kami nalang ni mama ang magkasama dahil si papa matagal ng wala namatay siya sa isang car accident 10 years ago.

“Sige ma aalis na po ako byeee”


PLEDIS UNIVERSITY

Ang laki ng school grabe totoo nga ang sinasabi nila na sobrang laki at sobrang ganda nitong school,pinagtitinginan ako ng mga studyante dito hindi pa kasi ako nakauniform kaya naman agaw pansin ang suot ko.Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.Habang naglalakad ako isang lalaki ang naka agaw ng aking pansin,hindi ko namamalayan na sinusundan ko na pala siya pumasok siya sa library at ng may mahanap siyang bakanteng table inilapag niya ang kaniyang mga gamit.hinintay ko siyang bumalik pero hindi na siya bumalik kaya naman napag desisyunan ko na kumuha rin ng libro pag balik ko wala parin siya sa table,umupo nalang ako at binasa ang librong kinuha ko.

Maya maya pay naramdaman ko ang presensya ng isang tao kaya naman agad ko itong tinignan.

Yung lalaki kanina,nakatingin lang siya sakin na para bang hinuhukay niya ang buo kong pagkatao.

Umupo siya,at nagsimulang basahin yung librong hawak niya habang ako nakatitig parin sa kaniya,totoo bang may gantong mukha?napa perpekto ng mukha niya.

“Staring is rude,you know?

Yung boses niya,ang lalim.

Bigla siyang tumayo at kinuha lahat ng gamit niya tsaka umalis.

Hangang ngayon di parin ako maka move on sa lalaking yun,may kakaiba kasi sa kaniya halata sa mga mata niya na hindi siya masaya,sinuli ko ang libro tsaka umalis sa library ngayon hahanapin ko ang magiging room ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cold Guy in Room No.17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon