Chapter 1

7 0 0
                                    

"Here's a card. The code's 164395." Iniabot ni Calvin kay Danielle. You can see a question mark in her face that time. "Use it any way you like. Pasok na ako."

Di na nakasagot o nakaangal pa si Danielle sa ginawa ni Calvin. Ni makapagsabi ng ingat ay hindi na lumabas sa bibig nito.

Calvin already left but the questioning expression on her face is still there. "Anong gagawin ko rito?" She murmured.

A week ago...

SMS from Lorie:

"Alam ko wala kang lakad today 'coz it's your rest day. I'm going to send you a link, make sure to download it and give it a try. I want you to be happy na."

At dahil wala sa mood si Danielle na mag reply pa, she just tapped the link Lorie sent and it instantly installed an app.

"Cupid's App"

Agad itong nagbukas matapos na mainstall at agad bumungad ang pangalan ng app.

*Tap to continue*

She read and do what it says.

As she taps the screen of her phone, sari-saring instructions ang lumalabas at kanya namang binabasa. "Is this a dating app?" She asks herself.

Well, di mo ito malalaman kung di mo susubukan, sagot ng isip nya.

A questionnaire suddenly appeared.

*Full name: Danielle Montenegro
*Age: 24
*Height: 5'5"
*Complexion: Fair
*Eye color: Brown

After answering, another questionnaire pops out.

"What type of a man do you like/prefer?"

Basa nya sa lumabas na katanungan sa screen. May choices na nakahanay at kailangan nyang icheck bawat isang nanaisin nya.

¤ Responsible
¤ Gentleman
¤ Forgiving
¤ Low-tempered
¤ Family-oriented
¤ Caring

Yan ang mga napili nya sa mga ibinigay na pagpipilian. When she tapped continue, a radar instantly appears in her screen.

Habang nagpapaikot ang radar na tila may ini-scan, may litrato na lumabas na may pangalan sa ilalim, "Calvin Buenaventura" basa nya dito kasabay ng pagtigil ng pag ikot ng radar.

Naalala nya na isa sa mga nabasa nya kanina ng buksan ang app ay, pagtapos mong magsagot ng questionnaires, lalabas ang iyong ka match. "Siguro ito na yun" Ani sa sarili.

She clicked the picture and it directed her to a Cupid's Messenger. It automatically sent a message, "Hi."

Nagulat sya sa nangyari dahil wala pa naman syang pinipindot sa kanyang cellphone bukod sa picture nung Calvin, and then boom, she sent a message.

She did not know what to do especially when she saw that her message was already seen.

"Aberdiana Court. 6pm tonight." Calvin replies.

It's the coldest message she has read so far. "Huh?" Pagkabiglang sabi nito.

She walked from the living room to her bedroom. Kaunting hakbang lang ang ginawa ni Danielle dahil sa isang maliit na apartment lang naman sya nangungupahan dahil mag-isa lang naman sya. At para sakanya ay sapat na ito.

Napatingin sa pader si Danielle at nahagip ng mata nya ang orasan. "F*ck!" Bulalas nito dahil nakitang 4:30pm na.

Agad-agad syang nagtungo sa cr upang maligo. Di kalauna'y napaisip ang dalaga. "Am I too easy?" She thought. Kasi nga naman, sino nga ba namang matinong babae ang agad papayag sa ganung kaiksing paanyaya?

Cupid's AppTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon