their story...

7 1 1
                                    

sabay kaming lumaki, magkapitbahay, naging magkalaro at magkaklase.

magkakopyahan ng sagot sa assignment at exam. sabay pumapasok at umuuwi galing eskwela.

kasama niyang pumunta ng parlor at spa, assistant niya sa pagsho-shopping. kasa-kasama niya hangang sa panonood ng sine.

kapag heartbroken ang isa nandiyan ang isa para dumamay.

marami na nga kaming piang-samahan, marami nang tawanan at iyakan.

magkasama kami mula sa pinakamasasaya hanggang sa pinaka malungkot na kabanata ng buhay ng bawat isa. Birthdays, JS Prom, Elementary at High School Graduation, debut niya. Pati mga simpleng bagay magkasama kami, yung unang beses na nagpabunot siya sa dentista. unang beses na nag-drive ako na may lisensya.

 pati mga nakakahiyang event sa buhay namin magkasama kami. naalala ko pa noong unang beses siyang magka-period. nasa school kami, second year HSkami, dahil biglaan wala siyang dalang pad kaya nagka-stain yung palda niya. iyak siya ng iyak noonat ayaw lumabas ng room kahit uwian na. sabi niya mauna na daw akong umuwi at sabihin na lang sa mom niya na sunduin siya. ayoko namang iwan siya nun na mag-isa, kaya ang ginawa namin pinauna ko siyang mag-lakad habang kasu-kasunod niya ko para takpan yung likod niya.

awkward nga at pinagtitinginan kami ng ibang estudyante pero wala akong pakialam kaysa namn maiwan siyang mag-isa doon. halos nakayakap na nga ako nun sa kanya eh. nanatili kami sa ganung posisyonhangang sa makasakay kami sa schoolbus. pagdating sa tapat ng bahay nila ay patakbo siyang bumama at ginamit na pantakip ng palda yung libro.

pwede pala yun? dapat naisip na niya yun agad.

ako yung tumulong nung nag-dadalaga siya. siya naman yung nandyan nung kailangan ko ng tulong dahil nagbibinata na ako.

grade 5 ako nang pinatuli ako ni lola, ang bata ko pa nun pero ewan ko ba. dahil sa sitwasyon ko hindi ko magawang makipaglaro sa ibang bata and worst tinutukso pa nila ako. thankfully, Rhea came to the rescue. sinigawan niya at pinaghahamon ng away yung mga bata. may isang bababe ang pumatol, mas matanda at malaki sa kanya yun, kaya kinabahan ako dahil dehado siya.

walang umaawat, mukhang amuse pa sa nangyayaring gulo. hidi ko rin nagawang kumilos, pinanapanood ko lang sila. ang rude o no? at last natapos din ang away. ang nanalo, siyempre, si Rhea.

inayos lang niya yung buhok niyang nagulo sa sabunutan at inakay na niya ko papasok sa bahay nila. "ang mean nila," sabi niya at nag-pout. ang cute niya.

Marami na nga kaming pinag-samahan, wala na nga kaming lihim na alam na hindi namin alam, maliban sa isa.

Matagal na kong may nararamdaman para sa kanya , pero hindi ko agad masabi. Natatakot ako na baka makagulo yun sa friendship namin o baka naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko. Hindi kasi ako sure kunglove ba yung nararamdaman ko o  friendly affection lang. Hirap palang idiffirentiate ng dalawa.

Pero kahit pagbalibaliktarin ko ang mundo mahal ko talaga si Rhea na bestfriend ko.

Itinago ko muna yung nararamdaman ko. Ayokong mag-take ng ris, kapag kasi na-busted ako, doble ang mararanasan ko. Ang ma-heart broken at ang [posibilidad na mawalan ng bestfriend.

I keep it a secret, pero hindi ko talaga kayang labanan yung feelings ko. Yung mga friendly hug niya, yung inosenteng kiss niya sa cheeks ko, natataranta ko kapag ginagawa niya yun. Halos mapa-takbo ako sa cardiologist dahil sa iregular heartbeat ko.

Hirap palang mag-pangap.

Hindi ko na talaga kaya, susugal na ako. Bahala na kung anong mangyari. Kaya a month ago, nagtapat na ako. Sinabi ko lahat.

30 Days for their Love and HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon