Lahat naman siguro tayo naisulat na ang pangalan ng taong gusto natin sa likod ng ating mga kwaderno hindi ba? Parang ako! Yan ang naging dahilan, kung bakit nalaman ng mga tropa ko na gusto ko si Chris.
"Hoi! Mga babaita! Alam nyo bang ang cute cute ng crush ko! Ha?!" Pagmamayabang ko sa kanila.
"Alam mo Zein? Mas cute ako 'bat ako papatalo?!" Tugon sa akin ni Eline. Na halatang nangangarap nanaman!
"Che!" Sagot ko sa kanya.Agad naman akong bumalik sa aking upuan. Sobrang gulo nanaman ng aming silid ng mga oras na iyon.
Nasan yung teacher namin? Aba ewan ko din!
Nang makaupo na ako, inalala ko yung araw na pilit ibinibigay ni Chris yung payong na yun. Sa sobrang tuwa ko agad kong kinuha ang kwadernong nasa ilalim ng aking kinauupuan.
So syempre, tamad ako! Kakatamad kumuha ng ballpen noh! Lalo na't na sa kailailaliman pa ng aking bag. Kaya naman agad kong kinalabit ang aking katabi na si Yeng.
"Hoi! Yeng!" sabe ko habang kinakalabit siya.
"Ano yun?! Makahoi ka ah!" pabulyaw nyang sinabi sa akin pabalik na halatang nabwebweset sa kakulitan ko.
"Peram ballpen. Dali peram!" Pagmamadali ko sa kanya.
"Jusmiyo marimar! Nanghihiram ka na nga lang, minamadali mo pa ko!" tugon nya.
" HEHEHEHHE!" tanging nasambit ko sa kanya.Binigyan nya ko ng kulay itim na ballpen. Agad kong isinulat ang pangaln ni Chris sa aking kwaderno.
C H R I S A. M A R T I N
Sulat doon sulat dito. May padradrawing drawing pa akong nalalaman. Busy na busy akong nagsusulat ng mga oras na iyon, nang biglang lumapit si Rose.
"Ano yan?" tanong nya.
"A-ahh wala. Wa-wala ito." uutal utal kong pagsagot sa kanya.
"Weh? Patingin nga!" Paghingi nya sa akin nung papel.
"Eh!" pagtanggi ko. Agad agad ko namang pinunit ang pahina na sinulatan ko ng pangalan ni Chris mula sa aking kwardeno.
"Dali na! Pabasa lang!" pamimilit pa ni Rose. Ngunit muli ko siyang tinanggihan.
"Ahh ganun ha!" mahinang sinabi ni Rose sa kanyang sarili at padabog dabog siyang umalis sa aking harapan at agad na nagtungo sa likurang bahagi ng aming silid.Maya-maya pa ay...
"HOI! ZEIN!" malakas na boses na nakakarindi ang aking narinig mula sa aking likuran. Nang ako ay humarap, agad kong nakita si Rose nakasa-kasama sina Yeng at Eline.
Sa loob-loob ko...
"Aba nag hakot pa ng kasama!"Agad lumapit sa akin si Eline at tinanong ako na...
"Ano yan?!"
"Wala nga." tugon ko
"Wala ah!" sagot nya.
Natatawa ako ng mga oras na iyon. Tapos sila Rose ay mga nagtitinginan sa isa't isa na waring may balak ba namang gawin sa akin..Ilang minutong pagtititigan ang nangyare sa amin at nabasa ko ren ang mga nasa isip nila. Gusto nilang agawin sa akin ang papel na hawak hawak ko. Kaya naman agad akong nagkandaripas ng takbo palabas ng aming silid-aralan. Ngunit hinabol nila ako. Naghabulan kami hanggang magkadapa-dapa pa kami ng dahil sa mga upuan. Matagal din bago ako nakalabas ng silid. At nang makalabas na nga ako agad akong nagtungo sa aming mga lockers. Sinubukan kong ishoot yung papel sa butas ngunit naabutan nila ako! Kaya naman sa sobrang panic ko, na di ko malaman ang gagawin, hindi ko alam kung bat sa may fire exit ako napatakbo! Jusmiyo! Dead end! Pabalik na sana ako upang sa iba dumaan ngunit patay! nakaharang ang Tres marias sa aking dadaanan!!! So ayun wala akong ibang nagawa kundi makipagagawan.
Ngunit syempre sa sobrang kabaliwan ko, inde na ko nakapalag. Napahandusay ako sa sahig at humalakhak ng kay lakas lakas. Yung ala mangkukulam ba! Gusut gusut na yung papel pero antyaga parin nilang basahin yun. Habang inilalapat nila ang papel agad kong inagaw iyon.
Akala nyo tapos na! Mali! May round two papala!
Naghabulan pa kami muli papasok sa silid-aralan namin. Ngunit pag pasok namin agad akong nauntog sa pinto!
"Shet! Ang sakit!" napasigaw ako
Agad namang nagtawanan sina Eline. Pero alam nyo yung masaya! Nang dahil sa pag-aagaqan namin ay nakurot ko sila! Ayun tuloy! Di ko na pigilan tawa ko. And the snail is out of her shell again!
"Tama na nga tama na!" sagot ko sa kanila. Pero, sa huli inde rin ako nanalo sa kanila. Nakuha nila yung papel at wala akong nagawa kundi humalandusay sa sahig at iniyoko ang aking ulo. Ngunit sa di inaasahang eksena! Tumulo ang aking mga luha!
Hindi ko alam kung anong dahilan! Dahilan ba ito dahil nasaktan ako kanina?! O dahilan ito ng takot ko na kumalat na may gusto ako kay Chris at umabot ang balita kay Jane? Inde ko rin alam!"Oh bat ka umiiyak?" pagtatanong ni Rose.
"Eh kase ewan ko!" sagut ko.
"Natatakot ka bang malaman ni Jane ito?" tanong nya pa.
"Siguro?!" sagut ko.
"Wag ka mag-alala, di nya malalaman." Dugtong ni Yeng.Agad naman nila akong nilapit at sabay nilang niyakap ng napakahigpit.
Mag kaibigan kami ni Chris, at itong mga panahon lang ay onti onti kaming naging close ni Jane.
Sino si Jane?! Siya lang naman yung napakagandang ex ni Chris.
Sobrang ganda nya and syempre, kung anong ganda ng muka nya sya ring ikinaganda ng ugali nya.Kaya nung naghiwalay sila ni Chris, sayang na sayang ako para sa kanilang dalawa. Ayokong masira yung pagkakaibigan namin ni Chris. Ganun din kay Jane kaya natatakot ako na malaman ng iba. At yan din yung dahilan kung bakit simula palang ay takot na akong mahulog kay Chris.
And that stupid calligraphy? Sana di ko nalang ginawa!
*****
BINABASA MO ANG
TILL I MET YOU
Non-Fiction"Sana ol! Andaming may gusto sakaniya." 'yan! Iyan ang mga salitang laging naririnig ni Zein. Hindi siya kagandahan, pero nasa kaniya 'yong cuteness na laging hinahanap ng mga lalaki. Sa dinami-rami ng nagkakagusto sakaniya, nahihirapan na siya par...