Masaya.
Nakakakilig.
Yung pakiramdam na di ka makatulog kase di mo makalimutan yung moments ninyong dalawa.
Yung mapapangiti ka nalang bigla kasi, wala basta kinikilig ka.
Sarap sa pakiramdam nung ganoon. Tawanan, kwentuhan na parang walang katapusan. Yung tipong kahit maliit na detalye o subject mapapahaba nyo ang kwnetuhan kase interesado kayong dalawa.
Masaya kapag laging magkasama at nagkikita.
Pero. . .
Puro nalang ba saya?
Mapapatanong ka nalang, hanggang kailan tayo masaya?
Hanggang kailan tayo matutuwa na kasama ang isa't-isa?
Nakakatakot na isipin, baka pag gising ko sawa ka na. O baka ako ang mag-sawa.
Biglang pumasok sa isip ko.
Hanggang kailan ba naten mahal ang isa't-isa?
Hanggang kailan natin mapaninindigan ang pagmamahalan na sinimulan na masaya, ngunit malapit ng magtapos ng may luha sa ating mata?
---
Ako si Sena.
Simpleng babae na katulad ng iba, naghahanap ng lalaking magmamahal at magpapahalaga.
Nakakatakot mag-isa. Lagi ko sinasabi sa mga kaibigan ko yan. Takot ako mag-isa. Kaya minsan nasasabi nila saken, "Kasama lang kailangan mo hindi jowa...", "flirt lang yan 'te hindi commitment..".
Minsan tuloy naiisip ko, baka yun nga lang. Baka walang love na involve. Maybe i just needed some companion and not truly a long lasting relationship.
Sa dame na ng naging ex-boyfriends ko na halos di umaabot ng 1year, mukhang kahit ako naniniwala na hindi long lasting relationship ang hanap ko.
Then this moment came. . .
One time na may lakad ang barkada, and obviously late ako. Sorry my bad.
I bump into someone familiar from one of my social media friends.It was Alvin.
I was shocked kase he approached me first. And i got to say, gwapo pala talaga sya sa personal. I mean, nag-doubt ako kase madaming gwapo or maganda sa SNS pero fake accounts lang pala.
We talked for a short while. But says our goodbyes kasi nga may appointment pa ko sa mga kaibigan ko.
After ng gathering namin, i got a message from him. It was unexpected, kase we don't chat. We just acknowledge each other sa mga comments, reacting post. Yun lang.After that one message nagtuloy-tuloy na. Dun na nagsimula. Mga simpleng usapan na dati mabilis matapos, ngayon mas humahaba habang tumatagal.
Mga pabirong banat na nagpapakilig. Mga segway na di ko aakalain na sasakyan ko.
Pero sabe ko nga, hindi pwedeng laging okay. Hindi pwedeng laging masaya.
May mga times na wala ko sa mood makipagusap or makipagbiruan. Minsan naman sya. Alam mo yung pakiramdam na nagsasawa na kayo kausap ang isa't-isa?
Pero may mga araw na okay, masaya, nakakakilig.
Pero bakit ganoon?
Para atang dumadalas yung mga araw na hindi okay?
One time nagpunta ko sa kanya ng di planado. Wala lang, naisip ko lang. Bored kase.
And that time, di ko akalain yung makikita ko.
There's this girl.
Gulat? Oo.
Nasaktan? Hindi ko alam.
Nakaka-gago.
They're both shocked when i came in.
Shit. I know her.
It was Angela. She's a friend of mine from high school. A good friend of mine.
Napatayo si Alvin.
Surprised? Super.
"Anong ginagawa mo dito? Di ka nagsabe na pupunta ka?" Sabi ni Alvin.
"Sena? Is that you?"
I was dumbfounded. Di agad ako naka-react.
I faced her.
"Yeah it's me. Kamusta?" Sabi ko. Wala ibang tumatakbo sa utak ko. Blangko.
"Oh my god! I missed you! Teka, magkakilala kayo ng boyfriend ko?" Sabi ni Angela.
Sa mukha palang nya halatang takang-taka sya.
"a-ahh, o-oo tropa ko sya.." utal na sabi ni Alvin.
"Wait, andyan ba si tita? Sya nagpapunta sakin." Palusot ko nalang, peeo sana andyan nga.
"Nasa kusina." Sagot ni Alvin.
"Puntahan ko lang saglit. Bye."
Alam mo yung gusto mo ng bumuka yung lupa tapos ihuhulog mo sya dun.
"Sena.." Malungkot na tawag ni Tita saken.
Ngumiti lang ako at sabay sabing. . .
"Okay lang po. Di din naman po kami. Masaya lang kame sa company ng isa't-isa. Wag po kayong magalala."
Sinabihan ko nalang si Tita na sabihin kay Alvin na sya nagpapunta saken pero nakalimutan nya kung bakit.
Nagpaalam na ko sa kanila. Sa kanya.
Sumunod pala si ulol. Dinahilan na ihahatid lang daw sa labas.
"Sena, sor..."
Pinutol ko na. Di lang ang sinabe nya kung hindi lahat-lahat ng ugnayan namin.
"Vin, okay lang. Don't worry. Siguro confirmation lang hinahanap ko kung ano ba talaga meron. And it was, ...this. This is the confirmation na hinihintay ko. Just please, wag mo syang sasaktan. Wag mo siyang lolokohin. Kung hindi. . ."
"Kung hindi ano?" Tanong nya na may halong pagtataka.
"Ako mismo babalik para saktan ka. Sa lahat ng paraan na alam ko."
"Promise..." Sabi ni Alvin.
"Wag kang mangako, gawin mo."
That's it.
Ako na lumayo. Mahal ko sya. Oo, inaamin ko, napamahal na sya. Pero mas mahalaga yung kaibigan ko.
Masakit. Pero binitawan ko, para di na mas sumakit.
That was the last time na nakita ko sya. Maybe it was for good na din. Mas okay na yung ganito.
Magiging masaya nalang siguro ko at mas mamahalin ko pa sarili ko.
[end of POV]
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana
RandomMay mga tao pala talaga na pinagtatagpo pero hindi itinadhana na magsama. Parang si Sena at Alvin. Mga taong nagmahalan pero hindi napanindigan ng bawat isa ang pagmamahalan. Pano kung pagtagpuin muli sila nang tadhana? Mayroon bang magbabago? O pag...