Tulad ng ipinangako niya ay ipinadala ni Shin ang isa't kalahating milyon kay Stalwart. Alam niya nanggagalaiti pa rin ito sa ginawa niya— pero handa siyang harapin ang galit nito sakaling mauwi ang lahat sa deklarasyon ng gyera sa pagitan ng dalawang grupo. He was trained and prepared to face death, after all. Hihintayin niya ang araw na balikan siya ni Stalwart.
Finn was brought to the hospital right after they left the resort. Shin arranged for a prosthetic hand for him and sent money to Finn's family in the province.
Sa loob ng ilang araw ay ipinatawag ni Shin ang lahat ng miyembro ng Titans para sa isang pagpupulong. Nilinaw nito sa lahat ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran ng gang community at ang pag-iingat laban sa ibang mga grupo. Ipinaalala rin nito sa mga tauhan na wala nang magkakamaling pumatay ng target, o ng kahit sino, malibang kinakailangan— tulad na lamang kung iyon ay pagdepensa lang sa sarili. Pinaalalahanan din nito ang grupo na ayusin ang pag-imbestiga sa mga targets bago gumawa ng aksyon— na hindi na dapat maulit ang nangyari sa target na pinag-agawan nila at ng grupo ng Nexus.
Sinabi niya rin sa mga tauhan na magbantay mula umaga hanggang gabi sa entry and exit roads ng kinaroroonan ng hideout. Kahit sa labas ng abandonadong ospital ay may mga nakatagong bantay. Dahil sigurado si Shin na sa mga oras na iyon ay hinahanap na ng Nexus ang kinaroroonan nila— o ang iba pa niyang mga tauhan.
"May na-kolektang pera tayo ngayon mula sa apat nating mga targets, Chief. Naitago ko na ang pera sa safety box. Walang matigas ang ulo na tumakas o nagsuplong sa mga pulis. Ang grupo ni Mel ay pahinga bukas, kaya ang grupo ni Richi muna ang mag-iikot sa Yllanas."
Mula sa pagtanaw sa kadiliman ng gabi sa labas ng kaniyang silid ay nag-angat siya ng tingin kay Jon na naka-tayo sa tabi ng sofa; ang mga mata nito'y nakatutok din sa glasswall at pinagmamasdan ang buwan sa langit na tanaw mula roon.
"Anong araw ngayon, Jon?"
Doon siya nito niyuko. "Biyernes, Chief."
Tumango siya at walang ibang salitang kinuha ang basong may lamang alak na nakapatong sa ibabaw ng coffee table. Inubos niya ang laman niyon, tumayo, at binitbit ang leather jacket na naka-sampay sa headrest ng sofa bago humakbang patungo sa pinto.
Kunot-noong sinundan siya ng tingin ni Jon. "Chief? Araw ba ng pag-uwi niyo ngayon sa inyong ama?"
"No." He opened the door and looked over his shoulder. "I am seeing someone. Don't call me tonight— u-umagahin ako."
***
Friday night at the tavern was always hectic. Katulad noong nakaraang Biyernes nang magtungo siya roon, punung-puno ng mga customers. Ang balcony sa taas ay halos mapuno na rin, at sa labas pa lang ay dinig na niya ang magkahalong ingay mula sa mga customers at musikang tinutugtog sa stage.
Just thinking about seeing that someone again made him feel tingly from the inside.
Pagpasok sa loob ay nakipagsiksikan siyang muli sa mga customers. Sadya siyang dumaan sa harap ng stage sa pag-aakalang naroon ang taong inaasahang makita, subalit nang makitang ibang banda ang naroon ay bahagya siyang nadismaya.
Dumiretso siya sa bar counter at hinintay si Alfred na humarap sa direksyon niya.
"Goodness! Biyernes na ba talaga ang schedule mo ngayon, Boss?" bulalas ni Alfred nang sa pagharap nito'y makita siya.
BINABASA MO ANG
SHATTERPROOF
Aktuelle LiteraturWATTYS 2021 WINNER - WILD CARD CATEGORY Shin Takano used to be a notorious gang leader; living his life surrounded by money, alcohol, cigars, drugs, and women. He used to show no mercy to his targets and enjoyed the fun of beating them up and scammi...