10 | Preparation For The Unplanned

726 37 26
                                    

 

Kanina pa nakatitig si Shin sa isang pirasong papel na nakapatong sa pabilog na glass table sa loob ng maliit na apartment ni Eva. On the paper was the result of her pregnancy test, katabi ang dalawang ultrasound pictures. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig doon— all he knew was he wasn't ready for any of it.

How did it happen, anyway? He was always careful. He never had sex with anyone without using protection. He never wanted to have a child, or any diseases, so as much as possible, he made it a point to—

Natigilan siya.

Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Eva sa loob ng sasakyan noong pangalawang beses na magkita sila. He'd lost his mind then— he was so hot and so was she. Iyon lang ang una at huling pagkakataong naalala niya na hindi sila gumamit ng proteksyon.

Fuck.

"So?"

Mula sa papel at sa mga larawang nasa mesa ay nag-angat siya ng tingin kay Eva na nakahalukipkip at nakasandal sa pinto ng veranda nito. She was standing there, with a face void of any emotion as she looked at him, waiting for his decision.

Matagal niya itong pinakatitigan. Eva was wearing an oversized white T-shirt and sleeping pants, and he noticed her weight loss.

Isang linggo pa lang ang nakararaan noong huli silang magkita pero halos hindi na niya ito makilala.

Maputla ang mukha nito, at ang mahaba't itim nitong buhok ay magulo. Ang ilalim ng mga mata nito'y nangingitim na marahil ay dahil sa kakulangan sa tulog at pahinga. She looked pale, too, as if she hadn't been eating for days.

"Nakalagay d'yan sa papel ang window of conception, at kung iisipin mong mabuti, tayo ang magkasama sa mga araw na iyan," she said without showing any emotions— trying to be tough. Marahil ay pinipigilan lang nitong magpakita ng kahit na anong emosyon sa kaniya, kahit halatang isang pitik lang ay matutumba na ito. She looked fragile... and vulnerable. And he couldn't help but worry about her.

Since when did you start worrying about people other than the Titans? he mocked.

"And besides, wala akong ibang lalaki maliban sa'yo," dagdag pa ni Eva. "Ikaw lang ang ka-tumbling-an ko sa kama sa nakalipas na mga linggo kaya walang pwedeng maging ibang ama ang batang nasa sinapupunan. Ikaw lang."

Huminga siya ng malalim at binawi ang tingin mula kay Eva. Muli niyang niyuko ang patunay na nasa mesa at muli iyong sinuri. "To tell you honestly," he stated, "I am not ready for this."

Narinig niya ang unti-unting paghugot ng hininga ni Eva; tila inaasahan na nito ang sasabihin niya.

"Then, let's just get rid of it," she suggested that made him turn his head to her harshly.

"No," he defied.

"No?" ulit nito sa sinabi niya kasabay ng pag-taas nito ng mga kilay. "Kung hindi ka handa sa responsibilidad, lalong hindi ako. At wala akong planong magpalaki ng anak nang mag-isa."

Bumuntong-hininga siya. "Let's keep it."

Ang kaninang matigas na anyo ni Eva ay sandaling lumambot. Nakita niya ang pagdaan ng kung anong damdamin sa mga mata nito— damdaming hindi niya kayang pangalanan.

"Let's keep the baby," ulit niya. Nang makita ang pagkalito sa mukha ni Eva ay nagpatuloy siya. "I am not ready for the responsibility but I can't let you get rid of the life inside you."

He was against killing. Kung hahayaan niya si Eva na gawin ang suhestiyon nito, ano ang pinagkaiba noon sa patakaran niya sa bawal kumitil ng buhay ng tao?

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon