12 | Marriage Won't Change Anything

810 38 29
                                    


Sinapo ni Shin ang ulo nang makaramdam ng matinding kirot sa pag-gising niya. At nang may makapang benda na naka-dikit sa gilid ng kaniyang noo ay napa-kunot siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata... at nang makita ang puting kisame na hindi pamilyar sa kaniya ay lalo siyang nagtaka.

Where the hell am I?

"Thank goodness you're awake!" sabi ng pamilyar na tinig sa tabi ng kinahihigaan niya. Lumingon siya at doon ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Eva.

"Where am I?" he asked in a hoarse voice.

"Hospital," sagot nito saka hinawakan siya sa mukha. "How are you feeling?"

Imbes na sumagot ay pilit siyang bumangon. Subalit bago pa man niya tuluyang mai-angat ang katawan ay hinawakan na siya ni Eva sa magkabilang balikat at marahang itinulak pahiga.

"Stop moving," she commanded.

Pero hindi siya nakinig dito. Pinilit pa rin niyang bumangon, at nang mapa-upo ay bigla siyang nakaramdam ng pag-kirot sa tagiliran dahilan upang mapa-ngiwi siya at muling ibagsak ang sarili pahiga.

"I told you to stop moving!" Eva hissed. "Just lay down."

Nairita siya sa kirot na naramdaman sa ibabang bahagi ng katawan, kaya naman hindi niya naiwasang ibuntong ang init ng ulo kay Eva.

"Stop ordering me around, Eva—"

"Shut the fuck up and rest," mariin nitong sambit na nagpatahimik sa kaniya.

Nakikita niya sa mukha ni Eva ang determinasyon na panatilihin siya sa kinahihigaan. Salubong ang mga kilay nito at ang mga mata'y bahagyang namumula na tila nanggaling sa pag-luha. Kinunutan siya ng noo.

"H'wag mo sabihin sa akin na umiyak ka dahil sa maliit na aksidenteng—"

"Maliit?" manghang putol nito sa sinabi niya. "You could have died! Pasalamat ka at kaunting galos at sugat lang ang tinamo mo! Muntikan nang mawalan ng ama ang magiging mga anak ko, do you know how worried I was after hearing your car crashed? I was still on the phone, Shin! Narinig ko ang pagbagsak ng kotse mo, ang pag-basag ng salaming bintana, at ang ungol mo bago ka nawalan ng malay! Nakausap ko pa ang taong nagligtas sa'yo sa sasakyan. Dinala ka nila dito at sumugod din ako dito sa ganitong oras because I was freaking worried about you!"

He opened his mouth to say something, but Eva beat him off again.

"I spoke to the doctor, and he says you were drunk!" Sinapo ni Eva ang noo sa pagkamangha. "Wala ka bang pagsa-alang-alang sa magiging mga anak mo, Shin Takano? Sa akin, wala ka bang pagsaalang-alang sa akin? I was worried about you— para akong tinaga sa dibdib. But maybe you won't understand because you don't have a heart."

Huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin.

At sa mahabang sandali ay nanatili lang siyang nakatitig dito.

Nakikita niya ang pag-aalala sa mukha ni Eva, at nahihimigan niya sa tinig nito ang tindi ng pag-aalala na kung pagalitan siya ay para siya nitong anak.

So, this is how it feels, huh?

At habang nakatingin si Eva sa ibang direksyon ay malaya niya itong napag-mamasdan.

God, when was the last time he stared at her that long? He had almost forgotten how sexy those small pouty lips were. How her eyes sparkled like wildfire when she's in bed, and how her face turned red when she's happy, or mad, or worried.

She's beautiful. She's beautiful that he had almost forgotten how much.

Masyado siyang naging abala sa nakalipas na mga buwan. The babies in Eva's womb were supposed to keep them close— pero kabaliktaran ang nangyari. He detached himself because he wanted to prepare her for the worst. He had intentionally drawn himself away from her to get her used to his absence. He showed her that he wasn't the kind of man who would stay by her side forever— na naroon lang siya para suportahan ito at ang magiging mga anak nila sa pinansyal na aspeto, at hindi sa kung ano pa man.

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon