Thank You Junoel LyCaster for the season finale book cover!
********
WELCOME TO LOA SEASON FINALE!
Una sa lahat, maraming salamat sa mga bumasa sa Season 1, 2 and 3. After kong macomplete ang LOA noong Feb 26, 2020 ay hindi pa ako nag susulat ng new story, nag decide ako na mag rest muna. Pero kung may gagawin ako for sure Romcom na ito at li-lo muna tayo sa pag gawa ng fantasy dahil ayoko na dumating sa punto na ma d-drain ulit ang utak ko LOL. Pero kung may papasok na fresh ideas ay gagawin ko kahit anong genre. Pwede rin akong mag cover ng story basta maganda. Suggest kayo dito *insert comment here*
So yung tanong nila ay sasagutin ko na, since last season na ito. Eto yung mga tanong LOA fans na hindi ko pa nasasagot dahil gusto ko dito siya icompile.
Bakit ikinu-kumpas ng mga bida ang kamay pag umaatake?
Isa ito uri ng galaw na maaaring nag aactivate sa kanilang kapangyarihan. Maaaring ang pag kumpas ng kamay ay password para sa unlimited access ng lakas at maaari rin itong isang uring nakatagong simbolo sa na kailangan isulat o igalaw sa ere upang maging malakas ang pag atake. Maaari ring ang pag kumpas ng kamay ay isang uri ng pag lalabas ng enerhiya at dadala ng pwersa ang kanilang mga kamay.
Sino sa mga anghel ang paborito ko?
Ang favorite ko ay si Narding. Kasi siya yung pinaka madalas kong napapanaginipan. May part ng pag katao namin ang similar kaya maaaring nag rereflect ako sa kanyang character. Pero gusto ko silang lahat at alam ko naman na kada angel ay mayroong fans club.
Sino sa mga character ang pinaka mahirap gawin?
Hindi ko itatanggi na ang pinaka mahirap gawin ay si Ace. Plus nakakatakot pa yung mga fans niya kasi karamihan yata ay siya ang bet.
Sino ang mga character ang pinaka madali at nakaka enjoy gawin?
Ang sagot ko ay si Irano dahil sa kanya water bending na powers. Masarap ring gawin sina Tibur at Cookie sobrang good vibes.
Bakit parang kaunti ang exposure ni Black Nardo?
Ito ay dahil wala talaga siya sa listahan ng naiprepare kong villain. Originally lahat ng kalaban ay anak lang ni Anum aka Alpha. Then marami akong narecieve na suggestions na kung maaari ay mayroong black Nardo katulad ng Darna ni Marian Rivera kung saan dumating si Katrina Halili bilang black Darna. Dahil gusto kong ibigay ang wish ng mga fans ng ATNN talagang gumawa ako ng paraan para maisingit sa story si Black Nardo. Nag karoon ako ng total editing at total make over sa buong season 3 para maisingit lang siya. Kung mapapansin niyo buo ang story line at plot kahit wala si Black Nardo iyon dahil hindi naman talaga dapat siya kasali. Hindi ko na siya nabigyan ng bonggang exposure kasi part lang naman siya ng pag katao ni Narding bilang fear, sadness, anger, grief, anxiety at kung anu-ano pa.
Diba 2030 pa magaganap ang war?
Dapat talaga sa 2030 magaganap ang war, kaso ay na-unlock nila Sam ang mga akashic records ng kinaroroonan ng mga Gods, so maaga nilang natalo ang mga ito. Dahil doon nabago ang lahat pati ang future. Dahil naunang gumawa ng "MOVE" sila Narding ay para na rin silang nag declare ng early war sa pagitan nila at ni Alpha kaya naging maaga ang labanan. Sa Future 2030 kasi hindi nakahanda sila Nardo, biglang BOOOOOM! Lahat sila ay namatay. Kaibahan ngayong kasalukuyan na sila ang nag first move para maiwasan yung trahedya sa 2030 kaya ang lumalabas ay parang sila ang nag declare ng maagang digmaan.
Sino ang may pinaka astig na powers?
Si Bart at Serapin, ilang video ni Orochimaru ang pinanood ko para magawa siya. Yung ganoon talaga sa kanila ang pinaka ideal na kalaban ni Darna, hoping ako na may budget ang movie nila para makagawa ng mala Serapin na villain.
Kung magiging member si AiTenshi ng Liga ng Anghel anong powers ang gusto niya?
No need, kasi founder. Creator na ko LOL
Gaano katagal ginawa ang LOA?
Kulang 2 months, sagad na iyon. Ito ang pinaka matagal sa history ng pag susulat ko. Ito rin ang nag pasakit ng ulo ko ng maraming beses.
Gumagamit ba ako ng mga filler chapters?
Yes, mapapansin niyo naman mayroon tayong mga parts na sobrang nakaka tawa lang at walang kinalaman sa takbo ng story. Ginagawa ko ang mge filler parts para pang timpla o pang balance sa emosyon ng reader. At syempre pampahaba rin ito ng story para maabot yung target na max chapters. Katulad ng LOA, ilang fillers ang ginamit ko para lang maabot ang 100 plus na bahagi.
Ano ba ang aasahang maganap sa season 4?
Ito na ang final battle, ito na ang pinaka kabuuan ng misyon. Ito rin yung pinaka masakit sa puso at sa ulo. Dito sa last season marami tayong moral lessons na mapupulot at dito rin marerealize kung gaano kahirap gawin ang LOA. To be honest naiyak talaga ako noong isulat ko ang salitang "wakas". Para bang nagawa kong challenge ko sa sarili ko na gumawa ng isang mahabang fantasy na involve ang mga characters na pinag paguran ko ng maraming taon. Siguro hindi niyo mauunawaan kung gaano ako naging masaya noong matapos ko ito, vocal naman ako na talagang mahirap siyang gawin. 5 super hero na may iba't ibang trademark tulad ng powers, personality, idagdag mo pa yung mga partners at supporting character, kahit ako di ko rin maipaliwanag kung paano ko nagawa yung plot at twist. Basta nagulat nalang ako na tapos na siya.
***************
Muli po, maraming salamat sa walang sawang pag subaybay sa aking mga kwento. Kayo ang inspirasyon ko para mag patuloy sa pag susulat. At sana ay suportahan niyo pa rin ang iba ko pang story na parating na tiyak kapupulutan niyo ng aral, inspirasyon at pag mamahal.
Thank you Ai Tenshi for sharing your stories!!
LOA Cast:
Top: Irano, Narding, Jorel, Nai, Ace
Mid: Cyan, Bart, Jonas, Rui, Sam
Bot: Rashida, Juho, Gun, Cookie, Tibur
ANG TADHANA NI NARDING BOOK 3: LEAGUE OF ANGELS BXB 2020
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...