< Mikkah San Francisco >
"GOOD MORNING, everyone. I am Mikkah San Francisco. 19 years old. I can sing and dance. I hope we can be friends", pormal kong pagpapakilala sa harap ng klase habang matamis na nakangiti sabay bow pagkatapos. Nagpalakpakan naman silang lahat.
Siguro naman mababait sila? Haynako subukan lang talaga nila akong tarayan, ibully or what makakatikim sila sakin! Hindi ako palaaway but I know kung kelan at kung pano ko ilulugar or ihahandle yung ugali ko.
Oo, mabait ako pero ayokong inaabuso ako. May limitasyon ang lahat. Dapat ilugar mo yung pagiging mabait mo para dika nila abusuhin. Dapat kilalanin mo yung mga taong dapat pagkatiwalaan sa hindi.
"Hi! Mikkah, right? I'm Ellaiza Del Valle. Nice meeting you!", masiglang pagpapakilala ni Ella 'daw' sakin sabay alok ng pakikipag-shake hands.
Masigla at may matamis na ngiti ko namang inabot ang kanyang kamay at nakipag-shake hands.
"Oo, tama ka. Ako si Mikkah. Nice meeting you too!"
"Hmm, pwedeng makipag-friends?" namumulang tanong ni Ellaiza sakin na halatang nahihiya dahil saglit na tumalikod sakin at kinalma ang sarili.
"Oh, sure. No problem. Ella, my friend!", sabi ko sakanya at muling nginitian. Nice. Mukhang magkakaroon ako ng nice bff dito. HAHAHAHAHAHA.
"Really? Thankyou, Mikkaaaaahh! Iloveyou, mwah!" sabay flying kiss at hug. Gosh, mukhang tuwang tuwa talaga sya kasi may friend na din sya.
Ang cute nya tuloy tingnan kasi ang clingy-clingy nya.
Well, totoo namang cute sya. May blonde hair na parang highlights pero mukhang natural na hanggang likod ang haba. May manipis na labi. Matangos na ilong. Medyo singkit na mga mata. Plus! Maputi at maliit sya.
"Wait lang ha?" sabi nya sabay talikod.
Nakita kong naglakad muna sya patalikod kaya sinundan ko sya ng tingin ng nakakunot ang noo. Kasi naman eh! Sabi nya friends na kami pero bakit ganon iniwan nya ako ditong magisa sa likod?
Maya maya, nakita ko syang pabalik bitbit-bitbit yung bag nya. Nakangiti pa din. Pinapanood ko syang maglakad. Tinitingnan---mali. Inaabangan ko kung san sya pupunta.
Tila nabuhayan naman ako nang makitang inilapag nya ang bitbit na bag sa katabing upuan ko. In short, tumabi sya sakin. Yes! Yes! May kasama na ako palagi, yes! HAHAHAHAHA.
Wala muna kaming klase ngayon dahil nga orientation palang. First day of class. Binigay ng mga prof namin yung schedule ng klase namin kaya ayon pag wala ng prof, nagchi-chikahan kami ni Ella. Getting to know each other ganern! Oh, taray diba? Parang nagliligawan lang ang peg. HAHAHAHAHAHA.
-------
*bell is ringing*
"Mikkah, tara na sa canteen. Yay! My favorite subject, hihihi"
"Baliw ka talaga, Ella! Tara na nga baka nagugutom na yang dragon mo sa tyan, HAHAHAHAHA charot!"
"Yaaaayy! Let's go, bff!" sabay hatak nya sakin sa kamay palabas ng classroom, papuntang canteen di halatang excited ghaddd!
Limang minuto nang marating namin ang school canteen. Buti nalang malapit lang kami sa canteen. Di magugutom pag pabalik na, woooosh!
Pag dating sa loob, naghanap agad ako ng chuckie. Bumili ako ng lima para hanggang mamayang lunch break. Favorite ko kasi to e. Pag malungkot, chuckie. Pag stress, chuckie. Basta! Si chuckie lang kayang magpagaan ng loob ko. Bumili din ako ng sandwich tsaka ng mineral water.