Author's Note: Hohoho maintriga kayo sa title ng chappy na 'to... LOL BTW, thanks nga pala sa mga nagtyatyagang bumasa. I love you guys!
Dedicated to: FallinAngelle kasi may contribution siya sa chapter na 'to.. XD Sis, sorry ngayon pa lang kita na-dedicate dito huh. Gusto ko kasi ditong chapter kita ita-tag eh. ^_^
-----------------------------------------------------------------------------------------
Keeno’s POV
Shit! Think Keeno, think! How can you get Frizz away from that Rocky person? Hindi siya pwedeng ma-end up sa Rocky na ‘yun. Eh babaero ang ungas na ‘yun eh. Paano kung saktan na lang niya si Frizz. Eh man hater pa naman ‘yun. Baka matuluyan na ‘yun if mangyari pa yun. Grr! No, I need to protect her.
Nandito lang ako sa room namin. Kasama ko ngayon si Matthew, Kush, Bryan at Liam sa kwarto. Mga members silang lahat ng camera club na kasama din ni Frizz. Buti na lang nga di kami magka-cabin ng Rocky na ‘yun dito sa camp eh. Kung hindi baka nag-clash na kami.
“Dude, tara na. Kailangan na nating pumunta sa grand hall. Magsisimula na ang first activity,” sabi sa akin ni Kush at dali-dali na din kaming naglabasan ng cabin.
Pagdating naming sa hall ay isang nakaka-inis na scene agad ang bumungad sa aking mata. Si Frizz, katabi si Rocky at nagtatawanan. Damn! I need to stop this. Sabi ko na lang and the next thing I knew, lumapit ako sa kanila at agad kong hinila si Frizz mula sa kinauupuan niya.
“Kee—bakit?” Sabi ni Frizz sa akin na mukhang nagtataka kung ano ang ginagawa ko. Dinala ko siya sa may pintuan ng grand hall at doon ko na lang siya kinausap.
“Frizz, pwede ba ‘wag ka na lang makipag-usap sa lalakeng ‘yun?” Sabi ko sa kanya.
“Huh? Sinong lalake? Si Rocky ba?” Confused na tanong niya sa akin.
“Oo, kung pwede lang ‘wag na please,” sagot ko sa kanya. Mukhang desperado na siguro ang itsura ko ngayon dito pero wala na akong pakialam ‘dun. Basta ang alam ko, kailangan kong protektahan si Frizz.
“Bakit ba? Mabait naman siya ah,” depensa niya.
“Mabait? Mabait? You don’t know him! ‘Di mo alam ang iniisip ‘nun tungkol sa ‘yo,” naiinis na sabi ko.
“Huh? Bakit ikaw ba, kilalang kilala mo ba siya? At paano mo naman nalaman ang iniisip niya tungkol sa akin aber?” Galit na din na sabi niya. Di na ako nakasagot. Kasi tama na naman si Frizz, ‘di ko naman talaga siya lubusang kilala eh. Ang alam ko lang gusto niya si Frizz at wala akong tiwala sa kanya dahil mayabang siya at kilala siyang playboy sa school namin. At oo, mas playboy pa yan sa akin. Talagang di ko lang nagustuhan ang sinabi niya nung nasa bus kami. Angkinin ba naman si Frizz na parang gamit lang? Gago niya!
Nung di ako nakasagot, inis na lang na bumalik si Frizz sa upuan niya sa tabi ng Rocky na ‘yun. At eto namang bwisit na lalakeng ‘to, nagawa pang tumingin at mag-smirk sa akin. Nakakalalake na ang ulol na ‘to ah. Sige na, suntukan na lang kasi.
“Ano na naman ang sinabi mo sa friend ko huh?” Bigla nalang may kumausap sa akin at pagtingin ko si Janice pala ‘yun.
Wait…si Janice ang bestfriend ni Frizz. Ting! Bigla na lang may pumasok na idea sa utak ko. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?