Chapter 24

60 3 0
                                    

Rhed's P. O. V

"Itadakimasu"

Translation: Itaadakimasu (thanks for the food)

Nagsimula na kaming kumain at tanging kalansing lang ng plato at kutsara ang naririnig.

"So how's your school?" basag ni dad sa katahimikan.

-_-#

'Patay..sasabihin ko bang na office ako? Pucha bahala na'

"O-ok lang d-dad" pilit ngiti kong sabi kahit na nauutal ako...pucha pinag papawisan pa ako.

"Ok lang? " taka niyang sabi at naihinto niya pa ang pagkain at derektang tumingin sa akin.

"Y-yes d-dad" nanginginig na talagang sabi ko.

"So your saying ,you didn't even get better?!" nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.

"Klein calm down" pagpapakalma ni mom.

"So walang pinag bago sa acads mo? Kasi ok lang? Hindi ka man lang nag level up?!" sigaw niya ulit.

"D-dad hindi p-po y-yun ang i-ibig k-kong sabihin" napapahiyang sabi ko.

"Then what? " nanlalaking mata niyang bulyaw sa akin.

"W-what I mean is, w-wala naman pong p-problema sa a-acads ko kaya ok lang, nag level up naman po ako kahit p-pinag s-sasabay ko ang p-pag l-lalaro ko" hininaan ko ang mga huling linya kong binitawan dahil paniguradong magagalit nanaman siya.

"Yan! Yan na nga ba ang sinasabi ko, puro laro kasi nasa utak mo. Allen! Tell me? Anong napapala at natututunan mo sa paglalaro na yan ha? " shkk..(_)

"Ano kaba Klein? Kumain muna tayo, mamaya kana magalit" sabat ni mom.

"I need your answer now Allen..siguraduhin mong maganda ang maisasagot mo"

Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga ba ko siya sinagot.

"Doon ko po nalaman ang ibig sabihin ng sportsmanship, doon ko nakita ang talent ko, doon ako nagiging masaya, doon ako napupuri ng marami dahil dun lang daw ako magaling, doon ako nagkaroon ng maraming kaibigan at nakakuha ng maraming supporters, nakakapag exercise din ako, at higit sa lahat" bago ko bitawan ang huling mga linya ko ay tumingin ako kay dad na kunot noong naka tingin sa akin "Doon ko naramdaman ang tunay na pamilya, at hindi ako nakaramdam ng pangungulila sa kanila"

Natahimik sila sa sinabi ko at naramdaman ko sa sulok ng mga mata ko ay nagiinit na dahil sa mga namumuong mga luha dito..

Tumayo ako at tumingala sa itaas para hindi nila ito makita at ayaw ko rin ipakit sa kanila na umiiyak ako dahil baka isipin nanaman nila na mahina parin ako katulad ng dati.

"Sana maintindihan niyo po ako, hindi man ngayon pero aasa ako na maiintindihan niyo ako, kasi ang sakit para sa akin, yung tipong mga magulang kong laging wala sa tabi ko at kahit umuwi dito sa bahay ay hindi ko parin nakakasalamuha, ang sakit talaga para sa akin yung nangungulila ako sa inyo pero naiintindihan ko." tumingin ako sa kanila at nag simula ulit na mamuo ang mga luha sa sulok ng mata ko.  "Pero kayo? Isang bagay na ngalang di niyo pa ako masuportahan? Hindi niyo pa maintindihan na ito yung gusto ko, na dito ako masaya. Sana man lang inisip ninyong nagungulila ako sa inyo sa pagmamahal niyo-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang putulin ako ni mom.

"So sa tingin mo hindi pa sapat ang mga binibigay namin sayong pagmamahal? " seryosong sabi niya at nakita kong nangilid ang mga luha niya.

"Gusto niyo pong malaman ang sagot ko diyan? " derekta kong sabi...hindi man sila sumagot pero nagsalita ulit ako. "Hindi. Hindi sapat para sakin ang ipinapakita niyong pagmamahal" at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Allen binigay na namin sayo lahat ng gusto at kaylangan mo? Hindi parin ba sapat yun ha? " umiiyak na sabi ni mommy.

"Oo mom. Binigay po ninyo lahat, pero hindi po materyales na bagay ang kaylangan ko para lang masabing mahal niyo ako!" pigil sigaw na sabi ko.

"Eh ano? Ano pang gusto mo?!" sigaw ni mom at umiiyak na ng todo.

"Yung pagaaruga ng isang ina at ama, yung suportang galing sa inyo, yung laging nandiyan kapag may problema ako, pero wala kayo. Wala! Dahil ang nasa isip niyo trabaho at paggawa ng pera at hindi ako!" sigaw ko.

Pakkkkkk..pakkkkk....

Dalawang beses akong sinampal ni mommy,nanatili akong nakayuko dahil wala akong mukhang ihahahrap pa sa kanila.

"Kung yaan ang iniisip mo nagkakamali ka..hindi mo alam kung gaano kahati ang utak ko sa trabaho at sa iyo para lang mabuhay tayo." giit ni mom.

"Pati pa naman poba sa utak niyo kahati ko parin ang trabaho niyo?" pabalang kong sabi habang nakayuko parin.

"James! " sigaw ni dad..halata kong galit na siya kahit hindi ako nakatingin dahil binanggit na niya ang pangalan ko tuwing galit siya.

"Hinihiling kong sana kahit mahirap ang buhay ko may suportadong magulang naman ako..sana hindi nalang ako ang naging anak niyo." tumingin ako kina dad bago ako umalis. 

"Allen Rhed James! Bumalik ka dito! " sigaw pa ni dad pero nagtuloy lang ako sa paglalakad.

Derederetso lang ako naglakad at saka ko napansin na nakalayo na ako sa bahay namin, at ngayon ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

'Bzzzzzz...bzzzzz..bzzz'  biglang nagring ang phone ko at nakita kong si Sam ang tumatawag, bumuntong hininga muna ako bago ko sagutin ang tawag.

"S-sam?" pigil iyak kong sagot.

"Rhed? Umiiyak kaba? " biglang sabi niya.

"Pshh h-hidi a-ah.."

"Asan ka? " seryoso niyang sabi.

Kilalang kilala na niya talaga ako..dahil pag ganito ang sitwasyon ko alam niyang wala ako sa bahay at nasa labas ako.

Luminga ako at napansin kong nasa tapat pala ako ng bahay nila.

"S-sa t-tapat niyo.."

"Sige baba ako diyan kalang ha? "

"W-wag na..j-just t-take a rest" pigil ko.

"No..wait for me, I'll hang up na" sabi niya at inend call na.

Hinintay ko lang siya at wala pang limang minuto ay natanaw ko na siya na hingal na hingal na binubuksan ang gate nila.

"B-bakit ka t-tumakbo? "

Umiling lang siya at hinila na ang kamay ko.Hindi na ako naka angal pa dahil hindi ko rin naman siya mapipigilan tahimik kaming naglakad at napadpad sa mini park.

............









Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon