Sa kamay ng mapaghamong pagkakataon na kung saan ay ang kadiliman ang siyang naghahari sa buong sanlibutan, isang hukbo ng mga itinakda ang magpapanumbalik ng kapayapaang matagal nang inagaw mula sa sangkatauhan.
Ang pagbabalik ng mga guardians ang siyang magbabalik ng kaluwalhatiaan sa sampung bansang niyakap ng takot at pangamba.
Tuklasin ang kanilang muling pagbabalik - Ang Guardians of the Elements.
*****
"Now, I want you guys to think about a memory of change in yourself. It can be a change on your physique, mindset, or anything that affects you and the way you look about life"
"Happy birthday, Lia!"
It was twelve years ago when that change happened.
"Thank you, mama. Napakasaya ko ngayong araw na'to."
That day was filled with smiles and excitement. Sobra akong natuwa dahil sa inihanda ng mga magulang ko. Sa isip ko noon ay dahil pitong taong gulang na ako kaya ganoon na lamang karami ang inihanda nila sa akin. Iyon din kasi ang ginawa ng mama ni ate Stacey when she turned seven.
Sa isip ko ay hanggang doon lang. Ngunit nag-iba ang aking pakiramdam nang tumuntong sa alas sais ang oras. Biglaan akong nanlamig na para bang niyakap ako ng kamatayan. Biglaan akong namutla na para bang noong nahulog ako sa aming hagdan. Biglaang nabago ang pagtingin ko sa aking paligid. Ako ay naestatwa sa aking kinatatayuan.
"Anak! Anong nangyayari sa'yo!"
"Lia! Anak!"
"Ang lamig ng anak natin, Marko!"
"Magsalita ka anak!"
"Lia! Lia!"
For a couple of seconds, I thought I was dead for real.
Isang pagtikhim ang humila sa aking muli sa kasalukuyan. Nakita ko si Claire na nakatayo sa harapan ng aming silid.
"The change that I am going to share to all of you guys is when I learned that I...."
Nagpatuloy lamang sa pagbabahagi ang mga kaklase ko hanggang sa tawagin na ang pangalan ko upang ako naman ang magbahagi ng kwento. Dahan-dahan akong tumayo habang iniisip pa rin kung anong kwento ang ibabahagi ko. Alam kong walang maniniwala kapag sasabihin kong nagkaroon ako ng kakaibang kakayahan nang tumuntong ako ng pito.
Nilakad ko ang maliit na espasyo patungo sa harap ng aming silid. Nakatingin ang lahat sa akin pati na rin si Mrs. Gomez. Sumatotal, tatlumpo't walong pares ng mga mata ang ngayo'y binubusisi ako at ang mga salitang maaari kong ibigkas ilang segundo mula ngayon.
Hindi ko alam ngunit pinili kong ibahagi ang isang kwentong sa isip ko lamang nangyari. Nakakatawa.
"Okay, class dismissed. Don't forget that we will be having a quiz tomorrow." wika nito at tuluyan nang nilisan ang aming silid.
BINABASA MO ANG
Guardians of The Elements
FantasyGuardians of the Elements The Guardians have Risen. Prepare for the War. 2014 -