𝙋𝙧𝙤𝙡𝙤𝙜𝙪𝙚

5 0 0
                                    

Tito Gwen calling...

: Hello tito?

: Agatona, asan ka?

: Nasa bahay po, bakit tito?

: Pasuyo naman, punta ka sa TMC, antayin kita sa lobby now na

Pinatay ko ang cellphone ko at nagmadaling pumunta sa kotse ko, inandar ang makina at lumabas na ng gate. Sabi nga ni Tito Gwen, punta daw ako ng TMC. Ano namang gagawin ko dun? Traffic pero 'di ko maiwasang magaalala sa tawag ni tito,para kaseng importante dahil din sa tono ng pananalita niya kanina.

Pagkadating ko sa TMC, pinark ko ang kotse ko at nagmadaling maglakad papuntang elevator.

"Miss sa may lobby" Agad naman niyang pinindot ang LG level at pagkabukas ng pintuan, bumungad sakin ang mukha ni Tito Gwen.

Ngumiti siya sakin at mukhang natutuwa dahil nakita niya ko.

"Pakiusap ko lang sayo agatona, bantayan mo siya ngayon, kahit ngayon lang. Busy kase sa resto, tapos ang mama mo pa ay pagod at nag aaltapresyon sa bahay, need niya ko now" Tumango ako at inahatid niya ko sa kwarto. Natutulog siyang mahimbing. Dali-dali akong umupo sa sofa at nanahimik para hindi siya magising.

Mayamaya palang ay umalis na si Tito Gwen, nagpadeliver ako ng inumin sa Chattime at nanood ng Netflix sa Ipad ko. Hindi padin siya nagigising, buti nalang kung ganon.

---------

"Hmm" Sa sobrang busy ko manood, 'di ko napansing gising na pala siya.

"Oh, gutom kaba? May pagkain diyan, may prutas din at pizza yung paborito mo" Ngumiti ako at nanood muli. Medyo awkward kami nito, pero hinayaan ko nalang at tinuring siyang isang kaibigan.

"Asan si daddy?" Sabi niya. Pagtinggin ko sakanya, mukha niyang naiirita ang bumungad sakin. Pinatay ko muna ang Ipad ko at binigay lahat ng atensyon ko sakanya, tumingin ako sakanya pero umiwas naman siya.

"Nasa resto, busy daw" Tumango-tango lang siya at nahiga. Sungit naman nito! Sungit sungit padin!

"Ba't ka nandito? Ani niya habang nagbabalat ako ng orange sa harapan niya.

"Tinawagan ako ni tito, bakit ayaw mo?" Hindi siya kumibo. Nanahimik ang buong paligid, hindi ako nagsasalita kahit siya. Kinuha ko yung camera ko at pinicturan siya, nagflash yun kaya napansin niyang pinipicturan ko siya.

"Stop that" Sabi niya pero hindi ako natinag. Nilagay ko ang camera sa may taas ng table, katapat niya. In-on ko ang camera at fin-lip ito para makita ko ang ginagawa namin, sige ngayon ka magsungit.

Habang nagbabalat ng orange, sinubo ko sakanya yung isang part ng orange, ngumanga naman siya.

"Parang dati lang oh," natatawang naluluha ako, 'di manlang ako tumitingin sakanya ng magvibrate ang cellphone ko.

: Hello po?

: Oh, agatona? Napano ka?

: Wala po tito, okay lang po ako

Kinalabit ako ni Leon, binaba ko na ang cellphone ko at hinarap siya. Nagpunas ako ng luha at tumingin sakanya.

"Ba't ka umiiyak?" Tumulo lalo ang mga luha ko sa mukha, errr bakit pa kase ako umiyak?

--------------------------------------------------------

Published: 0 3 1 2 2 0

Time: 8:41 PM

Ako si LuxuriousLove, isang manunulat ng kung ano ano, basta pag sinipag ako, may another chapter kayong mababasa.

Supportahan niyo aking librong 'It Was Always You'.

Maraming salamat! Godbless!

--Nagmamahal, LuxuriousLove <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Was Always YouWhere stories live. Discover now