DIANNE'S POV
"DIANNNEEEE! SINISIRA MO ANG PANGALAN NG PAMILYA NATIN!" sigaw sa akin ni Ate Bea sa Faculty nila. Buti na lang walang teacher roon, kami lang dalawa. Tinakpan ko na lang ang dalawang tenga ko, grabe boses nito daig pa ang may microphone.
Ayun, so nakaganti nga si AJ. Mas lalo akong dinumog kaninaa ng mga tao dahil sa drama na ginawa nya. Talaga naman! sobra gumanti! pero grabe pag aalala ko ang mukha nya kanina makikita mo talaga na parang kakatapos lang nya mag...
"HINDI AKO MAKAPANIWALA SAYO! ALAM KONG POGI POGI NI AJ! GRABE KA! NAGTATAKA NGA AKO KUNG ANONG NAKITA NYA SAYO! PERO HWAG MONG ABUSUHIN!"
"Ha? pinagsasasabi mo?" tanong ko lang dito. Kala mo Mayordomo kung magpalakad lakad sa harap ko habang sinesermonan ako. Tahimik lang akong nakaupo sa harap nito.
"KITANG KITA KO! UMAGANG UMAGA PA HA? ALAM KONG NAGTITINAPAY LANG TAYO TUWING UMAGA PERO SIGE SA SUSUNOD MAG SASAING AKO PARA SAYO!"
"Wait lang nanakawan ka ba kanina o ano? hwag mo ibubuntong sa akin yung galit mo! Ano ba problema mo?"
"GUSTO MO MALAMAN?"
"Oo gusto ko! kase nagdudugo na tenga ko sa sigaw mo!" asar kong sagot rito. Huminga ito ng malalim, napahinto pa ito sa paglalakad at matalim na nakatitig sa akin.
"BAKIT MO KINAKAIN SI AJ SA LOOB NG KOTSE?"
"Nani kore? este ANO!? Hindi ko kinakain si AJ! Kadiri ka yun lang ba iyon? na misinterpret lang kayo no? Walang ganung nagaganap" pagtatanggol ko sa sarili. Tskkk! AteBea grabe ngayon talagatumakbo na ang respeto ko sayo. Kung alam mo lang kung sino talaga ang kumakain sa aming dalawa.
"Grabe paano nagawa ni AJ na patulan ka? ipinakilala ka pa nya sa TV" sambit nito. Ayan na naman sya! Simula na ipakilala ako ganyan na, di sya makapaniwalang mas nauna ang mukha kong mailabas ng tv kaysa sa kanya. "Hindi makapaniwala mga kapitbahay natin! Sabi nila akala daw nila lalaki ang kapatid ko tas gulat nila nagkaboyfriend"
"Sige! mas nag aalala ka pa sa sinasabi ng kapitbahay. Sino ba talaga kapatid mo? sila ba?" asar na asar kong sagot rito. Napakamot ito ng ulo sa inis sa akin. Talaga ha? sya pa naiinis ngayon. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga sinasabi nya. Nadown ako ah feeling ko, si Aj pa talaga ang naging victim.
"Pero infairness, ipinakita sa akin ng co-teacher ko ang SPOT magazine! Ang ganda ng kuha mo roon!" puri nya bigla. May multi-personality disorder ata to.
"Si AJ kumuha sa akin nyan"
"Wow! Celebrity na ang dami pang talent" puri nito.
"Si AJ na kapatid mo nyan? Sige basta hwag ka na magpakita sa akin" inis kong sagot rito. Laging kay AJ na lang ang pabor? Huminga ako ng malalim para makakuha ng konti pang pasyensya sa nangyayare. Tumayo ako.
"Oh? San ka pupunta?"
"Gusto ko naman mag enjoy" reklamo kong sagot rito at dumeretso ng lakad. Binuksan ko ang nakasaradong pintuan at umalis.
Kailan ba matatapos ito? Maluluha na lang ako sa mga kamalasang nangyayare sa akin. Hindi ko naman gustong sumikat, ayoko naman talaga ng mga bagay na to. Tssk! Ba't pa kasi ako pumayag? Bobo ko, nagmamabuting tumulong pero mas pinapahamak ko lang din sarili ko. Napabuntong hininga ako habang inaalala ang mga katangahan kong desisyon. Matatapos di to! Sana maiurong na ni Tiriel yung kasunduan nila para bumalik na lahat sa dati. Hay! tanga ko talaga sa kahit anong parte ng buhay ko lalo na sa pagdedesisyon. Pababa na ako ng hagdan, since ang faculty ni Ate Bea ay nasa 3rd floor. Napahinto na lang ako ng makita na may apat na babaeng nakaharang sa bababaan ko. Mga masasama ang tingin nito sa akin. Nsaktuhan pa na halos walang tao sa paligid, dahil nasa opening ceremony ng Sports week. Mukhang ako ang pakay nila ah? Naglakad sila palapit sa akin since napahinto ako sa kinaroroonan ko, saka ko lang napansin na kasama rito si Amanda at ang mga alipores nya.
BINABASA MO ANG
Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)
RomanceSi Ash Jan Evans na kilala sa screen name na AJ Evans ang dumating sa buhay ni Dianne na isang pangkaraniwan lang na tao. Nang dahil sa ka pilyohan ni AJ hindi lang career ang nagulo nya kundi pati na rin ang buhay ni Dianne. Ano kaya ang nagpa spec...