IKADALAWAMPU'T DALAWANG PAHINA
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses akong napapa-buntong hininga sa bawat araw na nagdaraan. Hinaplos ko ang aking puson. Ngayon ko lang napansin na may umbok na ito nang kaunti. Kailangan ko na ring pumunta sa ob-gyne para masiguro na safe kaming dalawa nitong bulinggit na 'to.
Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita na busy ang kambal sa pagdi-diskusyon para sa investors nila. Ito na siguro ang tamang oras para pumunta ako sa ospital.
Sigurado akong magiging busy sila sa mga susunod na linggo para ma-pursue na mag-sign ang mga foreign investors na dumating sa bansa.
I cleared my throat para makuha ko ang atensyon nila. Medyo iniiwasan ko sila dahil kahit papaano ay nakakaramdam ako nang takot para sa anak ko. Hinding-hindi ako papayag sa gusto nila na alisin ang bata sa akin. Tanggap ko nang magiging single mother ako kapag nagkataon.
Humarap naman sila sa akin at mukhang nag-aalala sila. Ilang araw ko na silang hindi kinikibo masyado.
"Pwede ba akong lumabas muna? Bibili lang ako nang pagkain sa kaharap na fastfood." Mahinahong wika ko.
Nagkatinginan sila at napa-buntong hininga. "Sure, sweetheart."
"Sure, sweetie.."
Ngumiti na lang ako nang tipid. Kinuha ko ang wallet at phone ko. Hindi ko na dadalhin ang iba ko pang gamit para hindi halatang lalayo ako sa opisina.
Tumayo na ako at nakitang nakatingin sila sa akin. Bago ako makalabas ay narinig kong tinawag nila ako.
"Let's talk later, Chienne.."
I just nodded at umalis na. I took a deep breath at sumakay na sa elevator.
Lumabas ako sa isang labasan nang building. Sigurado kasi ako na nasa labas si Mang Kardo para tulungan na naman ako.
Kailangan walang makaalam sa pupuntahan ko. Paglabas ko ay sumakay na ako sa taxi at sinabi ang pangalan nang ospital.
Nang makarating ako ay pumila muna ako. Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang mapaisip sa pwedeng mangyari sa aming tatlo nang kambal.
I don't want to leave them but I can't let them to kill my child. Kahit unexpected siya sa buhay ko ay ayaw kong mawala siya sa akin. I already loved him/her.
Mas pipiliin ko ang anak ko kaysa sa kambal.
"Mrs. Pendragon, it's your turn po. Hinihintay na kayo ni Doc sa loob." Saad nang nurse. Tumayo na ako at nagpasalamat sa kanya. Binuksan ko ang pinto at para akong maiihi sa sobrang excited na makita ang anak ko.
"Good morning, Mrs. Pendragon. I'm Doctor Sunshine and I will be your gynecologist." Malumanay na saad nito. Nginitian niya ako at pinaupo sa kaharap nitong upuan.
"Doc, Miss pa lang po ako. Batang-bata pa at fresh na fresh, mas fresh pa sa doublemint." I jokingly said.
She chuckled. "Did you already take a pregnancy test kit?"
Tumango-tango ako. "Yes, Doc. Mga nasa thirty 'yun, sampo sa umaga, sampo sa hapon at sampo sa gabi. Pare-parehong may dalawang guhit."
Napailing-iling si Doc. Akala ata niya nagjo-joke ako. Ginamit ko kaya lahat nang mga kit na binili ko. Siniguro ko na tama ang mga naunang resulta para sure. Sigurista kaya ako.
"Since, you already took your pregnancy test kit. We are going to do for today is an ultrasound.." Marami pa itong sinabi na hindi ko naman maintindihan.
Napasimangot ako. Kaya ayokong makausap nang Doctor. Nabobo ako.
Tumayo siya at sumunod na lang ako sa kanya. Pinahiga niya ako sa gurney doon at sinabihan niya ako na mag-relax habang hinahanda niya ang mga bagay-bagay na kakailanganin niya. Itinaas niya ang blouse ko at may nilagay nagel sa hawak niyang probe.
BINABASA MO ANG
PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)
RomanceProprietorial Men Series: Tyron and Tyler Monteverde (Book 1) - COMPLETED "You know what? Let's just forget what happened last night." Mariin kong saad habang mahigpit ang hawak sa kumot na tanging tumatakip sa katawan ko. He cutely shrugged and gav...