Alexa's POV
Alexa: "Ah Nash halika na kain na tayo.."
Nash: "Ah sige."
Nakangiti siya. Iba talaga yung ngiti niya. Ang sakit sobra. Di ko talaga alam ang gagawin ko kung mawawala sa akin si Nash. Mahal na mahal na mahal ko si Nash. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako. Pinahamak ko pa si Sharlene para lang mapansin ako ni Nash. Pero ayokong magtapos lang lahat yun ng dahil kay Shey. Kaibigan ko si Shey. Pero sabi nga nila diba, walang kaibi kaibigan sa pag-ibig.
Kailangan ko nang kumilos. Ayaw kong mawala sa akin si Nash. Akin lang si Nash.
Ang akin ay akin.
Tapos na lahat kumain. Nakita kong lumabas si Nash kaya sinundan ko siya.
Alexa: "Bhie.."
Nash: "Oh bhie.. halika dito tabi ka sa akin. :)"
Nakangiti siya sa akin. Kaya ngumiti na lang din ako.
Nash: "Buti na lang nagising na si Shey no? Okay na ang barkada. Balik na lahat sa dati. :)"
Si Shey na naman. Narinig ko na naman ang pangalan ni Shey.Alexa: "Oo nga eh. Sana tayo rin bumalik na sa dati.."
Nash: "Ha? Anong sabi mo?"
Alexa: "Ah wala. Ang saya ko lang."
Ilang minuto rin kaming tahimik, Nakatingin lang sa mga bituin.
Simula nang dumating si Shey sa barkada. Iba na talaga si Nash. Lagi na siyang masaya. Lagi na siyang tumatawa.
Yung mga tawang iyon, hindi ko nakikita sa tuwing magkasama kami. Ramdam ko na kapag kausap niya si Shey, totoo ang kanyang mga ngiti.
Alexa: "I love you Nash.."
Nagulat siya sa sinabi ko. Tumingin siya sa akin. Pero bigla naman siyang ngumiti. Nilagay niya ang ulo ko sa balikat niya at nagkalapit kami.
Nash: "I love you too.."
Alexa: "Walang iwanan ha?"
Pero ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot.
Nash: "Oo naman."
Nasaktan ako ulit. Kung mahal mo talaga ako Nash, hindi ka na dapat mag-iisip nang isasagot.
Maya maya bigla niyang hinawakan ang kamay ko. At hinalikan ako.
Yung halik na iyon. Namiss ko. Sobra. Siguro nga talaga masiyado lang akong nag-iisip. Ayokong masira ang relasyon namin ni Nash. At ayokong ako yung maging dahilan nun. Mahal ako ni Nash at mahal ko siya. Yun lang ang importante sa akin :)
Shey's POV
Wala na palang mas sasakit pa ang makita yung mahal mo na may mahal talagang iba. Oo. Ang manhid ko kasi eh. Hindi. Nagpakamanhid pala ako. Una ko palang makita si Nash. Nagustuhan ko na siya. Kaya ko nga tinanggap yung alok niyang makipagkaibigan. Kasi gusto ko talaga siyang maging close. Kaso dahil sa nangyari sa amin nila Alexa, nagbago ang lahat.