"Mom Im ho-" hindi ko na nagawa pang tapusin pa ang sasabihin ko nang bigla nalang akong natumba sabay hawak ko sa dibdib ko. Eto nanaman ang pakiramdam na ayaw na ayaw kong nararamdaman. I hate being at this state.
Unti-unti nang nanlalabo ang mga paningin ko hanggang sa sunod-sunod ko nalang na naririnig ay ang pag-takbo ng mga paa palapit sa akin upang aluhan ako. Hindi ko na nagawa pang makita kung sino ang mga iyon nang tuluyan na akong nawalan ng malay. Ayoko pang mawala, Lord please! Help me please..
Pagkabukas ko ng mga mata ko ay ang pamilyar na puting ceiling nanaman ang tumambad sa aking paningin, mga kurtinang puti na naka-sabit sa mga puting pader. The smell that I don't want to smell anymore, cause it suffocate me, everytime I smell it. Mga aparato na naka-konekta sa mga machine papunta sa aking katawan. Katawan kong naka-hilata nanaman sa nakasanayan nitong kama. Even if I already used to it, I'll admit that I hate being here. Who would love tho.
As I gained my sense back again, "Mom umuwi na po tayo, Lets just go home pleaseeee.." nagpupumilit at halos maluha-luha ko nang pakiusap sa mommy kong mugtong-mugto nanaman ang mga mata sa kakaiyak. This is what I really hate nasasaktan sila parati ng sobra pag-nandidito ako.
I love them so much but I can do nothing because I am the reason of their sadness, always the reason. Katabi niya ang daddy ko na halos pinagtakluban na ng langit at lupa dahil sa nakikita niyang kalagayan ko ngayon. Even my dad. I know him being a strong man but if it's about my cause, tumitiklop siya. I don't know what to do anymore.
Gusto kong lagi kong mai-paramdam sa kanila na mahal na mahal ko sila. Gusto kong maging isang normal na anak, a sweet daughter who can be free doing stuff for my parents. But I can't, I really can't.
Kasalukuyan pa rin kaming nasa Hospital ngayon mag-iisang linggo na simula nang ma-confine ako sa Hospital na ito dahil inatake nanaman ako ng sakit ko na ayon sa Doktor ay lalong lumalala na. I hate to admit it, but Im scared Im really scared. Ayokong sa ganito ka-aga ko mai-iwan ang mga magulang ko. Im still young, I can still do a lot of things. I still want to be a Doctor, A cardiologist that can help others with a heart problem like me.
I wiped away my tears as I felt my tears running down to my cheeks again. Mahina na ako ayoko ng mas lalo pa akong pahinain ng kaiiyak ko.
Humihina na ang katawan ko hindi ko na lubos kinakaya pa ang mga nararamdaman kong sakit at hirap nitong mga nag-daang araw. Halos mapuno na ng kung ano-ano ang katawan ko dahil sa mga nakasalpak na kable mula sa mga makina na naka palibot sa gilid ng hinihigaan kong kama.
Kaya man akong ipagamot at mag-bayad ng malaki ng mga magulang ko upang maipagamot ako at gumaling, wala naman silang magawa dahil mukhang hindi na kinakaya ng katawan ko ang mga nararamdaman ko. Alam kong sa mga panahong ito labis na ang pagsi-sisi ng mga magulang ko, na sa isip-isip nila siguro kung hindi lang nila ako pinayagan na mag-aral sa totoong school ay hindi sana ito aabot sa ganito ang kalagayan ko ngayon at hindi rin sana lumala ng ganito ang sakit ko. And that is what I never wanted to happen, ayokong sinisisi nila ang sarili nila dahil sa nagiging kalagayan ko.
Alam kong mahina ang puso ko, dapat hindi ko nalang pinilit ang gusto ko dapat nanatili nalang ako sa mga nakasanayan ko naman na. This is all my fault, but I can do nothing anymore nangyari na ehh. At kung hindi rin ako nag-aral sa totoong school, hindi ko siya makikilala and I don't like that. Masaya akong nakilala ko siya, na kahit sa maikling panahon nakaramdam ako ng kaka-ibang saya, sayang siya lang nakapag-bibigay.
Lumaki akong may sakit sa puso, at halos ang bahay lang namin ang naging mundo ko, lumaki akong sa bahay lang namin nag-aaral, naglalaro, at kung ano-anu pa. Hanggang sa isang araw nalang ay kinumbinsi ko ang mga magulang ko na gusto kong mag-aral sa isang totoong school, hindi ako kayang tanggihan ng mga magulang ko kaya't kahit labag sa loob nila ay pinayagan nila ako. Lubos ang kasiyahan ko ng mga panahong iyon, na sa wakas mararanasan ko ang tinatawag nilang High-school life. Pero hindi ko man lang naisip na hindi pala ako tulad nila na maaaring gawin ang lahat, na mamuhay ng simple at normal na buhay.
Meron nga ako lahat ng bagay na minimithi ng naka-rarami nakukuha ko nga lahat ng bagay na gustuhin ko, pero hindi ko naman kayang maging masaya ng lubusan. And that time naisip ko ma mas masuwerte pa rin sila dahil nasa kanila ang tunay na kayamanan, ang kalusugan nila.
Napabalik ako sa huwisyo dahil sa tatlong magka-kasunod na katok mula sa pinto ng aking silid na kinalalagyan ko ngayon. At sa hindi malamang dahilan bigla akong binalot ng kaba.
Naalala ko bigla ang lalaking gusto ko nang makita this past days. I missed him, I really really missing him. I want to see and hugged him right now, kahit na nahihirapan na akong gumalaw. Gustong-gusto ko na siyang makita na para bang mapapa-galing niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Bukas iyan, tuloy lang" my mom just simply said as the knock stopped.
Nang unti-unti nang pinihit ng tao sa labas ang door knob ng pinto, at tuluyan kong makita ang kaninang kuma-katok ay para bang nabuhayan ako ng pag-asa.
Thank you for reading❣️
YOU ARE READING
"LIVE THE MOMENT"
Teen FictionLive in the moment and make it so beautiful that it will be worth remembering and will mark a long-lasting happiness in your heart. Eventually all pieces fall into place. Live for the moment and always remember that everything happens for a reason. ...