1st and Last Part~

45 3 0
                                    

Prologue:

Once upon a time, akala ko fairy tale story, akala ko may happy ending, akala ko din everything's perfect, pero hanggang akala lang pala, sabi nga nala don't expect, love and trust too much, cause that too much can hurt you so much, ang taray no ? Hindi ko nga din aakalain na ganun yung kahihinatnan ng maganda naming pag sasama. Ako si Christina Clifford and this is my story :D

--

"HI ako nga pala si Luke :D"  Yan ! Yan na yan yung sinabi niya sakin nung una kaming nag kilala, yan yung time na umiiyak ako dahil yung crush ko is my crush nang iba, hahaha, corny ko no ? Binigyan niya ko ng panyo nun at 9 years old ako nun at siya naman ay 10 years old at ang fullname niya ay Luke Sy, half chinese siya. Naging mag bestfriend kami, minsan nag aaway kami kahit sa mliliit na bagay, kahit nga yung tanong na, 'Ano ang mas nauna? Itlog o manok?' pinagawayan namin yan, Hahaha. Pero ni minsan, hindi kami nag away na tumagal ng isa o dalawang araw, mahilig kami parehas sa video games, ang favorite naming video game ay yung Super Mario, mahilig din kami sa chocolates kaso siya gusto niya ay Milk chocolate habang ako naman ay mahilig sa dark, hahaha, naalala ko tuloy nung nagbigay kami sa isa't isa ng chocolate pero tunaw na pala pareho, kaya nag pahidan kami ng chocolate, baliw no ? Hahaha. Ganyan kami ka close, ang tawag nga samin ng iba naming kaibigan is 'Partners in crime' hanggang sa lumaki kami nag binata siya at ako naman ay nagdalaga, hindi kami nag ilangan ganun padin ang samahan namin, hanggang sa nag prom kami at ang sinabi niya nun ay... 

"Tina, pwede bang mangligaw?"  Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya nun, kaya ang sabi ko ay "Pagiisipan ko muna"  ngumiti siya aakin nun pero hindi man lang umabot sa tenga niya yung ngiti niya. Two weeks kong pinagisipan yun, hahaha, bilis no ? Sinabi ko kasi sa sarili ko na 'bibigyan ko siya ng chance' kaya tuwang tuwa siya nung time na sinabi kong pwede niya kong ligawan, nanligaw siya sakin ng 1 year and 2 days, aalala ko nga noon nung nanliligaw pa siya sakin nag bibigay siya sakin ng icewater araw-araw. Hahaha. Hanggang sa binalak ko siyang sagutin. January 2, 2014 10:59pm hahaha. Tandang tanda ko yon kasi nung sasagutin ko na siya ay balak ko siyang isurprise kaya pumunta ako sa bahay nila, pero...

"I can explain" yan yung sinabi niya sakin nung nahuli ko siya kasama nung cheerleader namin sa school, wag niyo nang tanungin kung ano ang ginagawa nila nung oras na yun kasi hindi katanggap tanggap yun. Kinabukasan kinausap niya ako at inamin niya sakin na 3 months na silang may relasyon ng cheerleader namin sa school at Armia ang pangalan niya, tinanong ko siya non kung bakit late na siya nag sabi, kaso sang sinabi niya lang sakin ay...

 "GOODBYE and I'm sorry,"  pagkatapos niyang sabihin yan, hindi na siya nag paramdam, hindi na siya nag tetext sakin, hindi na tumatawag, yung mga dati niyang ginagawa sakin katulad ng pagsesend ng morning at goodnight text, hindi niya na din ginagawa, namiss ko lahat ng yun, yung pagbibigay niya ng ice candy araw araw namiss ko din, inisip ko noon, 'Bakit? San ako nagkulang?' at ang pinaka natatandaan kong tanong na tinanong ko sa sarili ko ay 'Ba't ko pa siya binigyan ng chance?' Hindi ko alam ang sagot noon kasi kahit anong mangyari o kahit anong isipin kong sagot ay hindi ko na maibabalik ang lahat, lahat ng pinagsamahan namin. Nahirapan ako noon mag move-on pero hindi parin ako sumuko, sinasabi ko palagi sa sarili ko na 'Be Positive' at 'Time heals but not now'.

Simula noon, natuto na ako, natuto akong maging matatag at malakas, hindi man siya ang nakasama ko habang buhay, hindi man siya ang naging ama ng anak ko ngayon pero sapat na yung mga oras na nakasama ko siya, sapat na naging malaking parte siya ng buhay ko, sapat na, na mimahal ko siya.

THE END 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi and Goodbye.. [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon