Dumako ang tingin niya sa direksyon ko at daling binaba ang violin mula sa kanyang dibdib nang maglapat ang mga mata namin. Sumimangot ako.
"Bakit ka tumigil?" tanong ako. Humakbang ako palapit sa kanya, palabas sa sinilungan kong anino ng punongkahoy.
Sa walang kadahilanan ay nataranta siya sa presensya ko. Sa halip na sagutin ako ay inumpisahan niya ang pagligpit ng mga gamit niya na nasa damuhan. Huminto ako nang umabot ako sa dulo ng sapa na nasa pagitan namin.
"Can you play Nocturne op. 9 No. 2?"
Nilakasan ko ang aking boses, nagbakasakaling makatanggap ng tugon.
Sumulyap siya sa akin pero kaagad ring umiwas ng tingin. Binilisan niya ang kanyang pagpulot, habang nagsimula na ring kumulo ang dugo ko.
"Alam mo bang nasa isang private property ka ngayon? Pwede kitang isumbong sa police kung hindi tayo mag-usap nang masinsinan."
Tumigil na siya at dahang tumayo paharap sa akin. Sa isang kamay niya ay nahirapan siya sa paghawak ng mga papel na sa tingin ko'y music sheet habang ang sa kabila ay ang kanyang violin.
Humakbang siya palabas sa shade na sinulungan niya. Bahagyang sumingkit ang mga mata nito dahil sa pagtama ng sikat ng araw. "Ikaw po ba iyong tinutukoy ni Renata na pinsan niya na dumating kagabi?"
"Kaibigan ka ni Renata?" Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa bastos na tono ko kanina.
Tumango ito. "Parang ganoon na nga. Ang totoo, tenant niya ho ako. Wala ba siyang nasabi sa'yo?"
Walang nabanggit si Renata na meron na siyang tenant. Pero kung meron man, hindi niya sinabi sa akin na lalaki ito. Matagal na ba siyang nanatili rito? Saan siya napulot ni Renata? Magmula kagabi ay hindi ko siya nakita.
"Ako nga pala si Edmund," wika nito sa gitna ng katahimikan. "Renata talks about you a lot. I'm pleased to finally meet you. Akala ko kasi ika'y gawa-gawa lang ni Renata."
Bahagya akong nalungkot at sinubukan lang na hindi sumimangot sa harap ni Edmund. Doon ko lang naalala ang pakay ko rito. "I'm also glad to meet you, Edmund. Pasensya't naistorbo kita. I really want to talk more with you, but you see, I'm running an errand."
"Anong errand ho? Kung gan'on, sasamahan ho kita. Mahirap na kung isang kagaya mo ang maligaw rito sa gubat," alok niya habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa mga music sheet na kasalukuyan niyang inaayos.
"Salamat pero ipagpatuloy lang ang pag-violin mo. Next time, play me a Nocturne, will you?" Kumindat ako sa kanya.
Nagpaalam na ako sa kanya, at tumalikod papalayo nang tawagin niya ako. Pagkalingon ko ay may isang himpis ng hangin na dumaan. Nakita ko kung paano lumipad ang isa sa mga music sheet mula sa pagkakahawak ni Edmund saka bumagsak sa sapa.
Napatitig na lamang siya at napasuklay nang marahas. Isang malalim na hininga ang hinugot nito. Salungat ito sa kalmadong persona na Edmund kanina. Tinanggal niya ang laylayan ng sleeves niya mula sa pagkakabatunes saka itinaas ito hanggang sa kanyang siko.
Anong gagawin niya? Masyadong malayo ang papel para makuha niya ito. Hinubad niya ang leather niyang sapatos saka medyas. Inangat niya ang laylayan ng slacks niya pero hanggang tuhod lang niya ito pwedeng iangat. Tuluyan niya sanang tanggalin ang kanyang sinturon nang angatin niya ang tingin niya.
Tumikhim siya at napahilamos. "Josie, pwede ka bang tumalikod sandali."
Kaya siguro pormal ang suot niya ngayon dahil kagagaling lang niya sa isang violin performance. Bukod pa doon, hindi siya iyong tipo na tao na dapat palalakarin sa sapa at payagang madumihan ang maputla nitong balat. Mukhang mahalaga ang music sheet na ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reverie
Mystery / ThrillerHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...